Chapter 18: Before the anticipated

1.7K 50 1

(RINA POV) 

Ilang araw din ang lumipas bago siya ay natawagan ni Jerome na sinasabing parating na ito kasama ang mga magulang niya. Ang sabi rin nito na hindi na masyadong nagulat pa ang mga magulang nang sabihin nito na mgpapakasal na siya kay Aveial. Kaya naman agad na lumipad ang mga ito papunta sa London para ihanda ang kasal nila ni Ave

Kaya ngayon eto sila at inaantay ang kanyang mga magulang sa labas ng kastilyo. Pero ang sabi sa kanya ni Celine— iyon daw ang gusto nitong itawag niya rito habang hindi pa sila  kasal ni Ave— na sa mata ng mga tao ay isang lang iyon malaking masyon at hindi kastilyo. Nasabihan na rin nito ang mga tauhan sa palasyo kaya naman mukhang wala nang problema pa. Mas gusto kasi nila na wag nang ipaalam sa mga magulang niya ang totoo tungkol sa mundong nakasanayan niya noon. Isa pa alam niyang masasaktan ang mga ito nang husto oras na malamang mga ito na malamn ng mga ito na isa sa kanila si Jerome.

Besides she knows how much they suffered this the past few years when Jerome was taken away from them. Sa ngayon hindi pa rin niya alam ang plano niya pagkatapos na maikasal siya kay Ave ang mahalaga sa kanya ay kung ano ang meron siya ngayon. Hindi na muna niya aalalahanin ang nagbabantang digmaan, ang maaring mangyari sa hinaharap o kung ano pa man. Basta sa ngayon alam niyang masaya siya sa buhay na meron siya kasama ng mga taong mahal niya.

Pagkarinig niya sa paparating na sasakyan ay agad na gumuhit sa kanya ang isang matamis na ngiti at sinalubong ang mga magulang sa kotse.

“Mom Dad!” agad na bati niya sa mga ito at kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin matatawaran ang itsura ng mga ito para ngang halos walang taon na itinanda ang mga ito. Hindi katulad ng mga celebrities na kailangan pa ng kung ano-ano na ipinapahid sa mukha ang sabi ng mga ito na ganoon daw ang mga taong tumatanda ng masaya hindi nahahalata saedad ng mga ito.

Agad naman na sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng mga ito at nakangiting nagbiro sa kanya ang Daddy niya.

“I still can’t help to think our little girl would be getting married soon.”

Agad na namula ang mukha niya. “Bakit parang hindi yata kayo masyadong nababahala na magpapakasala na ko?”

Tinawanan lang siya nito. “We  already know this from the start kaya namna hindi na kami masyado pang nagtaka na kayo rin ang magkakatuluyan sa huli. Isa pa alam naming na simula nang umalis si Ave ay halos isumpa mo na yata siya sa sobrang asar mo sa kanya.”

Hindi na lang siya kumibo at agad pasimple na lang na hinanap ng mga mata niya si Jerome. Na noon lang kalalabas ng kotse habang may karga-kargang babae sa bisig  nito.

“Teka san mo iya kinidnap? Umamin ka Jerome!” noon lang niya napansin na si Ave na nasa tabi na pala niya.

Sinamaan ito ng tingin ni Jerome. “Manahimik ka nga baka magising siya.”  Anito saka dire-diretso na pumasok sa kastilyo.

My Midnight Kiss (MBIAV 2)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!