I rolled my eyes. Tingnan mo ‘tong babaeng ito. Sinabihan pa akong tanga. Kaibigan ko ba talaga siya?

"Grabe ka naman. Look oh, appreciate his beauty." Sabi ko saka umayos ng pagkakaupo dito sa table namin.

"His beauty? His kalandian! Psh. Dito ka lang. Huwag na huwag kang lalapit sa amin. I'm warning you." Bilin niya.

Napaka-unfair! Bakit kasi hindi nalang niya ako isama sa VIP table na iyon? Hay, tumango nalang ako at nag-behave. Ise-save ko ang energy ko mamaya kapag pinakilala na niya ako sa Palermo na iyon.

"Sige na, I'm going there. Baka magtaka na siya. Masyado na akong matagal. Baka puntahan pa ako sa comfort room."

Fine, fine. Kanina pa nga pala siya ro’n sa VIP table na iyon at nagpaalam lang siyang pupunta sa comfort room para inggitin ako dito sa table ko. Yes, table ko dahil solo flight ako dito. Mukha tuloy akong loner.

"Alright! Basta ang banana. Kapag may pagkakataon, take a picture ha?" bilin ko sa kaniya. Syempre, ang pustahan!

Condo unit pa naman ang ipinusta niya sa akin. My dream!

“Okay, fine!” napilitan pa yata ang bruha. Ayun, rumampa na palapit sa Palermo na iyon.

Uminom nalang ako ng beer.

Maya maya pa ay kumunot ang noo ko nang makitang magka-akbay na sina Cherrypink at ang hottie na Palermo na iyon na palabas ng bar. Wow! As in wow. What a very nice friend I have! Iniwan ako ng bruha! Bwisit! Hindi pa nga niya ako pinapakilala sa hottie na iyon, e. Akala mo naman aagawin sa kaniya.

I sighed. Whatever! Bahala nga sila. Well, siguro gagawin na ni Cherrypink ang oplan: tingnan ang size ng banana ni Palermo. Mas maigi na iyon for our deal.

And now, what should I do? The usual. Flirting with boys.

“Hi, are you alone?”

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking... sa isang segundo...

“Miss?”

“Uh, yes? Wanna have a drink with me?” I asked. Sanay na naman ako sa mga boys na lumalapit sa akin para yayain akong uminom at makipag-good time e. Ako pa? E ang ganda ganda ko.

He smirked at me. “Since you’re alone, can you move at the bar counter? Puno na ang bar at marami pa kaming grupo ng customers na dumarating. They need a table like this. At dahil mag-isa ka naman, pwede naman sigurong sa bar counter ka nalang?”

Natulala ako. Literal akong napanganga sa sinabi niya. What the hell did he say? “A-Anong sabi mo? Pakiulit nga?”

“Bingi ka ba, miss? Sabi ko pwede bang lumi—“

“Enough!” pinatigil ko siya. “So you mean, pinapaalis mo ako sa table na ito dahil marami pang customers ang dumarating at wala ng ibang available tables? And because I’m alone, gusto mong lumipat ako sa bar counter? Wow. Amazing. Are you what, the manager?” pagtataray ko.

In my entire life, this is the very first time na may magpalipat sa akin ng table. Seriously!? I'm paying for my drinks. Anong tingin niya sa akin? Mahirap?

He smiled. “I’m the owner’s son.” Simpleng sagot niya.

Amazing naman talaga! Tumayo ako saka nameywang sa kaniya. “You’re just the son! How dare you? Hindi porke mag-isa ako, may karapatan ka ng paalisin ako sa table na ito! Ako ang nauna rito, um-order ako ng drinks and I have the rights to stay here whenever I want!” naiinis talaga ako! Naiinis ako! Pigilan niyo ako!

Ngumiti pa din siya. Nagawa pa talaga niyang ngumiti? Sayang ang kagwapuhan niya kung ganyan siya ka-rude!

“Excuse me, iha. Anong nangyayari dito?”

TWO FACEWhere stories live. Discover now