SM Special Update 3 (April 28, 2012)

Magsimula sa umpisa
                                    

:33333

"Anong tsansing dun, I'm your legal husband, besides ikaw nga itong engot na hindi alam kung paano gamitin ang breast pump gayong ikaw yung naman ang nanay, tsk..."

"Oo na... ako na talaga ang engot na nanay..."  sabi ni Phoebe bago humarap na lamang sa bintana.

"Phoebe..." sabi ni Kent na nakahalata na nagbago na ang mood ng asawa.

"Inaantok ako, tulog muna ako." Pumikit na si Phoebe.

"Tsk..." naghanap si Kent ng shoulder para maitigil sandali ang sasakyan.

"Phoebe..." tinawag niya ang asawa na nakapikit. Di ito natinag kahit alam niyang hindi pa naman ito nakakatulog.

"Wag ng stubborn, c'mon... Let's talk..." tinanggal niya ang seatbelt para lumapit ng kaunti sa 'natutulog' na asawa.

Pero natulog-tulugan pa din si Phoebe.

"Sige hindi ka babangon diyan? Gusto mo na bang sundan si Psyche? Dito sa kotse?"

"Kasi naman!!! Hindi ako nakikipagbiruan sayo Mr Fuentabella!" mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbangon ni Phoebe. Masama ang tingin na ibinigay nito kay Kent.

"Neither do I Mrs Fuentabella. We talked about this right? Sabi nating papagusapan lahat even the pettiest of things. Sorry na?"

"Hindi naman ako galit..." mahinang sagot ni Phoebe.

"Kiss mo nga ako kung di ka galit?"

"Kent naman..."

"I know... Nagtatampo ka... So I'm sorry." Kinuha ni Kent ang kamay ni Phoebe at hinalikan. "I'm sorry for always making you upset."

"H-hindi naman Kent, ako naman may kasalanan eh, breast pump na nga na lang, di ko pa alam. Nanay na nga ako di ko pa rin alam. Tama ka naman... engot talaga... engot pa rin..."

"Baby ko..."

"Tara na..."

"Wag na tayong mag-away please..."

"Di naman tayo nagaaway." Malamig na sagot ni Phoebe.

"Tsk..." naaasar na rin si Kent. "Phoebe, magusap na lang tayo ng maayos para maging maayos na rin ito hindi yung huhulaan ko kung anong naiisip at problema mo!"

"Tignan mo hindi mo na naman alam ang problema!!!" nagtaas na rin ng boses si Phoebe.

"Alam ko!!! Nagtampo ka dahil nasabihan kita ng engot dahil hindi mo alam kung paano gamitin ang breast pump. Nainis ka din sa pangaasar ko kanina habang tumatawag ka kina papa. At naasar ka pa rin ngayon dahil humahaba ang usapan. At hindi madaling mawawala ang pagkainis mo. Kilala kita. I know you. I know you better than everyone else, kaya wag kang magsisinungaling na walang problema. Alam nating simpleng bagay pinagaawayan na natin kaya please magbati na tayo okay?"

"Alam ko... Pasensya ka na ang tanga ng asawa mo... Sabi ko na sa'yo wag mo na ako dalhin sa interview mamaya eh, baka mapahiya ka lang..." naiiyak-iyak na sabi ni Phoebe. Ang totoo ay papunta sila ngayon sa isang afternoon show para sa isang exclusive interview sa Fuentabella Family. Dadaan lang muna si Phoebe sa mall habang may saglit na shooting si Kent bago ang interview.

"No... Sorry na. Forgive me? Marami lang talaga akong bagay na nasasabi na hindi naman dapat. You know how I love everything about you. I love your flaws, it makes you perfect... perfect for me..." pinahid ni Kent ang konting pumatak na luha sa pisngi ni Phoebe.

"And yung interview. Alam mong hindi kita pinipilit. Alam mong ayaw din kitang idamay sa mundo ko at ilang ulit din ako pinilit ni Mel para dito. Pero sabi nga ng manager ko. Just this once. I'll show the world how I'm proud of you... Para hindi ka na rin kahit papaano magselos... Malay mo mabawasan ang fangirls ko diba?"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon