Text [one shot short story]

103K 3.4K 658

Ayun, nainspired ako sa short story ni wifey (HaveYouSeenThisGirl) na "He is Offline" kaya naman gumawa ako ng kapartner nito. Mwahahaha

I also dedicate this story to my kakambal. I love you kambal! Kay tagal ko ng sinasabi ang gift ko na to ngayon ko lang nagawa mwahahahaha XD

***

‘Hay ang gwapo niya talaga’ bulong ko sa sarili ko habang titig na titig ako sa picture ng pinakamamahal ko na si Nike sa facebook.

Naalala ko dati nung una ko siyang makita nun sa bahay ng best friend ko na tinatawag kong ‘kambal’ na si Aly. Pinsan ni Aly si Nike at pansamantalang nakikituloy ito sa bahay nila dahil sa papasok narin siya sa University kung saan kami nagaaral at sa probinsya pa siya nakatira. Natatandaan ko nun, meron kaming Buisness Plan na ginagawa at dahil isa siyang business management student, tinulungan niya kami sa Marketing plan namin. Tuwang tuwa ako ng mga panahon na yun dahil talagang hirap na hirap na kami. Sobrang humanga ako sa kanya kasi bukod sa gwapo na, matalino pa!

Nung una crush ko lang talaga si Nike pero habang tumataggal, palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya.  Hindi naman kami ganoon naguusap ni Nike dahil medyo nahihiya akong i-approach siya pero aaminin ko, kada makikita ko siya o kada ngi-ngitian niya ako, halos lumundag ang puso ko sa sobrang saya. Pero isang araw, nagising na lang ako at hinihiling sa sarili ko na sana, hindi na lang ako basta ngitian ni Nike. Sana maisipan niya ng kausapin ako. 

Sana mapansin niya ko.

Pero para akong sinaksak nung ibinalita saakin ni Aly kelan lang na parang nagkakamabutihan na si Denise at si Nike.

Sikat sa University namin si Denise. Paano ba naman, maganda na matalino na, mayaman pa! Ano naman ang binatbat ko doon di ba? Walang wala ang beauty ko! isa pa madalas pa akong pagkamalang tomboy ng mga kaklase ko kasi bukod sa panlalaki na ang name ko, boyish pa ako kumilos.

Pero kasalanan ko bang Jedzel ang naisipang ipangalan ng mga magulang ko? Kasalanan ko bang ganito talaga ako kumilos na parang si-siga-siga? Kahit naman ganito ako alam ko meron paring cute side sa sarili ko eh.

Pero ano nga bang laban ng cute side ko sa gorgeous personality ni Denise?! Wala! As in walang walang wala.


Hay.

 

Kinuha ko yung cellphone ko para itext si Aly at maglabas ng saloobin. Pag ganito kasing na de-depress ako, siya lang ang sinasabihan ko ng mga hinanakit.

“kambal, tinititigan ko ngayon yung picture ng gwapo mong pinsan! Hay ang gwapo talaga niya” text ko sa kanya.

Maya-maya lang din, nag reply na si kambal

One Shot Stories and PoemsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!