Chapter 25: The Annual Dance

263K 2K 501
                                    

HALEY'S POV 

Tanaw ko sa 2nd floor, ang dami ng mga estudyante.  Bukod sa ngayon ang foundation day, ngayon din ang mga ballgames against St. James International. Ito ang napiling guest school since ito ang madalas na kalaban ng school namin sa finals. 

Excited ang lahat, pero isa sa mga dahilan kung ba't sila excited ay dahil sa Annual Dance at mamayang gabi na ito. Para na rin kasi itong prom night. Pero ako, wala akong maramdaman na excitement, kahit dati pa. Kahit nung kami pa ni Vince at kahit na si Russell pa ang date ko mamaya, hindi pa rin ako nae-excite. Wala lang sigurong appeal sakin ang ganitong okasyon. 

And speaking of Russell, sabi niya nagpareserve siya ng seat para sa amin ni Jess na malapit sa bench ng mga players. Two in the afternoon ang start ng game. Wala naman kaming pasok ngayon, pero required daw kaming umattend ng ballgames to support our players. 

At parang ako lang ang nag-iisa at walang kasama. Ang sakit na ng paa ko, kanina pa kasi ako nakatayo  dito  sa 2nd floor. Gusto ko dito kasi tanaw ko lahat ng mga kaganapan sa baba. Pero wala naman akong maupuan, hanggang sa natanaw ko sa baba ang bench sa ilalim ng puno ng mangga. 

Nagmamadali akong bumaba. Mabuti pa si Jess, magkasama sila ni Tyler. Si Russell kasi hindi ko alam kung nasaan. Bahala na siya kung ano ang gusto niyang gawin. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakakausap nang maayos simula nung huli kaming nagkita. Ayoko na ring magtanong pa. Naalala ko kasi yung pag-uusap namin last time sa parking lot. 

"I went to see her," sabi nito. 

Tama ba ang narinig ko?Iniwan niya ako para puntahan si Vanessa?Hindi rin siya umattend ng practice dahil sa babaeng yun. Pasakay na nga sana ako sa kotse nung time na'yun pero natigilan ako. Sinara ko ulit ang pinto ng kotse at sumandal ako dito. "

What happened?" I asked. 

Huminga siya nang malalim. 

"She passed out. She was skipping meals kaya nag-loose din siya ng weight. Sabi ng doctor dahil sa stress at depression." 

Stress. 

Depression. 

Dahil ba sa break up nila ni Russell? 

Nakaka-guilty naman. 

"So how is she?" tanong ko ulit. 

"She's fine. She needs to recover immediately. Her team needs her. Malapit na ang foundation day. She has to be there," paliwanag nito. 

Oo nga pala, cheerleader si Vanessa.Pero ilang araw na itong wala. Balita ko magaling siya pero siyempre iba pa rin yung may ensayo. 

Tumahimik kami pareho.I don't know what to say .He reached for my hand and looked at my ring. Pinaglaruan niya ito saglit. The he looked at me. 

"I think she needs me. You have to understand," sabi nito. 

Ano raw? She needs him. Papano?Na dapat nasa tabi siya nito habang nagpapagaling? Napayuko ako. Inangat naman niya ang mukha ko. 

"Please..." parang nagmamakaawang sabi nito. Nagmamakaawa siya para kay Vanessa, at nasasaktan ako. This is not happening again. Katatapos ko pa lang masaktan kay Vince, eto na naman. 

Ngumiti ako nang pilit sa kanya. 

"I'm fine. Okay lang sa akin," sagot ko. 

Yumuko ulit ako. Baka mabasa niya sa mukha ko na nasasaktan ako. He held my chin up and attempted to kiss me, pero umiwas ako. Binawi ko rin ang mga kamay ko. 

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon