Chapter Two

132K 3.3K 1K
                                    

Alam ko kung gaano kalukot ang mukha ko ngayon. Halos magcrack na ang screen ng iphone ko dahil sa pagpi-pindot na ginagawa ko dito. Kanina ko pa siya tinatawagan pero ayaw niyang sumagot.

“I’m so going to make you pay, Grant De la Fuente!” inis na sabi ko dito nang biglang bumukas ang pinto ng restroom at may tumawag sa pangalan ko.

Lumingon ako agad at pinadalhan ng laser beams ang kung sino mang istorbo sa pagka-inis ko.

“What!!”

I saw one of my julalays, Hana. Mukhang nagulat siya sa pagsigaw na ginawa ko sa kanya kaya napahinto siya. She cleared her throat before started talking. “Uh–Maxie, the choreographer is looking for you kasi you need to practice your routine…” I clenched my jaw and stared at the phone again, pissed. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

“How will I practice my routine kung wala ang ka-partner ko?” I shrieked. “Oh my God. This is a disaster. My debut will be ruined. My party… Ano ng gagawin ko ngayon?!”

“Practice pa lang naman yun, Maxie. I’m pretty sure na Grant has a perfect reason kung bakit–”

“Hana.” I sweetly called her name.

“Yes?”

“Shut up!” she flinched and I rolled my eyes as I passed by her. Lumabas na ako ng banyo para pumunta sa event hall ng hotel namin. I ground my teeth and walked with a mission.

Practice namin ngayon for my debut. Itong araw lang ito ang practice dahil ayaw kong magpagod. Hindi naman ako tanga para hindi makakuha ng simpleng steps. I was actually excited for today dahil makakasayaw ko si Grant. Mahahawakan niya ako sa bewang at sa kamay, magkakaroon ng physical contact–pero shit! That annoying cold jerk ditched the rehearsal! Gusto kong maiyak sa inis at galit–I want to hire someone to assassinate yun at kung hindi ko lang siya mahal, baka matagal ko na siyang pinapatay!

Sa tuwing tatanungin ko kung bakit ko siya minahal, nagsisisi agad ako dahil kapag naalala ko ang tunay na dahilan ay humuhupa agad ang pagkainis at galit ko sa kanya. For a heartless bitch, I’m really a stupid romantic. Ugh! I hate girl hormones!

Natanawan ko agad si Rush na nakikipag-usap sa ibang lalaking parte ng 18 roses ko. Hindi ako close sa mga lalaki–I’m not even friends with most of them. Kaya lang sila napili ay dahil mga anak sila ng business associates ng parents ko. And the girls? Hindi ko rin sila kilala. It’s not like I’m the most sociable person in the world. And I don’t really care about the other details. Yung escort lang para sa akin ang mahalaga. But caring for someone that isn’t even here is just damn straight pointless.

“De la Fuente!” napaangat ang ulo ni Rush at napalingon agad sa akin. Biglang lumawak ang ngiti niya. Lumingat-lingat siya sa paligid at matapos ay itinuro ang mukha.

Mean for You (Mean #1) (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon