Chapter 55 Understand

10.4K 280 13
                                    


55: Understand

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Jassy's POV


"Oh saan ka galing?" Tanong sakin ni Ethan nang makasalubong ko siya sa paglalakad ko.

"Namili lang." Sagot ko sa kanya. Tumango siya sakin at ngumiti. Bago pa ako makalayo.



"Teka lang.." Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. 

"Salamat pala Ethan!" Pasasalamat ko sa kanya.



"Salamat? Para saan?" Kunot noong tanong niya sakin.

"Diba sabi mo sakin nung isang gabi nung nagka-away kami ni Kiel..." Panimula ko. Nakakunot ang noo niya at tila iniisip ang sinasabi ko.



"Sabi mo intindihin ko siya bilang girlfriend niya at ginawa ko naman. Inintindi ko siya pati na rin nararamdaman niya. Kaya eto kami, ayos at bati na. Salamat sayo!" Masaya at masigla kong paliwanag sa kanya. Bigla namang naliwanagan ang mukha niya.


"Ahh! Oo, natatandaan ko na. Wala yun. Basta tandaan mo mag-aaway lang kayo hindi maghihiwalay. Osige mauna na ako." Nagpaalam na siya sakin at naglakad palayo. Bigla naman akong napa-isip sa sinabi niya. 



Mag aaway lang kayo hindi maghihiwalay. 


Tama siya. Hindi lahat ng away dapat mauwi sa hiwalayan. Grabe! Saan niya kaya nakuha yun. Sa google kaya? Hahaha!! 



Habang papunta ako sa kwarto namin nila Kyla, may isang babae akong nakita at nakatayo sa isang pintuan. Nakasandal ang noo niya sa pintuan at para bang may sinasabi. Ewan ko ba? Pero mukhang pamilyar siya. Pamilyar yung mukha niya tsaka yung pintuan na dinadantayan niya.


Maya-maya kumatok ulit siya at sa puntong yun bumukas na 'to. Nagulat ako nang makita ko kung sino yung lalaking nagbukas ng pinto. 



Pumasok si Savannah sa kwarto na hinihiligan niya kanina at si Kiel lang ang tao sa loob.


Alam ko na si Kiel lang ang tao sa kwarto nila dahil sina Kuya Joshua at Aiden ay andoon sa kwarto namin at sinusuyo sina Ate Dianna at Kyla. Kaya alam ko na siya lang ang tao at walang iba.



Hindi ko alam pero bigla na lang napako sa buhanginan ang mga paa ko. Ayokong mag-isip ng masama pero anong gagawin nila doon? Pagdududa man ang sabihin ng iba, siguro oo nga. Sino ba naman kasing hindi magdududa na sa gantong oras ng gabi ay pupunta o papasok ka sa isang kwarto na ikaw at yung lalaki lang ang tao?

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon