44.5th Chapter

278K 4.6K 894

44.5th Chapter

Sara's Point of View

"Chill ka lang, Honey Babes. Masyado kang kabado eh," sabi ni Dave habang yakap yakap ako. Paano ba naman kasi! Kanina pa ako kinakabahan!! Di ba nga ngayon balak sabihin ni Andy kay Dana yung totoo? Kanina pa dapat yun pero anong oras na?? 10 pm na!

"Sorry naman. Kinakabahan ako kay Dana."

"Don't be. Kahit ganun yun, matapang yun. Kaya chill ka lang," tapos may nag doorbell, "Oh, buksan ko lang yung pinto ha? Baka yung delivery na yun."

Tapos tumayo si Dave mula sa counch katabi ko. Nandito kami ngayon sa apartment ko kasi kanina pa ako natetensyon mula nung nagdate kami kaya nagdecide si Dave na samahan muna ako.

"Sara!" Sigaw ni Dave mula doon sa pinto kaya napatayo at napatakbo ako, "Bakit ka ba--- Dana?!!"

Bigla akong napayakap kay Dana kasi umiiyak siya. Kahit pa hindi niya ako pinansin for almost a week, best friend ko pa din 'to. Nothing changed.

"Pasok muna tayo sa loob," tapos naglakad kami habang yakap yakap ko pa din siya. Nung nakaupo na kami sa couch, "Dave, kuha mo naman siya ng tubig?" Tapos umalis na si Dave para kumuha ng tubig.

Tinignan ko lang si Dana. Pulang pula na yung mata niya. Kanina pa siguro siya umiiyak.. 

Bumalik na si Dave ng may dalang tubig, "Dana oh.." Tapos binigay ko kay Dana yung tubig. Tinignan ko lang si Dave na parang pinapaalis ko na siya.

"Ah, eh, Dana, aalis na ako ha? May gagawin pa nga pala ako," tapos nagbye na din siya sa akin at lumabas ng pinto.

"Wala na si Dave. Mind to explain what happened?" Tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ulit yung baso at uminom, "Alright. First of all, sorry for being a bitch. I love you, Sara. You know i really do. Kaya nasaktan lang ako nung nalaman kong nagiging close ka kay Ynna.. Of all people, why her?"

Huminga ako ng malalim, "She's changed, Dana. Mabait--"

"Fuck, Sara. She never changed. She's still the same Ynna you knew."

"Alam ko namang galit ka sa kanya pero sana bigyan mo siya ng chance para ipakita na nagbago na siya."

"I gave her the chance but she messed it up. She messed with us. Hindi mo ba nakikita? She's scheming! She framed me up. I slapped her because she provoked me pero ano yung pinakita niya? That she was trying to befriend me? Bullshit, Sara!"

"Alright. I believe you, Dana. Ikaw ang best friend ko. I'm sorry."

Then we stared at each other for a minute then smiled.

"We're quits?" tanong ko sa kanya.

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!