Chapter 36: Sign

1.1K 19 7

Happy 4k~ Salamat talaga :3

Chapter 36: Sign

"Yahnie, wake up! Time to get ready!" nagising ako sa boses ni Ate Madison. Medyo inaantok pa ako kasi nga anong oras na din ako nakauwi dahil kay Monggi kaya anong oras na din ako nakatulog.

"Yahnie! Gising na! Kaloka kang bata ka! Deadma mo english ko." napangiti ako at binuksan ko na ang mata ko.

"Goodmorning Ate Madison." aniya.

"Good Afternoon na bata. 1:00 na ng tanghali." napabangon ako at dali-daling hinanap ang cellphone ko. At puro Daniel at Lenzie ang nasa inbox ko.

Daniel:


Hindi porket maganda ka, hindi ka na pupunta. Aba sister! Bibilhan mo pa ako ng bikini! Where art thou?

Napangiti ako sa message ng bading na 'to. May usapan kasi kaming tatlo na magshoshopping.

Lenzie'ng Bruha:


You're always late. Tsk.

At kung ano-ano pang message ang natanggap ko galing sakanila. Ok supeer late na ko. Ang usapan namin 11:00 A.M. I'm 2 hours late.

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko ulit si Alziena na kaabang sa labas ng bahay.

"Alziena, why are you doing here? Bakit ayaw mong pumasok?" naghihintay lang siya sa labas ng bahay.

"Ah. Hindi na ate. Hehe. Hinhintay ko lang si Yosef." ngumiti siya. Pero alam ko, may lungkot sa mga mata niya.  Hindi ko alam kung ano yun pero nalulungkot ako sakanya. Hindi ko naman magawang magtanong kasi minsan lang kami nagkikita.

"Sige Alziena. I gotta go! Sobrang late na ko e!" ngumiti siya at nagpaalam na din.

Pagkadating ko sa mall tinawagan ko agad si Lenzie. Nasa starbucks daw sila. May sinisilayan daw kasi si Daniel na lalaki. Ang landi talaga nun.

"Finally, you're here after once upon a time!" sabi ni Daniel ng makita ako.

"Sorry. Nalate ako ng gising e. So, let's go?" tumango yung dalawa at nagsimula na kaming magshopping.

Ang sarap sa feelings na nakasama ko na ulit itong mga bruhang 'to. Sobrang namiss ko sila. Kasi naman, naaawa ako kay Shane dahil lagi siyang nagpplease sakin na samahan siya sa mga pinagpupuntahan niya.

Ang bait kaya ni Shane. Sobra. Kaya parang kapatid na din turing ko sakanya.

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!