CHAPTER FOURTEEN

1.9K 40 1
                                    


"HOW IS he?" Tanong ni sandy nang maabutan ko itong nagluluto sa kusina kasama sila manang.

Umupo ako sa kitchen stool atsaka napabuntong hininga. "Ayon, iniwan ko muna kasama ang therapist niya. Mukhang galit pa sa 'kin kaya hinayaan ko muna." Sabi ko.

Saglit niya akong tinapunan nang tingin. "Iba rin kayo, no?" Napailing siya. "May LQ pero hindi naman kayo."

Napairap ako. "Wala kaming LQ, okay? Nagtatampo lang 'yon." Sabi ko.

'Tsaka, ang mga may relasyon lang ba ang pwedeng magka-LQ? Tss...Tinamaan ako sa sinabi nang babaeng 'to, ah.

Napangisi siya. "Nagtatampo O Nagseselos?" Pang-aasar niya.

Pinanlakihan ko siya nang mata nang marinig ko ang mahihinang tawa nila manang. "Tumigil ka nga! Atsaka diba mag-uusap kayo ngayon ni ark sa skype?" Tanong ko sa kaniya.

"Mamaya pa iyon." Ngumuso siya. "Alam niya namang may ginagawa ako, eh. 'Tsaka may meeting siya ngayon." Aniya.

Tumango ako. "Okay. So, how's the preparation for the royal wedding of the year?" I teased.

Natawa siya. "Royal wedding ka diyan. By the way about the invitations, ipapadala ko nalang dito or i just emailed it to you when its done." Aniya.

"Sure." Sabi ko.

Pagkatapos kong makipag-usap kay sandy ay lumabas na muna ako nang mansiyon at naglakad lakad sa malawak na hardin. Medyo hindi na rin mainit dahil hapon na.

Umupo ako sa isang bleacher na bakal sa gilid at pinanuod ang pagsasayaw nang mga bulaklak nang dahil sa hangin. Ang sabi ni lolo ay paboritong lugar daw ito ni lola noon nang nabubuhay pa siya kaya hindi talaga ito pinapabayaan ni lolo. Minsan kasi kapag namimiss niya ito ay pumupunta lang siya rito, parang nararamdaman niya kasi ulit si lola kapag andito siya.

Ibang klase daw magmahal si lolo, sabi ni mommy. Gagawin daw kasi nito ang lahat para masiguradong nasa mabuting kalagayan ang mga taong mahal niya.

Tinawag ko ang hardinero ni lolo nang makita ko ito. Kaagad namang lumapit sa 'kin ang matanda.

"Bakit ho señorita?" Tanong nito.

Tipid akong ngumiti. "Itatanong ko lang po sana kung may susi kayo nang basement sa dulo nang hardin? Wala po kasi kay manang 'yong susi, eh." Sabi ko.

"Nako. Nasa señior ho. Ipinagbabawal niya po kasi ang pagpasok doon kaya siya na mismo ang nagtago nang susi." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Ano bang meron sa basement na iyon?" Takang tanong ko.

"Hindi ko rin po alam señorita." Sagot naman ni manong.

Bumuntong hininga nalang ako. Anong meron sa basement na 'yon? Nagpasalamat na muna ako sa hardinero ni lolo bago ko ito iniwan doon at pumasok sa loob ng mansiyon.

Tuloy tuloy akong umakyat sa hagdan patungo sa second floor. Nasa dulo lang ang office at kwarto ni lolo, baka tinabi niya lang sa mga gamit niya ang susi.

"Ayoko na po señior."

Napahinto ako sa paglalakad nang tumapat ako sa kwarto ni Adrian at marinig ko ang boses niya. Kausap niya ba ang lolo ko? O ibang señior ang tinutukoy niya?

"Ayoko nang lokohin sila lalo na siya."

Kumunot ang noo ko. Wala na ba ang therapist niya? Mas niluwagan ko pa ang pagbukas sa pinto niya dahilan para gumawa ito nang maliit na ingay. Kaagad siyang nagpaalam sa kausap nang sumulyap siya sa pwesto ko.

"K-Kanina ka pa?" Tanong niya atsaka nag-iwas nang tingin.

"Hindi naman." Sinara ko na ang pinto at hinanap sa loob nang silid ang therapist niya. Kumunot ang noo ko. "Umulis na ba ang therapist mo?" Tanong ko. Hindi pa naman oras, ah?

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon