Four

1.9K 44 4

Bago niyo simulang basahin 'to, I would like to thank everyone na nag save nito sa Reading List nila. Waaaaaah! Salamat talaga. Sobra sobra. Eto na yung updat. Enjoy!

WTKWLI — Four

*ting*

Napasubsob siya sa balikat ko nang bumukas ang elevator. Napa-atras ako ng bahagya sa pagkabigla. Why you're making things hard for me, Skype? Ugh.

Inayos ko siya. Ibinalik ko na naka-akbay siya sa'kin habang inaalalayan ko siya.

"Skype. Anong room number mo?" Tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami.

"3 *hiks* 3809."

Hindi ko alam kung sasabog na ba yung puso ko sa kaba o ano eh. Grabe. Sobrang answered prayer 'to. Sobra sobra talaga.

Nakarating na kami sa tapat ng room niya at hawak ko na yung susi para hindi na ako mahirapan sa pagkuha. Binuksan ko ang pinto at syempre pinasok siya. Iniupo ko muna siya sa couch niya para isara ko ang pintuan.

Nakapamewang ako na lumapit sa kanya pabalik at tinitigan siya. Napangiti ako pero kinagat ko ang lower lip ko para pigilan yun. Ang hirap iresist ng ganda niya. Ang hirap pigilang kiligin sa kanga. Napailing ako at lumingon sa paligid. Nakita ko naman agad ang pintuan ng kwarto niya kaya inakay ko siya papasok dun.

Pagkababa ko sa kanya, hindi ko inaasahan na masasama niya ako. Kaya ang pwesto ay nakahiga siya, yakap ako at ako, nasa ibabaw niya.

*lub dub lub dub lub dub*

Ano bang pakiramdam 'to. Nahihirapan na akong huminga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pano mo nagagawa sa'kin 'to, Skype?

"Will you, please, Aina, stay with me?"

*lub dub lub dub lub dub*

Napangat ang ulo ko para tingnan siya. Nakapikit siya. Lasing siya, diba? Pero bakit tanda niya pangalan ko? I mean, kakikilala niya lang naman sa'kin. Usually diba, yung mga ganitong eksena, yung ex nila na mahal pa rin nila yung nababanggit nila, pero bakit pangalan ko?

"Uh. Ano kasi eh."

Pagkasabi ko nun, humigpit ang yakap niya sa'kin.

"Please." She said with her husky voice that made me weak.

"Okay. I'll stay. I'll just call my best friend para makapagpaalam."

Without any word, niluwagan niya ang pagkakayakap niya sa'kin kaya tumayo ako.

Kinukuha ko agad ang phone ko at tinawagan ko agad si Katie.

"Katie."

** Yesh, Ainababes? **

"Ano kasi. Nandito ako sa apartment ni.." napalingon ako sa kanya. Nakapikit pa rin siya. "Skype. I'll stay here for tonight."

** Oks. Enjoy, babeeeee **

Call ended. Wow. Ganun lang talaga yun, Katie? Nung nakaraan lang inis na inis siya kasi nga may issue tapos----

Napatigil ako sa pagmomonologue ko ng bigla akong hatakin ni Skype. Napahiga na naman ako sa dibdib niya. Infairness ah. Ang lambot dito.

"Thank you." She said.

Wala akong masabi. Hindi ako makagalaw. Ano ba gagawin ko dito? Pano ako makakatulog nito?

Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang ulo ko. Magkatapat na ang mukha namin at konti na lang, mag didikit na mga labi namin. Nakatingin lang siya sa labi ko at hindi ko namalayan na napa-lip bite na ako.

"Aina." Pagbanggit niya sa pangalan ko, napakunok ako.

"You're so beautiful. I want you tonight."

After saying those words. Pumikit siya at idinikit niya na ang labi niya sa'kin

Ilang sandali rin na naka-steady lang kami. Magkadikit lang ang labi namin at walang gustong gumalaw.

Hanggang sa hinaplos ni Skype ang likod ko at napaliyad ako. Dun niya sinimulang gumalaw. Ang lower lip ko pinuntirya niya. Hindi ko alam kung pano ko ba siya sasabayan sa paghalik na ginagawa niya sa'kin. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko. Pero ang alam ko, gusto ko 'to. Gusto ko kung ano ang nangyayari ngayon.

Napahawak ako sa batok niya habang siya naman, nakahawak ang thumb sa pisngi ko habang dahan dahang hinahaplos ito.

Humiwlay kami nang maramdaman naming nauubusan na kami ng hininga.

"Do you want me to stop?" She asked. Almost pabulong na.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nahihiya ako.

"Look at me. Do you want me to stop?"

Tumingin ako sa kanya at tumingin pababa.

"Aina."

Tumingin na ako sa kanya. I don't know pero parang may authority yung pagbanggit niya sa pangalan ko.

"No. I don't want you to stop."

Pagtapos kong sabihin yun, hinalikan niya ako sa noo. Sa ilong. Sa magkabilang pisngi.

At tumingin siya sa akin. Ngumiti. Ay halos matunaw ako sa ginawa niyang yun. Bago niya ako tuluyang hinalikan. At nangyari ang hindi dapat mangyari. Pero alam kong pagtapos nito, hindi ko ito pagsisisihan.

Want to Know What Love is? (Bisexual Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!