The Light

101K 2.6K 323

A/N:

Ngayon pa lang po, sasabihin ko na, this is not a love story so I hope hindi kayo mabitin. Hehehehe I dedicated this story for all those rape victims. Medyo serious ang plot nito and I hope nabigyang justice ko ang gusto kong iparating sa story na to.. enjoy reading dears

The Light

by alyloony



 Copyright © 2012 by Alyoony Stories


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

 



***




“gusto ko ng mamatay”

 

 

Ang mga katagang yan ang nagdala saakin ngayon dito sa LRT station. Sa tiyan ko ay isang sanggol na wala na kong plano pang buhayin. Hindi ko alam kung paano ako nahantong sa ganitong kapalaran. Halos buong buhay ko ay naglingkod ako sa simbahan pero bakit nangyari saakin ito? Bakit pinabayaan ako ng Diyos?

Ako si Miracle. Ayon sa mga magulang ko, ayan daw ang ipinangalan nila saakin dahil para sa kanila, isa akong biyaya. Dati kasi hirap magbuntis si mama kaya naman nung maipanganak ako, ganun na lang ang kasiyahan nila. Sabi nila, laking pasasalamat daw nila sa Dyos dahil dumating ako sa buhay nila.

Second year college na ako ngayon sa kursong education. Isa rin ako sa mga naglilingkod sa simbahan bilang isang choir member. Bata pa lang ako ng magsimula akong kumanta sa simbahan. Bukod kasi sa hilig ko na ito, pinalaki rin ako ng mga magulang ko na maka-Diyos kaya naman masaya ako na naglilingkod sa kanya.

Masaya ang buhay ko. Meron akong mabubuting kaibigan at mapagmahal na mga magulang. Lagi kong iniisip na mahal na mahal ako ng Panginoon dahil biniyayaan niya ako ng masayang buhay. Naniniwala ako noon na hindi niya ako pinababayaan at lagi siyang nandiyan para saakin. Na kahit anong mangyari hindi niya ako aabandunahin.

Pero nagkamali ako.

 

 

Dahil sa isang insidente, nagbago na lahat ng paniniwala ko.

Tandang tanda ko pa ang araw na yun. Medyo ginabi kami ng practice ng choir nung panahon na yun. Sasali kasi kami sa isang choir singing contest at yung mapapalanunan naming premyo ay balak namin i-donate sa isang charity. Lahat kami ay pursigidong manalo kaya naman ganun na lamang ang pag pa-practice namin.

One Shot Stories and PoemsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!