Chapter 4: Xground

13 4 0


Mafia Heiress chapter 4: Underground

Alizah's POV

Malapit lapit na kami ngayon sa sa underground. Ipapark ko lang sa may kalye ang kotse ko ayaw ko kasi ipasok baka kasi gasgasan nila, baka mapatay ko sila ng walang oras. Maglalakad nalang kami patungo sa Xground o sa tinatawag din siyang underground quarters ng aming oraganisasyon.

Huminto na ako sa may kalye kung saan palagi ko ipapark ang kotse ko. Nabigla si babaita kung bakit ko to pinark sa may kalye.

"Nandito na ba tayo?" Tanong niya sakin

"Wala pa, maglalakad nalang tayo patungo dun."

"Eh nakaheels ako eh, sana sinabi mo na lalakarin natin" nagrereklamo niyang sabi.

"Sinabi ko bang mag heels ka? Kung ayaw mo maglakad edi maiwan ka diyan" umalis nako ako sa kinaroroonan namin.

"Maglalakad nga ako sabi, baka ma rape ako diyan ng shokoy" sumunod naman siya kaagad sakin.

Ng makapunta kami sa gate, tumingin ako sa camera, tapos binuksan naman ito kaagad. Habang pababa kami , nag bow ng kaunti ang mga tao dito, alam kasi nila na ako ang susunod namamumuno. Pero maliban sa isa.

" Ali Honey ko!" Papunta niyang sabi sakin at may payakap yakap pa na nalalaman.

Sinungkaban ko siya ng kutsilyo este tinulak ko pala siya palayo.

"Ano ba naman yan Ali Honey! Ganoon mo ba ako ka miss, para batiin mo ako ng ganyan?" Tanong niya. Eh isasak ko kaya sa baga niya yung baril ko para mamatay siya.

" Ian, ano nanaman ba kailangan mo sakin? Hindi ako pumunta dito para sa mga kalokohan mo kaya pwede ba tigilan mo ako" at naglakad palayo.

"Ali Honey naman o!"

Yan ang bestfriend ko si Ian Drake (ian) , galing sakanya ang pangalan ng aso kong si Drake pero hindi naman nagmana ang aso ko sakanya. Puro kalokohan lang ang alam niya pero kapag nasa isang labanan seryosong seryoso yan. Kaya lang hindi ko nga alam kung bakit naging bestfriend ko yan.

"Nasan ba si Carl at si Vaughn?" Tanong ko kay Ian.

"Nandun naghihintay sayo sa meeting room. Samahan na kita" at inakbayan ako habang naglalakad.

*Blaaggg*

*Blaaagg*

Lumingon ako sa likod dahil sa narinig ko, natumba ang tatlo kong tauhan dahil kay babaita. Nakalimutan ko pala na may kasama ako. Lumapit siya sa aming dalawa ni Ian.

"Sorry, hinawakan nila kasi ang buhok at balikat ko, kaya ayun ang nakuha nila" sabi niya at sumabay sa amin ni Ian.

"Ang cool niya" bulong sakin ni Ian, habang naka akbay parin sakin.

Papunta na kami sa meeting room. Naabutan ko dun si Carl at Vaughn natutulog habang naka nakatungo sa lamesa. Pagod siguro sila. Kaya pumunta ako sa kitchen at tinamplahan ko sila ng isa isang gatas. Ginagawa kasi ito ni mama sakin kapag pagod ako, hindi ko nga alam kung bakit pero sabi daw niya para lang daw mawala ng kaunti ang pagod ko.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!