Chapter 2: Wattpad Books

22 4 0

Mafia Heiress Chapter 2: Wattpad Books

Alizah's POV

Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa classroom namin. Kinaykay ko bag ko, kukunin ko sana libro ko. Okay lang kung hindi ako makatingin sa daan wala namang katao tao kaya pinagpatuloy ko pa ang pagkaykay ng bag ko hanggang sa nadapa ako sa kung ano mang nandiyan sa sahig.

"Arayy! Naman oh, kaaga aga may nambwibwisit." Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko. Tinignan ko kung anong nilalang ang dahilan sa pagkadapa ko. Lumingon ako sa likod at.

"Hoy? Bata ano bang trip mo at nakahiga ka dito??" naiinis kong tanong. Pano ba kasi nadapa ako sa isang tao na nakahiga sa sahig. Jusko, ano ba to? Tiningnan ko suot niya, parehas kaming school na pinapasukan base sa unipormeng suot niya. Pinasan ko siya, pina akbay ko siya sakin. Ang bigat naman.

Dinala ko siya dito sa clinic. Parang dito siya natulog sa school. Amoy alak din uniform niya. Aba't nagawa pa niyang mag sleepover sa school ah, magawa nga. Pero syempre joke lang hindi ako sanay matulog sa ibang lugar. Pinahiga ko siya sa bed dito sa clinic.

Hinawig ko ang nakaharang na buhok sa mukha niya. Akala ko pa naman gwapo, tsk. Pero  Ng magkalagpat ang kamay ko sa noo niya. Ang init, parang nilalagnat siya. Kumuha ako ng bimpo at binasa ito at inilagay sa noo niya.

Umalis na ako sa clinic kasi dumating na ang nurse encharge ngayong umaga sa clinic. Sabi niya kasi siya na bahala, edi siya nga sinabi ko bang ako?

Ng makarating ako sa room, may mga alien na nag invade sa classroom ko, ang ingay ingay. Pero joke lang yun, nagsidatingan na kasi mga kaklase ko.

Ng makarating ako sa pinto, nakita ko ang mga bully na binu bully ang isang nerd sa classroom namin, kaya kumatok ako sa pinto, nagsitinginan silang lahat sakin. Nagsmirk ako, dahilan sa pagbitaw ng bully sa libro at sinauli sa nerd.

Nagsi upuan ang mga lalakeng bully, hindi ko nga alam kung bakit nila ako kinatatakutan,  sa bagay  pagdating kasi sa room hindi gaano nagpapakita ng ibang expression kundi ang pagiging cold. Ayaw ko sa lahat na may nakikipag usap sakin, lalo na yung hindi ko kilala, yung feeling close kumbaga. Yung mga chismosa naman palaging sinasabi na may black aura daw na nakapaligid sakin. Ano? May nakikita ba sila na hindi ko nakikita? Mga alien talaga.

Nagsimula na klase namin, discuss lang ng discuss ang teacher namin. Gusto kung pumunta sa soccer field at magbasa. Hindi ako nagdalawang isip na lumabas ng room. Ng tumayo ako at lalabas na sana.

"Ms. Moziano, what are you doing?" Nagtatakang tanong ng teacher namin.

"Naglalakad po" walang bagkas na expression ang mukha ko. He put down the chalk he was holding at nag tanong ulit.

" I mean where are--"

"Ano bang paki mo? Mag discuss ka na lang ulit, nag aaksaya ka lang ng oras sakin, baka ako pa sisihin mo." pinutol ko sinabi niya, alam ko naman tanong niya eh. Kaya lumabas kaagad ako sa room at pumunta ng library para manghiram ng libro.

Habang naghahanap ako ng libro at napunta sa dulo ng library. May nakikita akong mga colored na libro. Kinuha ko ito, at laking gulat ko na wattpad ang mga librong ito. May nagtatago siguro nito, nasa pinakasulok naman ito kaya hindi siya gaano nakikita. Kumuha ako ng isa sa libro na wattpad At pumunta sa librarian.

At dahil sa oras na ito, student ang encharge sa library, at nag che check sa hinihiram na libro. Ng binigay ko na ang libro at ipakita. Parang hindi maipinta ang mukha niya, para bang gulat na gulat siya dahil wattpad na libro ang hiniram ko at galing pa sa mismong library ng skwelahan namin.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!