Chapter 14.1

19.1K 629 38
                                    

Chapter 14.1


Napakunot ang noo ni Nathan ng maabutan na prenteng nakaupo si Farah sa living room habang inaabala ang sarili sa pagbuklat ng magazine. Nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil ang inaasahan niyang sasalubong sa kanya ay ang asawa.


"What are you doing here?" Walang kangiti-ngiting bungad na tanong ni Nathan sa babae.


"Hi babe!" Biglang umaliwalas ang mukha ni Farah ng dumating na rin ang hinihintay. Agad siyang lumapit kay Nathan at ginawaran ito halik sa mga labi.


Mabilis na inilayo ni Nathan si Farah. Dati-rati ay halik pa lamang nito ay halos mabaliw na siya ngunit ngayon ay hindi niya maipaliwanag ang biglang pagkailang niya. "Hindi ka na dapat nagpunta dito."


"Bakit? Dahil may bago ka na namang laruan kaya binabalewala mo na naman ako!" Pabulyaw na tugon ni Farah.


"Farah, from the start you know the score between us." Mariing pagpapaalala ni Nathan sa babae.


"Nathan, hindi pwede ito! Mapapahiya ang pamilya namin. My dad already announced our upcoming engagement. Alam na ng buong Pilipinas na ikakasal tayo." Bigla ng nagpanic si Farah.


Inis na muling hinarap ni Nathan si Farah. "Hindi ko na kasalanan iyan. Alam mo kung ano ang meron tayo, Farah. We cannot even call it a relationship; we're just a f*cking buddy."


"At sino ang pinagmamalaki mo?! Ang babaeng bastos na naabutan ko dito."


Nagpanting ang tenga ni Nathan. Mabilis na nahablot niya ang isang braso ni Farah. "Wala kang karapatan na mabitaw ng masamang salita kay Maureen!"


"Ano ba?! Nasasaktan ako!" Pagigil na binawi ni Farah ang braso. "She called me whore. Tapos pilit niya akong pinagtatabuyan kahit nakiusap ako sa kanya na hihintayin kita. I just came here to talk to you." Nakayuko siya habang nagsasalita at pinalungkot pa niya ang boses para maging kapanipaniwala ang drama niya.


"I'll talk to her. Huwag kang aalis." Mabilis na tinalikuran ni Nathan si Farah upang harapin ang asawa. Inabutan niya ito sa master's bedroom na tahimik na nakaupo sa kama na tila may malalim na iniisip.


"Nagkausap na ba kayo ng bisita mo?" Turan ni Maureen ng makitang papasok ng kuwarto ang asawa.


"I didn't know that you already forgot to be a good host." Tumayo si Nathan sa harap nito.


"Kung ganyang klaseng tao ang magiging bisita ko mas gugustuhin ko pang magkulong dito sa kuwarto. And besides she came here not for me." Nainsulto si Maureen sa sinabi ni Nathan. Gusto niyang sigawan ito ngunit pilit siyang nagpapakamahinahon.


"Mag apology ka kay Farah." Utos ni Nathan.


Nanlaki ang mga mata ni Maureen. Mabilis siyang napatayo. "At bakit ako mag-aapology sa kanya? Wala akong natatandaang ginawang masama." Pagmamatigas niya.


"Maureen, huwag mo ng palakihin ang gulong ito. Hindi tama ang inasal mo sa harap ni Farah. Ayokong isipin niya na pinagpalit ko siya sa isang babaeng walang breeding." Nagsimula ng tumaas ang boses ni Nathan.


"Ano ba ang sinumbong ng babaeng iyun na ginawa ko sa kanya?" Halos maiyak na si Maureen sa galit. Hindi na siya nagtataka kung ito pa ang kinakampihan ni Nathan ngayon.


"Maureen, alam mo kung ano ang nangyari kanina sa pagitan ninyo ni Farah...."


"Yes, alam ko. Pero ikaw hindi mo alam kung ano ang nangyari kanina, hindi mo man lang ako tinanon. Basta pinaniwalaan mo na lang kung ano ang sinabi niya sa'yo." Umiiling si Maureen habang nagsasalita.


Padabog na iniwan ito ni Nathan. Mukhang hindi niya mapipilit itong humingi ng tawad kay Farah. Nagmamadali niyang muling binalikan ito upang liwanagin ang lahat sa pagitan nila.


Pagkalabas ni Nathan ay tuluyan ng naiyak si Maureen. Ang sama ng loob niya dahil ramdam niya ang pambabalewala sa kanya nito, awang-awa siya sa sarili dahil pakiramdam niya ay wala siyang masasandalan sa pagkakataong ito.


Maayos na kinausap ni Nathan si Farah at nangako siya rito na tutulungan niya itong magpapaliwanag sa ama. Siya na rin ang umako na magpapaliwanag sa media kung bakit ibang babae ang pinakasalan niya. Laking pasasalamat niya ng walang marinig na kahit anong pagsalungat mula kay Farah ang problema na lamang niya ay kung paano aamuin ang asawa. Alam niyang hindi nito nagustuhan kanina ang pamimilit niya na humingi ng paumanhin kay Farah.


Papunta na siya sa master's bedroom ng tumunog ang cellphone ni Maureen na nasa ibabaw ng console table. Dinampot niya ito upang dalhin sa asawa ngunit ng makita ang nakaregister na pangalan ng tumatawag ay namula siya sa galit. Nangako sa kanya si Maureen na hindi na ito makikipag-usap muli kay Grace kaya hindi niya maintindihan kung bakit pa ito tumatawag.


"Anong kailangan mo kay Maureen?" Pagalit na bungad ni Nathan ng sagutin niya ang tawag.


"Nathaniel Sarmiento... ikaw ba iyan?" Mabilis na tugon ni Grace. Ayon sa inutusan niyang tao para sumubaybay kay Maureen ay magkasama na raw ang dalawa sa condo unit ni Nathan. Kaya nasisiguro niya kung sino ang nasa kabilang linya.


"Ano pa ang kailangan mo kay Maureen? Binayaran na niya ang utang niya sa'yo." Muling tanong ni Nathan.


"Ikaw talaga ang gusto kong makausap para bigyan ng babala, hindi mo kakilala ng lubusan ni Maureen Saavedra. Siya talaga ang nagplano ng lahat dahil naiinggit siya sa kapatid mo kaya gusto niyang makita itong nasasaktan. Mag-ingat ka sa babaeng binahay mo." Hindi na hinayaan ni Grace na makapagsalita pa ang lalaki, maluwag ang pagkakangiti niya matapos tapusin ang pakikipag-usap dito.

_____________________

A.N.

Daming kontrabida sa buhay ni Maureen. Nakakagigil. 


Happy reading!!!!

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon