Chapter 3: Babaita's Gift

19 4 0

Mafia Heiress chapter 3: Babaita's Gift

Alizah's POV

Ng makapasok ako sa gate ng bahay namin, hinanap ko ka agad si Drake. Pumunta ako sa kwarto ko, wala. Sa kusina, wala. Sa dining, wala. Sa pool area, wala din. Kaya tinawag ko nalang siya baka sakaling marinig niya ako.

"Drake-y??? Nandito na ako!" Sigaw ko, at parang ume-echo ang tinig. Pumunta ako sa garden at dun ko siya naabutan nakatitig sa mga halaman.

"Drake?" Tawag ko sakanya, lumingon siya sakin at lumapit sakin. Wala man lang bati diyan? Aba mas malala pa siya sakin sa pagiging cold sa pakikitungo sa ibang tao. Pinat ko ulo niya.

"Nagmana ka talaga sakin" nginitian ko siya. " Kaya nga mahal na mahal kita" sarkastiko kong sabi sa aso ko. Bigla niya naman hinablot ang palda ko, parang may gusto siya ipakita.

"Ano bayan Drake, baka masira ang palda ko." Binitawan naman niya ito pero parang may ipinahihiwatig siya na ' hali ka, may ipapakita ako sayo ' .

Sinundan ko naman siya patungo sa mga halaman niya na tiningnan kanina nung dumating ako. Parang may inaamoy siya. Nilapitan ko at tingnan ko ano ang inaamoy niya.

May nakita akong micro spy camera na nakadikit sa sanga ng halaman dito. Kinuha ko ito, at nakaandar ito, syempre alangan naman ididikit doon kung wala naman talagang silbi.

"Ma'am Ali may kailangan ba kayo?" Bigla ko namang inilagay sa bulsa ko ang micro spy camera.

"Wala , mag day off ka muna ngayon kasi ikaw lang ang nag iisang katulong na mag offer sakin, ibigay mo lahat ng trabaho mo kay Faye at sa ibang kasamahan mo" utos ko sakanya , at parang nabigla siya sa sinabi ko. Natulala lang.

"Ano magda-day off ka ba or tatayo ka lang diyan? At siguraduhin mo na bukas sa hapon, nakabalik ka na dito sa bahay " Cold kong sabi sakanya.

"Ahh salamat po Ma'am Ali" umalis kaagad siya. Papunta si mama sa kinaroroonan ko.

"Anak, huwag naman masyadong cold diyan, dinaig mo pa aircon nga kwarto mo" tapik ni mama sakin ng makatapat na kami. Nag offer naman siya na umupo kami sa swing dito sa garden.

" Ma, " lumingon si mama sakin at naghintay siya sakin para magsalita.  "Ah, wala lang ma, kamusta pala sa organisasyon?" Palusot ko sakanya, baka kapag sabihin ko sakanya tungkol sa nakita kong micro spy camera, baka mag alala siya.

"As far as I know buhay pa ang mga kalaban ng daddy mo noong last 14 years, sa pagkakaalam ko din na buhay padin ang boss nila. May ipinadala akong tauhan don para mag kunwari na tauhan at para mag imbistiga" paliwanag ni mama sakin.

" Ma, pakisabi nalang sa updates sa pag imbistiga" pakiusap ko sakanya.

"Sige anak, nga pala may celebration tayo mamayang dinner hihihi, alams na! At tsaka may naimbita na ako na bisita hihihi" tinutukoy niya yung pagiging early bird ko kanina, eh hindi ko naman kagagawan yun ah, sadyang ina-advance niya ang mga orasan ko sa kwarto.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!