Chapter 15.1

10.1K 425 77

Chapter 15.1

Ngayong nasa mansion na ng mga Sarmeinto si Maureen ay hindi siya mapakali. Kahit maganda ang pakikitungo sa kanya ng ina ni Nathan ay hindi pa rin napapanatag ang loob niya hangga't hindi nakakausap si Margarett, gusto niyang magpaliwanag dito upang hindi siya pag-isipan ng masama nito. Ilang beses siyang napabuntong hininga bago lakas loob na lumabas ng kuwartong tinutuluyan. Kung hindi niya ito gagawin ngayon ay maaaring wala na siyang pagkakataon na makaharap ang dating boss. Kailangan na niyang umuwi ng Palawan para naman maasikaso ang kanyang tita Fely.


Nagpalinga-linga si Maureen ng makalabas sa kuwarto at ng matanawan ang isang katulong na nasa hallway ay agad niya itong nilapitan upang tanungin kung saan ang kuwarto ni Margarette. Ilang magkakasunod na katok ang ginawa niya ng nasa tapat na siya ng kuwarto ng boss. Napaatras siya ng si Dale Andrew ang bumungad at walang sabi-sabing hinila siya nito at dinala sa family room.


"What are you doing here?" Tanong ni Dale Andrew pagkapasok na pagpasok nila sa family. Mabilis din niyang nailock ang pinto.


"It's none of your business. Gusto kong makausap si Margarette. May importante akong sasabihin sa kanya." Seryosong tugon ni Maureen.


"No! hindi ako makakapayag na makalapit kang muli sa asawa ko. Baka kung ano na naman ang mga sasabihin mo sa kanya." Mariing tutol ni Dale Andrew.


"Dale Andrew, wala akong oras na makipag-usap sa'yo. Kung hindi ko makakausap si Margarette ngayon ay hahanap ako ng ibang pagkakataon." Walang lingon likod na lumabas ng family room si Maureen.


Napakunot ang noo ni Nathan ng matanaw ang asawa na nagmamadaling lumabas ng family room ang asawa niya. At napatiim bagang siya ng makitang palabas din si Dale Andrew, susugurin niya sana ito ngunit pinigilan niya ang sarili dahil ayun sa kaniyang mommy ay maselan daw ang kalagayan ng pagbubuntis ng kapatid. Malalaking hakbang na tinungo niya ang kuwarto nila ni Maureen. Inabutan niya itong nakahiga habang mariing nakapikit ang mga mata.


"Kung gagawa ka ng katarantaduhan, huwag dito sa pamamahay namin!" Nanggagalaiti sa galit si Nathan.


Mabilis na napabalikwas ng bangon si Maureen at ng titigan niya si Nathan ay kitang-kita niya sa mga mata nito ang galit. Imbes na mataranta ay walang takot na sinalubong niya ang mga nagbabagang titig nito. "Wala akong alam sa sinasabi mo." Malamig niyang tugon dito.


"Damn you Maureen! Huwag mong sagarin ang pasensiya ko. Ano ang ginagawa niyong dalawa ng hayup na lalaking iyun sa family room?!" Nilapitan pa ni Nathan si Maureen at mariing hinatak ang braso nito.


"Nathan, let me explain." Napangiwi si Maureen, nasasaktan siya sa pagkakahawak nito.


"Maureen, kahit anong sabihin mo ay hindi ko na kayang paniwalaan. I just want to remind you that we're legally married kaya huwag ka ng umasa na magkakabalikan pa kayo ni Dale Andrew." Mariing pahayag ni Nathan sabay bitaw sa pagkakahawak sa braso ng asawa.


"Napakarumi ng pag-iisip mo, Nathan. Hindi na ako mag-aaksaya ng oras para ipaliwanag kung bakit nasa family room kami ni Dale Andrew dahil hindi mo rin naman ako paniniwalaan." Akmang tatalikuran ni Maureen ito ng maramdaman niya ang dalawang kamay nito sa magkabila niyang balikat.


Mabilis na inihrap ni Nathan sa kanya ang asawa. Hawak niya ang magkabilang balikat nito. "Tandaan mo Maureen, you're mine! At ayokong makikita kang nakikipag-usap sa ibang lalaki lalo na sa hambog na Monteverde na iyun!"


Gustong singhalan ito ni Maureen kung makapagsalita kasi ito ay parang wala silang relasyon ni Farah ngunit pinili na lang niyang magpakahinahon. "Huwag kang mag-alala, marunong akong tumupad sa usapan. Habang kasal tayo ay hindi ko hahayaang marumihan ang pangalan mo."


"Mabuti naman at marunong kang tumupad sa usapan." At ng mapadako ang tingin niya sa braso ni Maureen ay parang gusto niyang murahin ang sarili.


"Ganito talaga ako mabilis magkapasa." Turan ni Maureen ng mapansin niyang nasa braso na niya ang atensiyon ni Nathan. Marahan niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa balikat niya, sabay talikod.


Gusto sanang aluin ni Nathan ang asawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Naisip niya na kung gagawin niya ito ay maaaring lumaki ang ulo nito. "Fix yourself; in a while our dinner is ready." Turan na lamang niya bago lumabas ng kuwarto.


Nang mapag-isa si Maureen ay hindi na niya napigilan ang mga luha. Nalulungkot siya dahil hindi niya alam kung anong direksiyon ang tinatahak niya ngayon. Lalo pang bumibigat ang nararamdaman niya dahil sa paraan ng pakikitungo sa kanya ni Nathan. Mula ng makausap nito si Farah ay lagi na lamang nakasinghal sa kanya ito. Bigla niyang na-miss ang kanyang pamilya kung alam lamang ng mga ito ang nangyayari sa kanya ngayon ay may makakaramay siya ngunit ayaw naman niyang madamay pa ang mga ito sa problema niya.

________________

A.N.

Enjoy reading!

Deal with the MillionaireBasahin ang storyang ito ng LIBRE!