Chapter 3: Babaita's Gift

Magsimula sa umpisa

**********************

Nagkasiyahan ang mga tao dito sa bahay, sila yung mga taong inimbita ni mama, sabi ni mama hindi lang ang pagiging early bird ko ang i-cecelebrate ni mama, anniversary daw din nila ni daddy.

Ngayon kaming lahat ay na sa garden. Kakain na sana kami, pero pinigilan kami ni mama.

"Teka lang, may hinihintay pa po akong pinaka importanteng bisita, hihintayin po muna natin sila." Paliwanag ni mama sa mga bisita. Ano to pa VIP? Tiningnan ko pagkain sa harapan ko, aba't hindi pwede pinaghihintay ang pagkain.
Mama naman oh. Hindi ako nagdalawang isip na kumain. Bahala sila diyan basta ako ang unang mabubusog sakanila.

Habang kumakain ako. May sumigaw na parang nasa kabilang bundok.

"Tita!!!!!" Dahil sa sigaw ni babaita, napagtuunan siya ng atensyon ng lahat, itong babai-- WTH????  Si babaita? Nandito? Bakit? Malapit na akong mabulunan don ah! Impakta so sila pala ng pamilya niya ang may pa VIP na nalalaman.

" Tita I missed you na talaga! Ang tagal na nating hindi nagkita!" May pa hug-hug pa siya kay mama. Ano to? Close sila? Malamang inimbita kaya sila ni mama.

Nagbeso naman ang mga magulang niya at si mama. Humarap si mama sakin at binigyan ng 'bumati-ka-sakanila look' , inilagay ko pabalik ang spoon at fork ko sa mesa at tumayo.

"Magandang gabi po, sana mag enjoy kayo dito" pa as if akong friendly sakanila. Baka mapagalitan ako ni mama kapag magiging cold ako sakanila. Baka abot pluto ang pag sesermon niya sakin, tapos ibalik pa ang nakaraan niya.

" Nako nagbago ka talagang bata ka" pag pat sakin ng ulo ng tatay siguro ni babaita. Close ba kami? Nagkilala na ba kami? Parang pamilyar ang mukha niya. Sinubukan kung alalahanin kung saan ko siya nakita noon. Pero wala, ang loading kasi ni utak.

Nagsipagkainan na kaming lahat. Halatang gutom gutom ang mga naunang dumating na bisita dito. Isa lang ang table namin ni mama, at ng pamilya ni babaita.

"Friend, kamusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah!" Daldal niya ulit sakin, pano ba kasi ipinagtabi kami ng mga magulang namin.

"Sa pagkaka alam mo nagkita tayo kanina sa school" sabi ko sakanya na hindi ko siya nililingon. Pinagpatuloy ko lang ang pag kain ko.Hanggang magsalita si mama.

"Anak i-tour mo naman si Thalia sa bahay natin." Hindi na ako kumuntra kay mama, wala naman akong magagawa. Kaya pinasunod ko si babaita sakin.

"Dito naman ang dining room, tapos dito naman ang kitchen" itinuro ko yun isa isa, pagkatapos dinala ko siya sa play room, kung saan don maraming pang arcade games at computers. Tapos dinala  ko siya sa second floor at ipinakita ang guest room, tapos yung kwarto ng mga katulong at bodyguard namin. Last but not the least yung kwarto ko.

Ng bubuksan ko sana kwarto ko, inunahan na niya ako. Pagkapasok niya, ibinagsak niya ang sarili niya sa kama ko. Aba't feeling at home tung babaitang to ah.

"Hoy babaita ano yang ginagawa mo?" Yinayakap niya kasi yung pinakamalaki at pinaka favorite ko na teddy bear.

"Hep, hep, hep at bakit babaita tawag mo sakin, sa pagkakaalam ko matanda ako sayo ng 6 na buwan." Pagtutul niya sakin sabay pagulong gulong sa kama ko.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!