Chapter 1

2.5K 75 13
                                    

CHAPTER 1

Dali-daling kumaripas ng takbo si Therese at di man lang niya napansin ang mga nabunggo niya sa hagdan. Napatingin din siya sa kello kitty watch niya at nakaturo ang kamay ng relo sa 9:10. Lagot, late na naman ang lola!

“Shit, late na naman ako!” Bulong niya sa sarili niya tapos pagpasok ng kwarto, halos kumalabog ang pinto at nagitla ang buong klase, “Sorry, di ko po sinasadya…”

Yung lang yung lumabas sa maputlang labi ni Therese na kulang na lang ay lagyan siya ng bulak sa ilong. Umismid ang gurang nilang prof sa major at tinignan siya, “Your name is?”

Kinabahan si Therese, “The—the—“

“Ano’ng tete?!” singit ng professor niya tapos hagalpakan naman yung mga kaklase niya, syempre kasama na dun sina Vannessa at lalo na si Julia.

“Therese Carter, mam.”

Hinanap ng prof yung pangalan niya sa seat plan tapos minarkahan ng ‘L’ saka sinabing, “You’re late, sige na, upo.”

Ngumiti naman siya pero sakto lang dahil hindi rin naman siya gaganda kahit ngumiti siya tapos kinawayan niya sa kabilang column sina Julia at Vannessa. Bago pa man umupo si Therese sa designated arm chair niya, pinagmasdan niya muna yung katabi niya. Si Justin.

Sa loob ng 35 students sa block nila Therese—20 babae at 15 lalake—tanging si Justin lang ang masasabing hulog ng langit para sa kanya. May lihim kasi siyang pagnanasa dito at tanging kaibigan niya lang ang may alam kasi nga baka asarin siya ng buong klase dahil di sila magka-level sa height at sa mukha.

Si Justin yung tipo ng lalake na sikat sa facebook dahil sa dami ng likers. Yung kahit kuko niya lang ang ipost na picture, tumataginting ng isanlibo ang comments. Mga ganun. Hard to reach kumbaga.

Nainlab siguro si Therese dahil palaging mukhang bagong ligo si Justin at mabago. Hindi gaya ng iba niyang classmates.

Diyos ko. Aircon ang room! Maawa naman kayo, umiikot yung amoy.

At sa sobrang kabaliwan niya sa Justin na ‘to, talagang nagpuyat siya para lang makumpleto ang simbang gabi at makapag-wish na sana maging seatmate niya yon. Pati nga yung 11:11 na oras, inaabangan niya! Utang na loob.

In all fairness, natupad naman yung hinihiling niyang maging seatmate sila dahil nag-drop na yung dapat na makakatabi ni Justin para sa subject na yon.

“Umupo ka na, di makakita ang mga nasa likod,” kinilig si Therese sa mga sinabi ni Justin kahit mukhang tinarayan na naman siya. Ngumiti lang si Therese saka umupo at nilapag ang filler sa ibabaw ng arm chair.

Nag-isip agad siya ng damoves, “Kanina pa ba si ma’am?”

“Sssh.” Sabi ni Justin, “Makinig ka nga.”

Syet, ang cool niya talaga. Sa isip-isip ni Therese. Pangit na nga, tanga pa. Hindi marunong makiramdam. Kung tutuusin kasi, ayaw talaga ni Justin na katabi si Therese dahil naiirita siya. Panay tanong tapos di naman nakikinig! Panay laglag pa ang ballpen tapos pupulutin—nakakaistorbo sa mesa niya.

Pero actually, sinasadya lang talaga ni Therese na ilaglag ang ballpen niya—kahit G-tech pa yun—dahil umaasa siyang pupulutin ni Justin para sa kanya. Eh kaso, tamad si Justin kaya nganga siya! Siya rin ang nagpupulot. Baliw.

***

Kanina pa naiimbyerna si Julia dahil naiinitan siya sa suot niya. Eh saksakan naman kasi ng bobo. Alam ng mainit ang panahon kahit may aircon tapos nagsuot ng makapal na long sleeves at turtle neck na pang-winter collection. Utak munggo talaga, forever.

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon