Hindi Bagay Sa'yo! (One Shot)

Start from the beginning
                                    

"Sorry naman, ha. Di ko naman kasalanan kung hindi ako maganda. Alam ko naman 'yon eh. Tsaka sorry din naman kung di rin ako magaling sumayaw." I said coldly.

I turned to him. "And honestly, I don't need your opinion."

I grabbed my bag and started to walk away.

"Iella, wait –" I didn't let him finish. I'm just very pissed at him right now.

Hindi naman talaga ako naiinis sa mga pambabara niya at panlalait niya sa akin. Sa araw-araw ba naman na pang-iinis niya sa akin eh. Pero wala lang talaga ako sa mood ngayon. Sobrang stressed na ako sa acads at dito sa pagp-practice para sa darating na program sa university. It's one of the major events inside the campus. I'm beat.

Argh! Ang sakit na ng buong katawan ko.

Dumagdag pa 'tong si Erick. Nadagdagan tuloy yung level ng pagka-badtrip ko. Tss.

Dumiretso ako sa room namin pagkaalis ko sa studio. Sumalampak ako sa isang upuan.

"Oh, anyare sa'yo? Parang badtrip ka ata?" tanong ni Lyzelle, ang dakila kong best friend.

"Kainis kasi yung lalaking yun eh!"

Napailing siya. "Luh, di ka pa ba nasanay kay Erick? Eh wala namang araw na di ka inasar nun eh."

"Wala akong mood para makipag-asaran sa kanya ngayon, for his information. Sobrang nai-i-stress na ako sa mga gawain ko, no!" I shrieked.

"OA mo, di bagay sa'yo!"

"Ewan ko sa'yo, babae!"

"Alam mo," she started, "feeling ko hindi naman niya talaga sineseryoso yung pang-aasar sa'yo eh. Sadyang may tama lang sa'yo yung tao."

"Haay, ewan. Bahala siya." sabi ko na lang.

"Kailan mo ba kasi balak sagutin yun?" biglang tanong niya.

Nasabi ko na ba?

Na yung walanghiyang lalaking 'yon ay manliligaw ko!

Yes! You read it right!

Manliligaw ko si Erick de Ocampo na pinakamagaling sumayaw sa buong campus. Oo, pinakamagaling kaya naman ganun lang ang panlalait niya sa akin. T^T

Wag mo nang tanungin kung paano ko naging manliligawyun. Kasi hindi ko naman talaga siya pinayagan, siya lang yung mapilit at he won't take no as an anwer!

Huhuhu! Forced labor! Human trafficking!

Para ngang hindi naman talaga siya nanliligaw kasi everyday niya akong inaasar!

Gwapo nga siya, bagsak naman sa ugali. :3

Haaaay.

"Ewan ko, Lyzelle. Ewan ko." sagot ko na lang sa best friend ko habang naiiling.

oOo

Isang linggo na lang at showcase na.

Yun yung sinasabi kong biggest event sa school. Kaya naman eto, mini-meeting kami ng instructor namin.

"Naisip kong dagdagan yung last act natin," simula ni Ma'am Isabelle at napa-groan naman ang karamihan. "Pero dahil alam kong pagod na kayo, hindi kayong lahat ang gagawa nun. Pair lang. Ituturo ko yung sayaw sa mapipili kong students. Syempre yung pipiliin ko yung dalawang pinakamagaling.

Syempre, sino pa bang magaling? E di si Erick! Pero sinong partner niya?

"Erick and Iella, stand up. The rest, sit at the back."

WAIT. Ako?

Wala na akong nagawa kundi sumunod.

Medyo awkward habang tinuturuan kami ni Ma'am Isabelle. To inform you, hindi kami nagpapansinan ni Erick. Hindi na niya ako pinansin the moment na pumasok ako the next day nung inasar niya ako. Tss. Siya na nga 'tong nang-asar, siya pa yung unang umiwas. Mga lalaki talaga oh!

Di man lang nag-sorry. :3

Nakuha naman namin agad yung steps. Ang touchy nga masyado eh. Ba't kasi ako yung pinartner sa lalaking 'to?

Sus, gusto rin, a little voice said at the back of my head.

Hindi, ah!  Pagdedepensa naman ng isa pang boses sa utak ko.

Marahas kong iniling ang ulo ko. 

"Hoy, Iella! Bingi ka ba?!" napatalon ako ng onti nang marining ko yung boses niya.

"Ano ba?! Kailangan talagang nakasigaw?" sabi ko sa kanya.

"Idiot. I've been calling you for three times already," sabi niya at pinitik ang noo ko.

"Aray ko naman!" hinimas ko yung part na pinitik niya. Kainis talaga 'to!

Hindi niya ako pinansin at sinimulan nang i-play yung music. Nasa closed practice nga pala kaming dalawa. Since six pm na natapos yung klase namin, eto latekaming nakapagsimulang mag-practice. Two days na lang din at showcase na.

Nang magsimulang tumugtog yung Next to You ni Chris Brown and Justin Bieber, sinimulan na naming sumayaw.

Habang sumasayaw kami, di ko napigilang mapangiti. First time ko lang kasi siyang makakapartner sa sayaw. Nung una pa lang kasi na nakita ko siyang sumasayaw, sobrang na-amaze na ako sa kanya. And I want to know how it feels to dance with him.

Ang kulit lang ng steps ng sayaw na 'to, paano parang naikot na namin yung buong studio! Haha! Sobrang galawgaw pero ang ganda.

Hindi ko naman maiwasang hindi maramdaman yung kuryenteng dumadaloy sa'kin every time na hawakan niya ako.

And baby, everything that I have is yours,

You will never go cold or hungry.

I'll be there when you're insecure,

Let you know that you're always lovely.

Girl, cause you are the only thing that I got right

Then the chorus came.

One day when the sky is falling,

I'll be standing right next to you,

Right next to you.

Sobrang ine-enjoy kong sayawin yung chorus, since it's my favorite part of the song. Hindi na ako nakatingin sa kanya at nagfocus sa sayaw.


Nothing will ever come between us,

I'll be standing right next to you,

Right next to you.

Until that part came.

Bigla niya kasi akong hinigit papalapit sa kanya. Sabay halik sa aking labi.

Hindi ako makagalaw dahil sa pagkagulat. Para ring na-pause yung tugtog at oras kasi di na ako aware sa nangyayari sa paligid. The only thing I knew is that his lips are on mine and his arms are wrapped around my waist.

I don't know what came into me but I kissed him back. I just followed his lead. I also managed to wrap my arms around his neck.

Once our lips separated, he muttered, "Mahal kita, Iella."

My heart skipped a beat and I feel my cheeks warmed. But still I managed to reply, "Really, really? Eh halos araw-araw mo akong inaasar, binabara at binu-bully."

He chuckled softly and pulled me into him again. "Silly. Kahit na inaasar, binabara, at – uy hindi kita binubully ah! – ikaw lang mahal ko. And I know I won't be happy without you here. I love you, Iella. I'll never get tired telling you that."

Kumalas akosa pagkakayakap sa kanya at sinabing, "Wag ka ngang maging cheesy, hindi bagay sa'yo."

He laughed. "Sus, kinilig ka naman."

FIN

Author's Note: Happy summer, everyone! :) My busy days are over. I'm supposed to publish this one next week but since I can't rid of the excitement in me to post this, I immediately sit in front of the computer and type this one.

Anyway, that's Hwang Ju Won on the left side. ♥

I hope you enjoy reading!

Read, Vote and give Feedbacks! I'd love to hear from you. 

xx

Hindi Bagay Sa'yo! (One Shot)Where stories live. Discover now