Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART TWO)

50.8K 698 428
                                    

A/N

Like FHBGFAG / BGFAG  page on facebook! Nasa external link po :))

Music: Say Goodbye- Katherine McPhee (Suggested by SourCream)

Season 2 Chapter |Q| >> #TheTruthAboutUs (PART TWO)

 

Kendrick’s POV

2 weeks. 12 hours. 13 minutes and 5 seconds.

Oras kung kailan hindi ako kinakausap ni Belle. At sa pagdagdag nang mga oras na yan, mas nagiging desperado na akong makita siya.

Walang halong biro. Desperado na ako.

 

“Belle…belle, ano ba sumagot ka na….”

Nang wala pa ding sumasagot sa kabilang linya, pinigilan ko ang sarili ko na itapon ang teleponong hawak ko at akyatin na lang ang mataas na gate sa mansion nila Belle.

 

“D-amn it!”

 

Sinipa ko ang bato sa harapan ko. Ano bang problema? Bakit hindi niya ako sinasagot? Bakit hindi niya ako kinakausap?

 

Nagiging desperado na ako bawat minutong lumipas na hindi ko naririnig ang boses niya. Na hindi ko siya nakikita.

 Dalawang linggong hindi ko siya tinawagan o pinuntahan man lang. Dahil iniisip ko na may ginawa akong mali at kailangan niya nang panahon para maka pag isip. Pero F-uck! Kahit anong klaseng pag pipilit ko sa utak ko para matandaan  kung may ginawa nga akong mali sa kanya, mas lalo akong naiinis dahil sa pagkakaalam ko naging mabuti naman ako.

 

“F-uck! Ako na naman ba ang may problema?”

 

“Pare, lika na. I-uuwi na kita, pang ilang beer mo na yan? Lasing ka na pre,”

 

Hindi ko pinansin si Justin, pinagpatuloy ko lang ang pagsisipa ko nang mga bato sa harapan nang napakalaking gate nila.

Para na akong mababaliw kakaisip nang pagkakamali ko. Ang gusto ko lang naman ay malaman ang dahilan kung bakit…

Bakit biglaan?

Sigura nga, nahihibang na ako. Baka yun ang epekto nang dalawang linggong walang tulog dahil sa pag –iisip nang mga dahilan kung bakit yung taong mahal mo bigla ka na lang sinipa papalayo sa buhay nila.

Mahal ko siya. Siguro mas higit pa sa pagmamahal ko kay Jesse dati.

Sa tuwing kasama ko si Belle, Nagiging mas masaya ako. Mas nagiging payapa ang buhay ko. Mas nagiging kumpleto ako.

“She’s not worth the effort pare, lika na.”

Alam kong maganda ang intensyon nang kaibigan ko, pero sa oras na’to nandilim na lang ang paningin ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon