Chapter 61: The Big Day

106K 2K 463
                                    

Chapter 61

Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na ang araw ng kasal nina Tyron at Amara. Pinili nila ang isang intimate church wedding, na kung saan mga piling kakilala lang nila ang tanging inimbitahan.

Naroroon ang kanilang mga kaibigan na masayang-masaya, dahil sa hinaba-haba ng panahon sa kasalan din ang kanilang tuloy.

Nagkakilala na rin ang kani-kanilang mga magulang at natuwa ang magkasintahan dahil madaling nagkasundo ang mga ito. Lalo na ang Daddy Richard ni Tyron, dahil muli nitong nakita ang dating kaibigan na si Daddy Robert ni Amara.

Naging super close rin sina Mommy Nadia at Mommy Cris, dahil dalawa sila sa naging punong abala ng nasabing kasal.

"Naynay!" Masiglang bungad ni Reese nang makapasok ito sa dressing room ng kanyang Ina.

"Anak," bati ni Amara rito saka dumukwang para mahalikan ang pisngi ng kanyang Anak.

"Wow ang ganda-ganda mo po, Naynay." Naniningning na turan ng bata dahil kita niya ang itsura ngayon ni Amara sa blooming sa suot nitong wedding gown.

"Ikaw din naman Ate Reese, you're the most prettiest flower girl I've ever seen.." bola ni Amara sa kanyang anak.

"Prinsesa ko." bungad ng Ama ni Amara na si Daddy Robert.

"Dad!" magiliw na usal ni Amara. "I'm glad you made it, akala ko po may important meeting kayo sa new york?" Nagtataka niyang tanong dito.

"Anak it's your special day and I won't missed it for the world hija, nandoon naman si Jacob siya na muna pinaasikaso ko."

"Awww... Thank you po, Daddy." nakangiting aniya sa kanyang Ama.

Napabaling naman sila sa gilid nang marinig ang hikbi ni Mommy Nadia, nakita ni Amara na nangingilid na ang luha nito kaya naman nilapitan niya ang kanyang Ina sabay sabing,

"Mommy 'wag na po kayo malungkot." Pag-aalo ni Amara ngunit mababatid mo rin ang lungkot sa timbre ng boses ng dalaga.

"Mahihiwaly ka na ng tuluyan sa'min anak, mawawala na ang nag-iisang baby ko." At sa puntong iyon ay humagulgol na si Mommy Nadia.

"Mom ano ka ba," sabay yakap niya rito. "Hindi po ako mawawala sa inyo, infact magkakaroon pa nga po kayo ng anak na lalaki, 'di ba po pangarap n'yo 'yun dati?" nakangiting sambit ni Amara para pagaanin ang loob ng kanyang Ina.

"Hon tama na, 'wag mo nang paiyakin ang anak mo. Tara na sa simbahan baka mainip 'yung mamanugangin natin." Ani Daddy Robert sa kanyang asawa.

At sabay-sabay na tumungo na ang mag-anak sa simbahan.

Church:

"Bro," tapik ni Mark sa binata. "Don't worry dadating 'yung bride mo, baka natraffic lang."

"Salamat Bro." balik tapik n'ya rito.

Hindi mapakali si Tyron dahil twenty minutes nang late si Amara. Panay ang tawag niya sa telepono nito ngunit hindi sumasagot ang dalaga.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon