Story Ideas

3.8K 198 63

Ang bawat kwento ay nagsisimula sa isang ideya. Ang ideya ay nanggagaling naman sa kahit na anong stimulus na mayroon ang mundo tulad ng mga sumusunod: 

- music
- lyrics
- poems
- films
- tv shows
- nobela
- social media
- hugot
- imagination
- picture
- muni-muni
- tsismis
- karanasan
- kapaitan sa buhay
- kwento ng buhay ng kapitbahay mo o
- kwento ng kakilala ng nanay ng lola ng inaanak ng kapitbahay ni Wonder Woman.

In short, kapag na-trigger ka ng isang bagay, nagka-feelings ka, lumipad ang imagination mo, pwedeng maipanganak ang isang kwento. 

Pero paano natin malalaman na sapat na ang isang ideya para maging isang kwento?

Sa Flash story
Dapat ang ideya ay mayroong:

- Central Idea

- Central image.

Dahil ang flash story ay napakaiksi kumpara sa iba pang uri ng kwento, dapat na malinaw ang nilalaman nito. Ni hindi kailangang pangalanan ang mga tauhan (lalo na kung iisa lang ang tauhan). 

Dapat din na kapag natapos nang basahin ni reader ang kwento, madali lang sa kanyang ikwento ito sa ganitong paraan:

" 'Yung kwento na 'yun ay tungkol sa __________." (This is the central idea)

" May isang blah  roon na ganito ang ginawa habang blah." (This is the central image or scene)

Sa Short Story / Short Novel
Dapat ang ideya ay manganak ng:

- Characters (Tauhan)

Limitado lang. 'Wag ilagay ang buong barangay kahit na sabi nila, the more, the merrier.

- Setting (Tagpuan)

Lugar at panahon kung saan at kailan nangyari ang kwento. Time and Space warp, prends.

- Conflict (Problema)

Kapag walang problema o challenge na kakaharapin ang characters sa story, paano magkakaroon ng resolution? Ano ang punto ng kwento? Waley.

Gawan ng problema.

- PLOT (Mga pangyayari)

Basically, ito ay ang simula papunta kay eksena A na nag-push kay eksena B na nag-push kay eksena C na nag-push kay eksena D... and so on, hanggang sa dumating sa conflict at ending. Ito rin ang tinatawag na Story Arc. 

Sa short story at short novel, iisa lang ang Story Arc. 'Wag nating gawing dramarama sa hapon.

- THEME (Tema, mensahe, moral)

Ano'ng gustong iparating ng kwento mo? 

Sa Full Novel
Katulad ng sa mga elements ng short story at short novel pero extended edition. Meaning:

- Characters (Tauhan)

May main characters at sub-characters.

Pwedeng buong pamilya, buong barangay, buong city, buong bansa ay isama mo basta relevant sa kwento. Pwedeng ilang generations ang isama mo, basta relevant sa kwento.

- Setting (Tagpuan)

May main setting at sub-settings.

Pwede kahit na ilang taon, dekada o milenya mo gusto. Pwede kahit na ilang lugar. 

- Conflict (Problema)

May main conflict at sub-conflicts.

Pwede kahit na ilang problema, BASTA AT malinaw ang central conflict o main conflict kumpara sa mga sub-conflicts o maliliit na problema. Pero iyong kailangan lang sa story. Again, 'wag gawing dramarama sa hapon.

- PLOT (Mga pangyayari)

May main arc at sub-arcs.

Pwede kahit na ilang story arcs, BASTA AT malinaw ang central arc o main arc. Iwasang maligaw. Katulad 'to sa mga Koreanovela. May main story tapos may sub-stories 'yung mga supporting characters.   

- THEME (Tema, mensahe, moral)

May main theme at sub-themes.

Pwede kahit na ilang tema basta at malinaw at relevant lahat.

AT SA ANUMANG KWENTO, PAKATANDAAN:

The story idea should be enough for you to finish the story. Ibig sabihin, 'yung ideya na dumapo sa'yo at nagpalikot sa imagination mo, dapat ay sapat para pabangunin ka araw-araw o puyatin ka gabi-gabi at tapusin ang kwento. Kasi... madaling magsimulang magsulat pero mahirap tumapos.

You have to fall in love with the story idea enough to make you want to write it until the end. Kung hindi mo gano'n kamahal ang ideya na 'yan, maa-unrequited 'yan at iiwan mo lang. 

In the end, it is always you who will determine if you want a story written. 

Write it.

BONUS TRIVIA

Ano ang term na dramarama sa hapon?

Dramarama sa hapon
Isang kwento kung saan ipinanganak, nag-aral, nag-debut, nag-graduate, nagkatrabaho, nagkaasawa, nagkasakit, namatay na ang bida pero wala pa rin ang conflict. Lahat ng pagpapahirap nangyari na sa bida—namatayan, naagawan ng asawa, nakidnapan ng anak, nasunugan, nawalan ng kabuhayan, inalipusta ng buong barangay, na-rape, naghirap, nagkasakit nang malubha, naaksidente, nagka-amnesia, ilang ulit ipinapapapatay ng kontrabida—pero wala pa rin ang conflict. Gulong-gulo ka na sa mga nangyayari pero sadly, wala pa rin ang conflict. Lalong magulo sa'yo ang theme.

#WagTularan 


Pagsulat ng Kuwento 101 (at iba pang mabuting balita)Where stories live. Discover now