Chapter 55: Dread

100K 1.6K 41
                                    

Chapter 55

Kinaumagahan wala sa kanyang sarili si Amara dahil sa nangyari kaninang madaling araw. Magkahalong takot at pag-aalala ang kumukutiltil ngayon sa kanyang looban.

Iniisip n'ya kung paano nalaman ng binata ang kanyang numero, gayong wala naman s'yang ibang pinagbibigyan nito kung hindi malalapit na tao lang sa kanya.

Ilang beses niyang kinalimutan ang pangyayaring iyon, ngunit muling nanumbalik sa kanyang kaisipan ang bangungot ng nakaraan.

Flashback

1 Year Ago... at New York (Little Collin's Cafe')

Photo CTTO

"Hello Mom, I'm here at the LC Cafe', bakit po kayo napatawag?" sagot ni Amara sa kanyang Ina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Hello Mom, I'm here at the LC Cafe', bakit po kayo napatawag?" sagot ni Amara sa kanyang Ina.

"Pumpkin, Reese is crying she's looking for you." Mommy Nadia sa kabilang linya.

"Mom, tell her that I will come home, as soon as I talk to miss Trina, regarding sa bakeshop ko sa Pilipinas."

"Anak ayaw talagang tumigil, talk to her please."

"Okay Mom, pakausap po kay Reese." ani Amara at narinig niyang tinawag no Mommy Nadia ang batang si Reese.

"H-hello Naynay? Where are you?." umiiyak na bungad ng bata sa kabilang linya.

"Hey baby, Naynay had an important meeting. Uuwi rin agad si Naynay kapag okay na lahat." pagpapatahan niya sa kanyang anak.

"B-but..." pag-aapila nito sa kabilang linya.

"No but's anak, Naynay need to hang up na, I will see you later okay? I love you, Reese." pamamalam ni Amara rito.

"I love you too."

And the line went off...

Sumisimsim ng kape si Amara para ikalma ang kanyang sarili. Masyado na kasing nagiging attached si Reese sa kanya? na halos hindi na s'ya makapagtrabaho dahil sa kanyang anak.

Habang naghihintay sa kanyang kameeting ay biglang may lalaking nagsalita sa kanyang likuran.

"Amara is that you?"

Nilingon niya ito at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang lalaking bumungad sa kanyang ngayon.

"Z-zander?" kunot noong sambit n'ya dito.

"Hi amara, nice to see you again," beso ng binata sabay upo sa harap ng dalaga. "Hiw are you? Are you married?" magiliw na usal ni Zander habang titig na titig dito.

"No... I'm not married but I have a daughter." alanganing sagot ng dalaga bago sumimsim ng kape.

"And why is that?" pag-uusisa usal ng binata saka ipinatong ang mga braso sa lamesa, na parang ipinapakita nito na interesado siya sa sasabihin ni Amara.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon