TAL. 23.2 -- Happiness

"Bakit tayo pinapapunta nina Mom sa kanila, Yam?" nilingon ko ang asawa ko na tahimik lang na nagmamaneho. Parang may malalim syang iniisip. Posible kaya na pinapapunta kami sa kanila dahil may problema ang pamilya? I hope not. 'Wag naman sana..

"Gusto lang tayo makasalo dahil hindi na daw tayo napupunta sa kanila." kibit balikat na sagot nito habang sige pa rin ang pagmamaneho.

Ilang sandali pa, nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Mommy at Daddy.

Nagtaka ako nang makitang may ilan ng sasakyan na nakaparada sa garage ng bahay. "May iba pa bang bisita?" tanong ko ulit.

"Hindi ko lang sure, Cassy. Let's go?" bumaba na si Daryl ng kotse at umikot sa may side ko para mapagbuksan ako ng pintuan.

Bahagya mang kinakabahan dahil baka nga may iba pang mga bisita sa loob, inabot ko ang palad ko sa asawa ko. "Nanlalamig ka. Are you okay, Cass?" bumakas ang pag-aalala dito dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Yes, of course." nginitian ko sya upang maikubli ang kabang nararamdaman ko. Ayokong mahalata ni Daryl na I'm up for something. I want him to be surprised.

Bitbit ni Daryl ang pasalubong na binili ko, at hawak ang isang kamay ko, naglakad kami papasok sa loob ng bahay. Nasa may pathway pa lang kami ng garden ngunit rinig ko na ang may kung ilang boses na nagtatawanan sa receiving area. "May iba pang bisita." anas ko kay Daryl.

"Yeah maybe. Alam mo naman si Mommy, dahil nga nalulungkot na daw sila ni Dad dyan sa bahay dahil wala na kaming magkakapatid, kaya gusto laging may bumibisita sa kanila."

Pagpasok pa lang namin sa main door, natigil ang mga tawanan. "Mabuti at nandito na ang mga apo ko!" masayang sabi ni Lolo Andy. Lalo akong nakaramdam ng pagtataka, why are they here? Si Lola Nads, Lolo Andy, ilang mga tiyahin at tiyuhin ni Daryl, at mga pinsan. May special occasion ba na hindi namin naalalang mag-asawa?

Lumapit kami kay Lolo Andy at Lola Nads upang magbigay galang.

"Kaawaan kayo ng Diyos mga apo." sabi ni Lola Nads matapos naming mag-mano sa kanilang dalawa. "Mabuti at nandito na kayo, kayo na lamang ang hinihintay para naman makapag hapunan na tayo."

"Lalo kang gumaganda, Cassandra ah." bati ng Mommy ni Daryl. Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi, gumanti naman ako ng yakap. "Hiyang na hiyang ka sa anak ko, magaling ba mag alaga ito? Hindi ka ba naman pinapabayaan?"

"Mom, alagang baby 'yan saken." umayos ako ng pagkakatayo at naramdaman kong hinapit ako ni Daryl sa may bewang. Hinalikan pa nya ang tuktok ng ulo ko na ikinangiti nila. "Si Cassandra pa, mahal na mahal ko 'to eh." na lalo namang ikinangiti nila. Nagsimula na rin manudyo sina Agnes.

"Kayo talaga! Kami na naman nakita nyo." nangingiti kong sabi sa kanila.

"Ang blooming mo, girl! Hiyang nga sya kay Pinsan, Tita!" sabi ni Agnes.

Lalo naman akong napa ngiti at napasulyap pa sa asawa ko na ngingiti-ngiti rin. Good thing na rin na marami sila, para mas maraming makiki-celebrate sa amin sa magandang balita ko.

Nagyaya na si Lolo Andy na kumain na daw kami kaya sa likod bahay pa kami nagpunta kung saan nakahain ang mga pagkain. Mukhang nakiki-ayon nga sa handaan ang selebrasyon na gusto ko. Hindi naman pwede na nalaman kaagad nina Mommy ang balita ko dahil tanging kami pa lang nina Gino at Chanel ang may alam. Hindi naman sisirain ng dalawang 'yon ang kagustuhan kong ako ang magsabi sa pamilya ni Daryl, lalo na sa asawa ko.

Naupo na kaming lahat sa isang mahabang lamesa at pinagsilbihan at hinainan ng mga katulong. "Daryl? What do you want?" tanong ko sa katabi ko habang nakatingin sa mga serving dishes na nasa harapan namin. Lahat mukhang masasarap, and oh no! Kahit yung shrimp ang sarap din yata!

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!