Chapter 4: Xground

Magsimula sa umpisa

Bumalik ako sa meeting room habang dala dala ang tray na may tatlong baso ng gatas.

"O, gising na pala kayo Carl" tumingin silang lahat sakin at sa dala kong gatas.

"Yes! Mommy Ali's special milk!" Sabay sabay na sabi nga tatlong lalaki habang nagtitinginan. Mukhang masayang masaya sila ah. Huwag kayo mabigla kung bakit mommy Ali ang sinasabi nila. Ganito kasi yun, noon kasi nung mga childhood days namin mag bestfriends kaming apat kami ni ian, ako, carl at vaughn. Kapag napapagod ako palagi akong nagtitimpla ng gatas, ako mismo nagtitimpla para sa sarili ko. Kaya  tinikman nilang tatlo ang gatas ko at nasarapan sila. Kaya tuwing napapagod sila, titimplahan ko din sila ng gatas. Hanggang tinawag na nila itong Mommy Ali's special milk, ang corny nga kapag pinakinggan.

" Galing ba sa s*so mo yang gatas friend?" Tumitingin siya sa tatlong lalaki na enjoy na enjoy sa pag iinom ng gatas nila. " At tsaka bakit saya saya nila? Ngayon lang ba sila nakatikim ng milk?" Nagtataka niya tanong sakin.

"Paborito nilang inumin yan at tsaka hindi galing sa s*so ko yan, specialty ko" sabi ko.

"Ah kaya pala, pahingi nga, mukhang masarap eh" wala akong nagawa kaya nagtimpla nalang din ako para sakanya.

"Mmmmhhh, ang sarap naman pwede kunin kitang milk maker!" Biro niya sakin. Pagkatapos nilang uminom pumunta kami sa battle arena para tingnan kung sino maaring sumama samin sa dadating na labanan.

Pumunta si Carl sa itaas ng stage at kinuha ang mic.

"Magandang gabi sa inyung lahat," bati niya sa kanila. Pinagtuunan naman  siya ng tingin at nagsiupuan sila sa bleachers. Sa gitna naman nandun ang battle arena, mukha siyang boxing ring pero mas malaki pa mukhang kasya ang 100 tao. " May mangyayaring labanan,hindi natin alam kung kelan o sann kaya kailangan natin maghanda." Paliwanag niya sa lahat. Tiningnan naman ako ni carl para sa signal na ako na. Umakyat ako sa itaas ng stage at kinuha ang mic.

" Kaya sa ngayon kailangan ko munang pumili ko sino ang maaring sumama sa amin sa unang plano namin. Idadaan natin ito sa paglalaban, tatlo tatlo ang ang maglalaban sa gitna so bale anim kayong nasa loob , kapag isa nalang ang natira dagdagan na naman ng lima, hanggang maubos ang lahat ng tao sa bleachers pero dapat may limang tao ang maiiwan at sila ang sasama samin sa unang plano. At yung ibang natalo sa plan B na kayo." Pagkatapos sa haba kong speech parang nabigla sila, kasi minsan lang ang nakikipag usap sa mga tao dito, sa tanging mga close ko lang, hindi siguro sila nasanay.

" Walang patayan, walang saksakan, so ibig sabihin kapag natumba ka na at hindi mo na kaya out kana. Walang gagamit ng kahit anong armas o weapons............" Tumahimik muna ako.

"Let the battle begin" lumingon ako kay babaita dahil sa sinabi niya, nag peace sign naman siya sakin. Pero parang nakakatakot ang pagkasabi niya kanina eh. Hindi na ako nanood sa labanan , kailangan ko munang mag isip ng maplalano si babaita naman panay sigaw ng sigaw at suporta. Nandito na kasi kami sa itaas ng stage nakaupo kami nina Babaita, Ian, Carl, at Vaughn.

Konting konti nalang parang tatalon na si babaita sa stage. Pero bigla siyang huminto, lumingun sa akin at nagsalita.

" Friend sama ba ako sa unang plano?? Hihihi"

"Hindi"

"Sinamahan naman kita ngayon ah, so dapat may payback" 

" Sinabi ko bang sumama ka? Edi umuwi kana ulit dun mag isa, o baka gusto mo lang ma rape dyan sa labas ng mga shokoy?" Pagbibiro ko, hindi na siya pumalag  at umalis siya pumunta sa battle arena. At woah! Nakipaglaban din siya ini isa isa niya lahat ng mga tauhan ko pero panalo siya palagi, mapalitan nga mga tauhan ko ang weak.

Hanggang anim nalang sila ang natira kasama na dito si babaita. Pero yung lima parang may masamang binabalak, parang aakmang isa isahin nilang sugurin si babaita pero bago pa nila magawa yun pinigilan ko na sila.

" The battle is finished, wala nang kasali si babaita sa labanan niyo kasi kasali na siya sa unang plano." Paliwanang ko at natigilan silang lahat.

**********

Nandito ako sa kwarto ngayon kasama si babaita na natutulog sa kama ko habang ako naman nandito sa study table, rine review ko ang background status ng limang tauhan ko na nanalo sa battle. Tatlong lalake at dalawang babae ang nanalo.

Ang una ay si Mae she's a hacker
Mmmhh, I like here same kami. Si Thea marunong siyang mag taekwando tapos si Reed naman marunong mag plano ng escape plans. Si Jack expert siya sa mga bomba o kung anong mang mga gamit na sumasabog si Tom naman hacker din siya. Sinuswerte nga naman. Tinignan ko cellphone ko kung ano ang oras malapit na pala 2 am. Napag isipan ko ng matulog. Tinabihan ko na si babaita sa kama ko, hindi naman ako maarte. At mas kampante na din ako na kasama siya parang nasasanay na ako, hindi ko nga alam eh. Tumingala ako sa kisame, at sa wakas dinalaw ako ng antok.

To be continued.........

©ExtravertWriter

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!