Chapter 28 - Slambook ni Paolo

293 12 5

**********Paolo's POV**********

Nangyari na din yung matagal ko nang hinihintay, ang marinig kay Sam na mahal niya ako. Masaya ako at the same time malungkot, sino ba naman kasing hindi lulungkot, naging kami nga pero hindi ko naman siya makakasama araw-araw, umpisa na kasi ng Christmas Vacation namin.

Pagbangon ko sa kama ay agad kong kinuha yung cellphone ko para tawagan si Sam.

"Hello.. Sam?.." pagbati ko sa kanya

"Po?.." sagot niya naman

"Good morning.." pagbati ko

"Good morning.. kagigising mo lang?.." tanong niya sa akin

"Opo.. Nag-almusal ka na?.." tanong ko

"Almusal ka dyan?.. Tanghalian na po kaya.." sabi niya

Tumungin ako sa relo, 11:30 na pala tinanghali ako ng gising.

"Oo nga.. tinanghali pala ako ng gising.." natatawa kong sabi

"Hindi ka nakatulog kagabi noh?.." tanong niya

"Paano mo naman nalaman?.." tanong ko

"Nararamdaman ko.." sabi niya

"Ganun?.. Eh ikaw nakatulog ka ba kaagad?.." tanong ko

"Hindi din.. Napagod nga ako eh.." sabi niya

"Huh?.. Napagod?.. Saan?.." tanong ko naman

"Eh kasi po.. Anong oras na takbo parin ako ng takbo sa isip mo.." sabi ni Sam

"Pumipick-up line ka ah.. pero kinilig ako dun ah..." nakangiti kong sabi

"Sayo ko lang natutunan yun..." natatawa niyang sabi

"Hahaha.. Ahm Sam.. May lakad ka ba mamaya?.." tanong ko

"Wala.. Bakit?.. Miss mo na ako noh?.." tanong niya sa akin

"Hehehe... Ikaw hindi?.." tanong ko

"Hmmm.. Siyempre na-miss.. Sandaling oras lang kasi tayo nagsama kagabi.." sabi niya

"Kaya nga... Ano?.. Pwede ka mamaya?.. Sunduin kita?.." sabi ko

"Saan tayo pupunta?..." tanong niya

"Dito sa bahay.. Manood tayo ng movie.." sabi ko

"Sige.. Ipaalam mo ako kay Dad ah.." sabi niya

"Sige na.. Kain muna ako.. Kita na lang tayo mamaya ha?.. I love you.." masaya kong sabi

"I love you too po.." sagot niya naman

Pagkababa ko ng phone ay dumiretso na ako sa Dinning Room para kumain, as usual, mag-isa ulit ako, wala kasi si Simon, duon siya magspend ng Christmas sa U.S. kasama yung parents niya.

----------------------------------------------------------------

 *********Samantha's POV**********

Ang saya-saya ko talaga kagabi, at sa sobrang saya ko ay hindi din ako makatulog. Mas nadagdagan pa yung kilig ko nung nabasa ko yung blog ni Paolo. Hindi ko inakala na ganuon pala ka-inlove si Paolo sa akin. He even created a blog just to express his feelings for me.

Kinahapunan ay dumating si Paolo, sinalubong ko siya sa pinto. Pagpasok niya ay hinalikan niya ako sa pisngi, medyo nanibago ako kasi dati kapag pumupunta siya dito walang kiss, pero iba na ngayon boyfriend ko na siya, and he has the right to do such things pero syempre may exceptions.

"Ano tara na?.." nakangiting tanong niya sa akin

"Ipaalam mo muna ako kay Dad, hindi pa kaya ako nagpapaalam" sabi ko habang nakahawak sa braso niya

Biruin Mo Nainlove Ako Sa'yo?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!