Chapter 2: Wattpad Books

Magsimula sa umpisa

Tumingin ang student encharge sakin.

"Ms.--"

"Pirmahan mo na, huwag kang mag alala hindi naman ikaw ang magbabasa nito, kundi ako kaya wag kang kumuntra" sabi ko sakanya, kitang kating-kati na ako sa pagbabasa eh. Pinirmahan niya naman ito at nilagay sa isang paper bag. Aba't may pa paper bag pa siyang nalalaman ah? Ano to? Mall?

" Baka kasi malaman nila na may libro na wattpad sa library at itapon lahat ito " biglang bulong sakin ng student encharge.

Ng umalis ako at ilang hakbang lang ang pagitan namin ng student encharge.

"Ingatan mo yan ha!  Libro ko yan, at libro ko yun lahat." Sabi niya ng mahina, pero nadidinig naman ito.

Ahh, siya pala  nagtago ng lahat ng librong wattpad dun, at sakanya pala yun. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng pagkain. Gulat na gulat ang nagtitinda kasi class hours pa ngayon at wala pang students na lumalabas.

Bumili lang ako ng C2 at chichirya, wala pa namang snacks eh. Dumiretso na ako kaagad sa soccer field at humanap ng mapwewestuhan. Sa dulo ng soccer field may kahoy, saktong sakto at hindi ito gaanong nasisinagan ng araw. Umupo ako doon at nagsimulang magbasa.

30 minutes passed. Bubuksan ko sana ang binili kong pagkain kanina pero may biglang tumabi sakin. At parang feeling close ang isang to eh.

"Anong pakay mo dito?" Walang kahit na anong ekspresyon kong sabi sakanya. Gumilid na naman ang ulo niya at sakto lang na makikita ako.

" Bakit masama bang tumabi at maki share sayo?" Nagtaas baba ang kilay niya.

"Nga pala, wattpader ka ba? Bakit yan ang binabasa mong libro? Hindi naman bagay sayo." Kung hula niyo ay ibang tao, hindi, siya yung student encharge kanina sa library.

" Ano bang paki mo? Kailangan ko pa bang maging wattpader para basahin ang librong ito?" Sarkastiko kong tanong sakanya. Sa totoo naman kasi wattpader ako. Ayaw ko lang talaga na may nangingialam tungkol sakin.

"Woah, chill lang friend! Alam kong masama istorbohin ang taong nagbabasa, i feel you friend! Kaya magbasa ka na ulit" kumuha din siya ng libro galing sa paper bag niyang dala. Hindi na ako sumagot ulit, maiirita lang ako, ang daldal kasi. Dahil sa kadaldalan hindi mo nalang napapansin na may naiirita na pala sayo. Hinayaan ko na lang siya magbasa sa gilid ko, wala naman sigurong masama. At feel na feel talaga niya ang pagtawag sa akin na 'friend', asa ka pa?

Umabot ang lunch, buntot ng buntot parin sakin tong babaitang to, hindi ba siya natatakot sakin? Hayss, ng bumili ako ng makakain, bumili din siya. Pagkatapos namin bumili, lumapit sa akin ang mga kaklase kong bully, nagtutulakan sila para kumausap sakin.

"Ano magtutulakan na lang ba kayo diyan, o kayo ang kakainin ko ngayong lunch?" Banta ko sakanila. At dali dali namang sumagot ang isa sa kanila. Ng aaya lang pala sila na makiupo ako sa table nila. Ng makaupo ako tumabi din sakin yung babaita.

"Oi, miss ganda mo naman ah? At close ba kayo ni boss?" Tanong ng isang bully sabay hagod ng buhok ng babaita.

"Huwag mo nga akong hawakan shokoy ka!" Naiiritang sabi ni babaita. At tinabig ang kamay ng bully.

"Aba't matapang ka miss ah?" Nagmamayabang na sabi ng isa pang bully at hinampas ang kamay niya sa mesa at dahilan sa pagtumba ng inumin ko sa mesa.

Rinig ng lahat ang pagkatumba at pagkabasag ng baso ng inumin ko. Tumitingin silang lahat sa table namin at parang nag aantay sa susunod na mangyari.

Tiningnan ko ng masama ang mga bully kong classmate.

" Aba't kayo pa ang nag aya na makiupo ako dito at naglakas pa kayo ng loob para disturbuhin ako sa pag kain ko?" Sarkastiko kong tanong sakanila, at sakto lang para marinig ng lahat, bumalik naman sa upuan yung bully na humawak kay babaita. Yumuko ang mga bully sa harap ko.

"Pata--"

"Sa tingin mo ba madadaan sa isang simpleng sorry ang ginawa mo? Sa tingin mo ba kapag nag sorry ka babalik ang inumin ko sa baso?" Nangingilabot na ako sa galit! Mga p*ste naman oh!

Tatayo na sana ako na bigla lumuhod ang mga bully sa harapan ko ng walang imik, para namang natatakot lahat ng tao sa canteen.

" Nawalan na ako ng gana, at tumayo kayo diyan baka mabugbug ko kayo ng walang oras. " Tumayo ako at umalis, pero hindi sumunod sakin si babaita, parang natutunganga lang siya. Liningon ko siya. " Hali ka nga babaita!" Tawag ko sakanya at natauhan siya, sumunod naman siya kaagad sakin.

Wala na kaming klase ngayong hapon, may meeting daw teachers.
Kaya nagpasyahan ko ng umuwi, ng makalabas ako sa room, tinawagan ko si manong dante para magpa sundo ang init pa naman ngayon.

Dumating naman kaagad si manong dante ng makalabas ako ng gate. Sasakay na sana ako.

"Friend!!!!" Sigaw ni babaita may pa kaway kaway pa habang tumatakbo  patungo sakin. Hindi muna ako pumasok. Ng makarating siya sa harap ko, hingal hingal pa siya habang hawak ang mga tuhod niya.

"Friend salamat pala kanina!" Hindi ko inaasahan ang sinabi niya sakin, pero parang ang awkward.

" Hindi ko yun ginawa para sayo, tinapon kasi niya inumin ko at isa pa ayaw ko yung may binubully" sabi ko.

"Ayy sus, denial ka pa dyan friend sige bye na, nandyan na sundo ko" pagpapaalam siya sakin, at tumakbo papunta sa sundo niya. Sumakay naman ako sa kotse at dumiretso pauwi, nakakapagod ang araw na ito eh.

To be continued.....

©ExtravertWriter





Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!