Gakuwesaribigin

95.1K 1.7K 2.1K
                                                  

She loves words

Those that are strange

Unusual and unique

Those that you cannot translate

Those that are seldom used

Yet, there’s a feeling

That she could not explain

And not a nation has invented

One for this

So, she invented hers...

Then I invented mine.

Gakuwesaribigin

by peachxvision

CHAPTER 1 

[Logastellus] 

(n.) isang tao na ang hilig nila sa salita ay mas higit pa sa kaalaman nila sa salita

Andun yung babaeng yun, umiiyak.

Ikatlong araw na simula nung namatay yung kapatid ko, pero ito. Wala na atang ginawa yung girlfriend niya kundi umiyak. Hindi ko siya masisisi, kahit ako, umiyak nung nawala na yung utol ko.

Nalulungkot ako para sa kanya. Kung ako man din mawalan...

At ang alam ko monthsary nila nung nawala si Mark. Masaklap.

"O ano. Nawala ka. Paano na yung girlfriend mo? Iyak ng iyak..."

Kinapa ko yung salamin.

"Di mo naman sinabi na huling paguusap na natin yun. Eh di sana, tinagalan ko pa yung pag-uusap sayo."

Tapos, pumunta na ako sa kwarto para matulog.

Nung araw na kailangan na namin siya dalhin, akap akap ng mga magulang ko yung girlfriend ng kapatid ko. Humahagulgol sila nung mga panahong yun.

Pag namatay ba ako, ganito din ang mangyayari?

Tapos na at umupo na lahat dun sa may mga puting upuan. Bilang kapatid, kailangan ko manatili. Nakita ko yung girlfriend ni Mark na umiiyak pa rin.

Yung totoo, gusto ko talaga siya lapitan. Kitang kita ko na wala na atang lugar sa panyo niya yung mga luha na sunud-sunod.

Kumuha ako ng tissue, pumunta sa kanya saka binigay.

"O."

Inabot ko yung tissue sa kanya.

Para siyang zombie na malalim yung eyebags pero maliit yung mata kakaiyak. Hindi siya yung magandang babae na pinakilala sa akin ni Mark nung bumisita siya.

Pero tingin ko, siya pa rin yung babaeng mahal yung kapatid ko.

Sana may ganyan pa ring babae.

"Thank you po." 

"How are you keeping up?"

Di niya ako sinagot. Pero may nakita akong luha na bumagsak na pinunasan niya agad.

"Bago siya umalis ng bahay, nag-usap kami tungkol sayo."

Tahimik lang siya, nakatitig sa semento kung saan nakahimlay si Mark.

"Tinanong ko kung bat ka niya gusto." 

"A-anong sabi..." 

"Basta may libro daw siyang binasa, at ikaw daw yung iniisip niya nung binabasa niya yun."

GakuwesaribiginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon