Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]

225K 6.4K 420
                                    

Myrttle's Point of View

INIS KONG natapos ang huling subject namin bago ang lunch break. Lintik na isdang iyon! Siya ang dahilan kung bakit ako late at binawasan ng Ten points ng magulang kong Professor ang exam ko! Ikinahihiya kong makatanggap ng ganoong kababang grado sa mga lesson na katuturo niya lang naman. Badtrip.

I was searching kung saang clinic naroon si Celine. I want to check her condition. While sipping my favorite Chocolate Juice I heard someone's screaming na para bang naipit siya ng pison.

"Oh, my God. Confirm guys! Nandyan na sila!" tili pa ng isa sa mga nagmamadaling babaeng nakakasalubong ko.

"Shet 'yong Baby Landon ko, tara na!" sigaw pa ng isa at nagsimula na silang tumakbo.

Takte, anong mayro'n?!

Napakaraming bilang ng estudyante ang nagmamadaling sumalubong sa'kin at sa dami niyon ay hindi ko na nagawa pang iwasan ang iba. Dahilan nang sunod-sunod nilang pagbangga sa'kin na ikinabuwal ko sa sahig.

I was holding my temper. Malalim akong huminga at pilit na ngiti kong pinagpagan ang nadumihan kong pantalon.

Okay na sana eh, iyong walang pakundangang hindi man lang ako pansinin. Katimpi-timpi pa eh. Malay ko nga naman diba kung emergency iyong pinagkukumpulan nila sa hindi kalayuan.

Pero lintik lang talaga e!

"Tsk! Stupid," bulong ng mga ito na ikinapantig ng taenga ko.

I was about to run after them when another wave of students dump me. Like holy cheesecake!

"Seryoso talaga?!" Inis ko ng bulyaw. Pero hindi pa ata sapat iyon nang isang nagmamadaling lalake ang bumangga nang pagkalakas-lakas sa balikat ko.

Bagay na ikinayanig ko, dahil hindi ko iyon inaasahan, kaya naman sa muling pagkakatao'y napaupo na naman ako sa lupa.

Mabilis akong tumayo para habulin ang siraulo nang...

"Are you nuts?!"

"Miss ayos ka lang?" Napatigil ako sa napakatangkad na lalaking humawak sa balikat ko. He sounds so sincere, which made me irritated.

Kunot-noo ko itong tinignan kasabay ng marahas kong paghawi sa kamay nito.

Wengya! Gaano ba karami ang bulag sa school na ito?!

"Hoy, bumalik ka rito!"

"Tingin ko sadya. Anong tingin mo, Ash?" Komento ng babaeng ni hindi man lang nabago ang ekspresyon. They are also looking after that hell guy.

"Yes Kiera. Definitely." Wala rin namang reaksyong tugon ng lalaking tila boy version ng babae.

Hindi ko maiwasang mapansin ang dalawang lalaking titig na titig sa'kin. Ang isa'y seryosong nakatulala sa'kin, bagay na agad kong iniwasan ng tingin sa takot na baka nakita ko na siya dati. Gayun din namang iniwasan ko ang tingin ng isang lalakeng may kaliitan. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa wirdong pagkinang ng mata nito.

Di kalauna'y napansin ko ang biglaang pagtahimik ng paligid, too late to realized na ang mga estudyanteng hindi magkanda-mayaw sa pagtakbo kanina'y nakapalibot na sa'kin....no, sa amin.

"What?"

Iritable kong puna na sabay-sabay nilang sinagot ng nagbabagang tingin.

Dahil sa pagkairita'y padabog na akong lumakad papaalis sa harapan ng mga ito. Ni hindi ko na iniwas pa ang sarili ko sa nabangga kong mga estudyante.

Humarang giba! Bastusan pala ah! Kung bulag kayo! Pwes bulag din ako!

* * *

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon