Chapter 13.1

7.9K 354 22

Chapter 13.1


Nang makarating sila sa condo unit ni Nathan ay nanatiling walang kibo si Maureen. Masyado siyang naging apektado sa sinabi ni Nathan kanina.


"Hey, kanina ka pa walang kibo? May problema na naman ba?" Nilingon ni Nathan si Maureen na tahimik na nag-aayos ng mga damit nito. Kasalukuyan silang nasa master's bedroom, kanina ay iginiit ng asawa na ang isang kuwarto ang okupahin ngunit hindi siya papayag sa ganung set-up. Kung siya nga lang sana ang masusunod ay kanina pa niya ito hinila sa kama kaya lang alam niyang masyado itong maraming pinagdaanan nitong nakaraang araw kaya hahayaan muna niyang makapagpahinga ito.


Napabuntong hininga si Maureen bago lumapit kay Nathan. "Gusto ko sanang makausap si Margarette. I want to explain my side." May pagsusumamo niyang pahayag.


"Not now, honey. May mga problema pa sila ni Dale Andrew." Napatiim ang bagang ni Nathan ng banggitin ang pangalan ng asawa ng kapatid. Kumukulo ang dugo niya rito, hindi niya alam kung dahil isa itong Monteverde o dahil ito ang lalaking kaagaw niya sa asawa.


"Kaya nga gusto ko siyang makausap para maging maayos na ang relasyon nila ni Dale Andrew."


"Damn it, Maureen! Si Margarette ba ang gusto mong makausap o si Dale Andrew!" Pagigil na hinawakan ni Nathan sa dalawang balikat ang asawa at marahas na niyugyog ito.


"N-Nathan, n-nasasaktan ako." Mababakas ang takot sa mukha ni Maureen ng mga sandaling iyun lalo na ng makita niya ang poot sa mga mata ni Nathan.


Bigla namang natauhan si Nathan. Dahil sag alit kay Dale Andrew ay hindi niya nakontrol ang emosyon. Agad niyang niyakap si Maureen at marahang hinaplos ang ulo nito. "I'm sorry, honey." Bulong niya habang dahan-dahang inilayo ito sa kanya upang matitigan ang magandang mukha nito.


"Habang kasal tayo ayokong babanggitin mo ang pangalan ng walanghiyang lalaking iyun." Muling pahayag ni Nathan ngunit sa pagkakataong ito ay malumanay na ang kanyang pagsasalita.


"We were talking about Margarette not him." Naguguluhan na si Maureen sa mga ikinikilos ni Nathan.


"Basta. Let's not talk about them. I know you're tired...I'll let you rest first. Pupunta muna ako sa mansion para kumustahin sina daddy at mommy. Uuwi ako before dinner para sabay tayong kumain." Hindi na hinintay ni Nathan na sumagot ang asawa. Mabilis niyang ginawaran ito ng halik at nagmamadali ng lumabas ng kuwarto dahil kung hindi ito ang gagawin niya ay baka higit pa sa halik ang magawa niya rito.


Nanghihinang napaupo sa kama si Maureen. Tuwing nararamdaman niya ang pagdampi ng mga labi ni Nathan ay humihina ang depensa niya. Naguguluhan na rin siya sa mga ikinikilos nito, alam niyang galit ito sa kanya ngunit may mga pagkakataong malambing ito. Bigla siyang napatayo ng biglang tumunog ang telepono niya dali-dali niya itong sinagot ng makita na ang tita Fely niya ang tumatawag.


"Maureen, hija. Kailan ka uuwi dito? Ikaw na lang ang hinihintay para matuloy na ang construction ng resort."


"Tita, puwedeng sa susunod na linggo ako umuwi diyan? I might stay there for 2-3 days then I need to go back here in Manila." Umaasa siya na pumayag ang tiyahin. Sa ngayon ay hindi pa dapat nito malaman ang tungkol sa kanila ni Nathan dahil siguradong magsusumbong ito sa kanyang mga magulang.


"No, Maureen! I need you here. Hindi kayang matapos ng mga documents in 3 days kulang na ang oras natin, dapat maayos na ito agad. Kalingan mong mag stay dito ng mas matagal. Ano pa ba ang inaasikaso mo diyan bakit hindi ka makauwi rito?" Mababakas ang pagpapanic sa boses ni tita Fely.


"Tita, kung magsalita ka parang napakaimportante ko naman para diyan sa pinapagawa mong resort. Kahit yata wala ako riyan kayang kaya mo namang asikasuhin ang lahat." Pagbibirong turan ni Maureen.


"Basta, kailangan mong umuwi rito as soon as possible. Alam kong magtatampo ka sa akin kapag nalaman mo ito"


"What do you mean?" Napakunot ang noo ni Maureen. Naguguluhan siya sa pinagsasabi ng kanyang tiyahin.


"Hija, mahirap magpaliwanag kung sa telepono lang tayo mag-uusap. Kung pinayagan lang ako ng doctor ko na magbiyahe sana kahit ako na ang pumunta ng America para personal ko kayong makausap." Malungkot na pahayag ng matanda.


Napaayos sa pagkakaupo si Maureen, hindi niya alam na may sakit ang tiyahin. Nang huli niyang nakausap ang mga magulang tungkol sa kalusugan nito ay tiniyak ng mga ito na wala itong sakit . "Tita, are you sick?"


"Last year, I had mild stroke at doon na rin nagsimulang magkaroon ako ng mga complications. Walang alam ang mama mo tungkol dito dahil ayokong mag-alala siya sa akin. Ito na rin ang naging wake-up call sa akin para ituwid ang lahat ng pagkakamali ko."


Biglang nakaramdam ng awa sa tiyahin si Maureen. Ngayon siya naliwanagan kung bakit minamadali na siyang umuwi sa Palawan para siya ang makatuwang sa ilang mga negosyo nito. Ang problema niya ngayon ay kung paano sasabihin kay Nathan ang tungkol dito.


"Okay po, tita. This week uuwi na ako diyan." Bahala na bulong ni Maureen. Sa ayaw at sa gusto ni Nathan ay pupuntahan niya ang tiyahin, hindi naman niya puwedeng pabayaan ito.

______________________


Deal with the MillionaireBasahin ang storyang ito ng LIBRE!