Super Ferry.

187 2 2

(a/n: Ang mga susunod na mangyayari po ay hindi totoo... hindi nga ba?)

Napaaga ata ako ngayon? Wala pa masyadong tao dito sa pier at mabuti narin yun!

"Sa mga pasahero ng super ferry patungong Batangas ay inaasahan namin na Dumeretso na sa inyong Barko..."

"Hay salamat naman!" Inayos ko na ang mga gamit ko at Nagsimula nang maglakad papunta sa Bus na maghahatid sa akin sa Barko.

Normal lang ang barko... Super Ferry lang. Hindi masyadong malaki.

"Ah kuya saan po ang tourist?" Tanong ko sa isang crew na nakabantay sa Canteen.

Pero imbes na agarang sumagot para bang may kakaibang titig ang ibinigay niya sa akin.

"Sa Second floor po Liko ka sa kanan atsaka nandun yung Tourist. Ingat ho."

"Sige salamat kuya..."

Tiningnan niya ako atsaka napaiwas... Napailing nalang ako.

Ano nga bang alam ko sa utak ng ng isang tao? Baka may problema lang siya.

Pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay sinalubong na agad ako ng napakasarap na lamig ng hangin na nanggagaling sa Apat na Air conditioning dito.

"Wala atang tao?" Napalingalinga ako sa bawat doubledeck pero wala talagang ni isang pasahero.

Nakapansin naman ako ng mga pasahero sa labas pero ang pinagtataka ko ay bakit walang tao dito sa Tourist eh ito yung madalas na puno?

"Malapit nang mag alasais ah?" Pumunta na ako sa higaan ko at nag intay sa mga taong papasok.

Ilang minuto pa ang lumipas at kinagat na ako ng lamig. Tumayo ako at sumilip ulit sa Buong silid atsaka sa Labas ng bintana. Laking gulat ko nalang nung napatingin ako sa kabilang Isle sa labas at halos puno na ang barko?

Ibinalik ko ang tingin ko sa buong compartment at nakakita ako ng isang Lalaki na nakasuot ng pangkapitan.

"Siya siguro yung kapitan? Ano pa nga ba? SIR! SIR!"

Napatakbo ako sa kanya hanggang sa nasa labas na ako at agaran ko naman siyang nakita.

Malakas pero mainit ang hangin sa labas kumpara sa loob.

Dirediretso lang ang Lalaki sa paglalakad at umakyat sa Railings.

"KUYA WAG KANG TUMALON!" Halos nanlalaki na ang mga mata ko kasabay ng pagsigaw.

Tumakbo ako sa kanya at naramdaman ang damit niya sa kamay ko at laking pasasalamat ko nalang dahil nailigtas ko ang buhay niya.

Pero nung Tumingin uli ako ay tanging Damit nalamang niya ang nasa kamay ko.

Napatingin ako sa dagat pero walang sign ng pagtalon niya?

Tumakbo ako pababa atsaka pumunta roon sa Crew na nakatayo sa canteen habang nag ooperate ng mga customer.

"Excuse me... Excuse me..."

Nasa harapan niya na ako at iniabot ang damit habang hingal na hingal.

"Tumalon... T-tumalon y-yung kapitan..." Hapong hapo akong napatingin sa kanya.

Kinuha niya ang damit at binuksan ang Pintuan sa likod niya tsaka bumulaga ang Tumpok tumpok na mga damit ng kapitan.

"Anong ibig sabihin niyan?"

"Siya po ang kaunaunahang kapitan na nagpakamatay sa barkong ito... Ito po yung lalagyan nang bwat damit na ibinibigay ng bawat pasahero na kagaya niyo..."

"Hindi ako ang kaunaunahan?"

Halos ba mwala na ako sa sarili ko?

"Opo..."

"Eh kung ganun bakit hindi mo sinabi sa akin na ganun pala ang mangyayari?"

"Parte lang ho ng kasunduan..."

(Naku naman po yung tagalog ko unti unti nang nawawala! Puro english paka ang mga tao rito! Sana po nagustuhan niyo to! Hindi po masyadong nakakatakot pero sana po Thumbs up po at Maging Kuki Or Krim kayo! :D)

kukisankrim

Super Ferry.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!