♥♥Twelve♥♥

"Di mo naman kailangang magbigay pa niyan." Inis na sabi ni Lee at binalik sakin ang binigay kong boquet of flowers.

"Bakit? Di mo ba type itong white roses? Kaya ayaw mo?" Malungkot na sabi ko at napayuko pa.

"Hindi. Pero kasi, Rye.. Di magandang tignan ang lalaki ang binibigyan ng bulaklak. Dapat kami ang nagbibigay sainyo." Napabusangot ako sa sinabi niya.

"Eh ako itong nanliligaw sayo. Dapat ako rin ang mga nagbibigay ng mga ganitong bagay sayo." Napakamot siya sa ulo niya na parang naiirita na.

"Still. Lalaki pa din ako at kahit ikaw pa ang nanliligaw kuno na sabi mo, dapat kami ang nagbibigay" parang naiirita na siya sakin ah?

"Tsk.. Ang mahal mahal pa naman nito..." Nakayuko kong sabi.

"Ba't kasi binili mo? Tss.." Harsh.

Diba ganito naman ang gusto mo Rye? Diba? Bakit nasasaktan ka ngayon? Diba eto naman ang sa tingin mo ay makakabuti sayo. Pasalamat ka nga at ginawa niya ito.

"Ibigay mo sa babaeng crush mo! Kung ayaw mo!" Sigaw ko at pinagpilitang ibigay sakanya at nagmartsa papaalis.

Nakakainis yun!

"Di ko alam na.. Babae na pala ang nanliligaw.. Ha-ha" napaangat ako sa mukha ng may sabi niyan.

Si Jennie! Ang patay na patay kay Lee na maarte.. Grabe yan, mukhang tanga.

"Ha-ha mo mukha mo. Buti nga ako ay nakakalapit kay Lee! Eh ikaw? Ni hawak nga sa paa niya di mo pa nagagawa! Hmp!" Umirap ako sakanya at tumalikod para malayasan na ang bruha.

Akala niya ah? Hhaha! Mukhang tanga.

Pumasok na agad ako sa room namin.

"Oh? Anyare sayo? Nakabusangot ka dyan?" Umiling ako kay gigi para sabihimg wala.

"Weh? Tignan mo nga yang mukha mo. Para kanh pinagsakluban ng langit at lupa! Hahaha!" Tumingin ako ng masama kay apple at inirapan.

Dumukdok naman ako sa desk ko at nag-isip isip..

Yung bulaklak.. 400 pesos yun, kinuha ko sa allowance ko. Kaya 100 nalang yung allowance ko. 500 lang naman kasi ang allowance ko sa isang linggo eh.

Suminghap ako at nagtancha kung ano ang aabutin ng 100 pesos.

20 pesos isang araw yung baon ko. Ganun talaga. Nanliligaw ako eh.

Saka nagbaon naman ako ng kanin, pambili nalang ng ulam yung 20 pesos. Hindi naman ako nagcocommute dahil sumasabay ako kay Lee. Kaya alam kong aabot itong 100 pesos na to sa isang linggo. Aja!

Maya maya ay dumating na ang subject teacher namin at nagturo ng kung ano-ano. Ako naman ay nakatungo lang sakanya na parang nakikinig sakanya at naiintindihan yung mga pinagsasasabi niya, pero hindi talaga nagsisink-in sa utak ko yung mga pinagsasasabi niya. Lumalabas lahat sa kanan na tenga ko. At wala akong inisip kundi si Lee lang.

*riiiiiiiiiing!*

Nagulat nalang ako na nagbell na hudyat na nabreak time na.

Tatayo na sana ako ng bigla kong naalala na wala pala akong budget. Kaya agad din akong umupo.

"Huy, Tammy. Hindi ka ba sasama samin? Kay Lee ka ba sasabay?" Umiling ako kay gigi.

"Nah.  Di ako magmimiryenda. May gagawin kasi ako hehe." Kumunot naman ang noo nila.

"Huh? Ano naman ang gagawin mo? Mamaya mo na yan gawin, baka magutom ka mamaya." Umiling parin ako kay venice.

"No. Okay lang ako hehe. Sige na, shoo na kayo! hahahaha enjoy nalang!" Ayaw pa sana nilang umalis pero pinagtulakan ko silang lumayas na kaya wala na silang nagawa kundi lumayas.

I LOVE YOUBasahin ang storyang ito ng LIBRE!