Chapter Two

3.6K 84 3

CHAPTER TWO
Si Natalie

Of all people, why him? Bakit nandito siya sa park? Why not go here some other time than now? Bakit?!

"Diba crush mo si Brian? So your dream finally came true, Nat! I'm happy for you!" niyakap pa niya ako.

"I am happy, too. Hehe." or doomed. "Let's go home, Yas." Hinigit ko na siya paalis.

"Pero hindi mo manlang ba ako ii-introduce sa boyfriend mo? I didn't even know how you two started! Puntahan natin siya, I want to hear the whole story from him!" She said with a giggle.

Oh no!

Think, smart mouth!

"No! Yas, please, tara na. I'm in a very bad mood." kinunot ko ang noo ko at nagpumilit na magmukhang badtrip. I hope she buys this. "We just had a fight, so I reaaaaally am in a bad mood. Sobra. Broken ako ngayon and I just want to cry. So let's go home please." Pag drama ko. Yumuko pa ako nyan ha. But I think I may have overreacted.

Hindi siya umimik. Nang tumingala ako para tignan siya, she wasn't looking at me. She was looking behind me.

"Fight? Nag away kayo but he seems very happy." Nagtaka na siya.

He is with his niece by the playground. Nilalaro niya yung pamangkin niya. Ang ganda ng ngiti niya and I could die just to hear his laughter. Ang gwapo niya. Simpleng porma with his white v-neck shirt and pants with a black Vans to match. His eyes, na nawawala kapag tumatawa, is his asset for me. Basta ang gwapo niya. Mabait pa yan at matalino. No wonder marami talagang nagkakagusto sa kanya.

Pero oo nga naman; A normal couple would be both devastated after a fight between them. But in our case, we aren't normal, we aren't even a couple for pete's sake!

Pero syempre gusto ko. Hihi. Kaya lang malabo. He only knows me as his classmate in Philosophy class and that's it. Buti na nga lang kilala pa niya ako diba? That's enough of a miracle for me. :")

"That wreck! I'm going to beat everything of him, just so he wait!" Yas' anger woke me. Hinigit ko kaagad siya pabalik.

"No need, Yas! Kailangan lang niyang mag cool down kaya ganyan. Let him. Magiging okay din kami soon." I assured her.

"Fine." she surrendered. "Pero kailangan mo pa ring mag explain sa amin at mag kwento ha."

I faked a sigh, "I'm so tired of all the dramas. Soon, Yas, ha? Kailangan ko lang muna ng break from all of this."

"Alright. I'll get you home. I can't wait to tell tita about this!" Excited niyang sabi.

"What? No!" I freaked out. "Wag muna, Yas. Hindi pa kami ready."

"Bakit naman?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"We're just not. Hindi ko nga sinabi sayo kaagad diba?" ito na naman ang drama effect ko. "Sinabi ko na talaga sayo 'to kasi hindi na makayanan ni Brian ang mga blind dates na 'to. That's why he's here ngayon and that's what our fight was all about."

Napa-frown siya. "Aw. Nat, I'm sorry. Sana sinabi mo na nang maaga para we have stopped this thing already."

"I can't. Kasi that would mean Brian and I telling the truth. Mahirap kaya. Especially when we decided to keep this all to the both of us muna."

Sali na kaya ako sa drama club namin? I'm so wonderful at this pala! Di ko akalaing mapagtatagpi-tagpi ko yung mga pangyayari ngayon. Teehee. ;)

"Okay." Yas looked sorry. Pero mas sorry ako. I'm a big fat liar. Well only because I needed to save myself.

Nang makauwi kami, Yas did her very best para hindi niya masabi kay mom kung ano yung kalokohan ko na nalaman niya kanina. At dapat na hindi niya talaga masabi! Even a syllable about it. Kundi, mas madadagdagan lang ang kasalanan ko kay God. Hay.

After makauwi ni Yas, si Ran naman ang pinapunta ko sa bahay. Nang makarating na siya eh pinapunta ko kaagad siya sa taas and I made sure the door's locked. Kinwento ko kaagad yung ginawa ko at nangyari kanina.

"Lagot ka niyan, Nat. Papaano na lang kung kulitin ni Yas si Brian sa school nang hindi mo alam?"

Good point. Hala.

"I won't let that happen. Kailangan magkasama kaming dalawa palagi."

"Oh really?" He asked increduously, "How about kapag may subjects kayong magkaiba, and different free periods?"

Napakagat-labi na lang ako. Wala akong maisagot. Paano nga ba kapag kinulit ni Yas si Brian nang wala ako? Edi nagkabukingan na. Tss.

"Eh, Ran, kung aminin ko na kaya kay Yas na hindi talaga kami?"

"Ikaw bahala. Ang dangerous lang kasi pinatagal mo pa. Sana kanina mo na inamin bago kayo nag part ng way."

"Iiiihhh! Ran, ano nang gagawin ko?" nagtatantrums na ako dito. Di ko na nga kasi alam ang gagawin.

"You have choices. Continue lying until Pete knows when, maghanda ka na ng pang-suyo sa matinding pagtatampo ni Yas if you confess, or aakitin mo si Brian para maging boyfriend mo talaga. You pick."

Natawa na ako. "Aakitin, really? Ang OA mo! Pero seryoso, I won't go to those plans where I have to make him fall for me. Ayoko ng pilit ano! Tsaka imposible kasi yun."

"Ang drama mo, Nat."

"Eh sino ba naman kasing hindi magdadrama sa naipit sa ganitong sitwasyon?"

"Eh sino ba naman kasing gawing excuse na boyfriend daw yung crush niya sa bestfriend niyang insane?"

Napaiyak na lang ako, pero yung walang luha, sounds lang. Haha. :(

Tinuro ko yung sarili ko. "Si Natalie."

The Exes ClubBasahin ang storyang ito ng LIBRE!