Chapter Five - Marco is...?

16.2K 402 39
  • Dedicated kay Ana Liza Siva, my first wattpad follower!

     “Hello?” inaantok na sagot ni Stephanie sa telepono. Sino ba namang Herodes ang tumatawag sa kanya sa ganito ka aga? Linggo ngayon. Araw ng kanyang pamamahinga. Tsaka di pa sumisikat ang araw.

      Natigilan ang nasa kabilang linya.

      “Hello? Sino to?” Medyo naiirita nang tanong ng dalaga.

      “This is Alejandro Benitez. May I talk with Greg?” naaasar na tanong ni Ali. Ang babae na yon na naman! Sumagi na naman sa isipan niya ang halos hubo’t hubad nitong kaanyuan. Ang kulay rosas na camisole at cotton pink panties. Nag-init ang kanyang katawan. At may nanigas. Pinagalitan niya ang sarili. Di siya dapat nag-iinit sa kalaguyo ng tauhan!

      Biglang napaupo sa kama si Stephanie nang marinig ang boses ng amo. Nawala ang kanyang pagkaantok. Nailayo niya ang mouthpiece ng telepono sa bunganga at tinakpan pa ito ng kamay.

      Kinabahan siya. Baka maghinala na ang amo. Ano ang gagawin niya? Tumikhim siya. Pinraktis magsalita sa boses-lalaki. Nang ma-satisfied ay nilapit uli ang mouthpiece sa bibig.

      “Sorry po, sir. Di ko po agad narinig ang telepono. Ang kulit po kasi ng girlfriend ko, e. Napatawag po kayo?”

      Hindi muna nakapagsalita ang nasa kabilang linya. Nag-hello pa ng kung ilang beses si Stephanie alias Greg Malvar bago sagutin ni Ali.

      “Are you free today?”

      “Bakit po, sir?”

      “I asked you first. You answered me with a question. Ano kang klaseng tauhan?”

      “Sorry po, sir. Kasi po kung may ipapagawa po kayo, I don’t think I can do it, sir. Kasi po I have plans with my girlfriend na po, e,” pagsisinungaling pa niya.

      Sa halip na sagutin siya ng amo binabaan siya ng telepono. Napakamot na lang siya ng ulo. Pambihirang lalaki yon! Teka, ano ba kanina ang mga pinagsasabi niya? Susko! Baka pinaghihinalaan na siya ng amo! May lalaki kayang mukhang goon ang magsasabi ng “...Kasi po I have plans with my girlfriend na po, e.” Parang sobrang trying hard na kolehiyala ang dating niya.

      Tinawagan niya ang amo. Kailangan makapagpaliwanag siya. Sige na nga, magtatrabaho na siya kahit day off pa niya.

      Nakatatlong tawag na siya pero di pa rin pini-pick up ng lalaki. May pagka-binabae din kung umasta. Ang daling magtampo. Nang di pa rin ito sumagot sa ikaapat niyang tawag, nag-give up na ang dalaga. Bahala na ang mokong sa kung ano man ang iisipin. Dahil today, girl na girl siya.

      Dahil hindi na nakatulog, minabuti na lamang ni Stephanie na bumangon at magluto ng aalmusalin niya. Pritong itlog at bacon. Nagtoast na rin siya ng tinapay saka nag-brew ng kape. Maya-maya pa ay napuno na ng mabangong aroma ng kape ang buong apartment niya. Parang timang siyang nilanghap-langhap ang paligid bago kumuha ng mug para paglagyan ng kape.

      Binuksan niya ang TV at nanood ng balita habang kumakain ng almusal. Na-feature na naman ang mga Younghusbands. In fairness, may mga hitsura naman kaya habulin ng mga kababaihan. Swerte talaga ng Azkals dahil biglang naging household name courtesy of the Younghusbands. At swerte din ni Angel dahil sa dinami-dami ng mga kababaihan sa Pilipinas na nagkaka-crush kay Phil ay sa kanya pa nahulog ang loob ng huli. Kung naiinggit ang ibang mga girls kay Angel, si Stephanie hindi. Di naman niya type ang binata. Sino nga ba ang gusto niya? Nag-flash sa kanyang isipan ang mga best plays ni Ali noong Governor’s Cup. Napangiti siya nang di niya namamalayan. Pinilig niya ang ulo. Hindi dapat. Dahil hindi siya nakakasiguro sa totoong sexual orientation ni Ali.

OPLAN: Ali Benitez! (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!