Chapter 54: Ghost from the past

89.9K 1.4K 46
                                    

Chapter 54

Alas tres ng madaling araw habang nasa kasarapan ng mahimbing na pagtulog, ay nagising si Amara sa tawag sa kanyang telepono.

Kriiiinnnnggg... Kriiiinnnngg...

Tamad niya sinagot ito nang hindi man lang idinidilat ang kanyang mga mata.

"H-hello." namamaos ang boses na turan niya rito.

Bigla namang napakunot ang noo ni Amara nang hindi sumagot ang taong kausap niya sa kabilang linya. Kaya naman dala ng kanyang kuryusidad ay tiningnan niya ang kanyang telepono, para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya.

Nagising na nang tuluyan ang kanyang ulirat, nang makitang hindi nakareshistro ang numero nito sa kanyang telepono.

"Hello sino po sila?" pag-uulit na tanong ni Amara rito.

Sa pangalawa't pangatlong pagkakataon ay hindi pa rin sumagot ang tao sa kabilang linya, kaya naman sa sobrang abala na naidulot nito ay mabilis nagsabi si Amara nang,

"Hello! Ano ba?! 'Di ka ba talaga sasagot?! Kung hindi ka magsasalita ibababa ko tong tawag" may inis na pagbabanta ng dalaga rito.

Hindi pa rin natinag ito sa bulyaw ni Amara kaya naman napasagot na naman siya rito nang,

"Bahala k..."

Hindi na natuloy ng dalaga ang kanyang sasabihin nang biglang makarinig ng baritonong boses sa kabilang linya.

"Amara." usal nito sa kanyang pangalan.

Sa puntong iyon ay mabilis idinilat ni Amara ang kanyang mga mata at hindi nakasagot sa pagsambit nito ng kanyang pangalan. Pinakinggan n'yang maigi ang boses nito kung tama ba ang kanyang nadinig.

"Hello? Amara still there?" pagtatanong nito sa kabilang linya.

Nang masiguradong hindi nga s'ya nagkamali ng dinig, ay agad n'yang ibinaba ang linya ng telepono at nakaramdam ng takot dahil kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Flashback

"Tama na please, tama na." umiiyak na makaawa ni Amara rito.

Nanumbalik sa kanya ang mga katagang iyon na pilit n'yang ibinaon at kinalimutan sa nakaraan.

"No! No! No!" frustrated na bulalas ng dalaga saka napasabunot ng kanyang buhok.

"Hindi siya pwedeng bumalik, paano n'ya nalaman ang numero ko?" sabay hawi sa kanyang buhok pataas.

*****

Sino kaya ang lalaki sa kabilang linya? At bakit tila takot na takot si Amara sa taong iyon?

Short update for this Chappy, Lovies! 😁✌️

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon