"Amira"

35 0 0

--------"Nasilayan ko ang mga orkidyas, at ikaw ang aking nakita. Ngunit naalala kong ikaw ay alaala na lamang---------

"Yaya?"

"YAyaa?"

YAYAHHHHHHHHHHHHHHHH! (First time tinawag ni Amira si Mayumi ng yaya?)

Nagdali-dali sa paglalakad si Mayumi-ang "Yaya" o sa madaling salita ang personal na katulong ng malditang bata na nag-ngangalang Amira.

"Amira" o ilarawan na lamang nating bilang.... Masungit, Mataray, Mapagmataas, Mapangmata, Mapang-alipusta, Mapanghusga, Mapanglait, Mapang-api, Mapang-patid ng paa, Mapang-tago ng gamit na hindi sa kanya, Mapang-panira sa guro at mga kamag-aral, Mapang-gawa ng kuwentong hindi totoo, Mapang-punit ng kwaderno o sa madaling salita "Notebook" at higit sa lahat Mapangkulong ng kaklase sa storage room ng eskuwelahan.

"Maam! Paumanhin po......." Huminga ng malamin at saka bumanggit ng "Ano ho ba iyon?"ang katulong.

"BAKIT NAPAKABAGAL MO! Ikandado mo ang pinto MADALI!"

"Bakit po?"

"HUWAG MO NANG ITANONG PA!!! BILIS!"

"Opo! Opo... ito na ho!" Halos mabitiwan ni Mayumi ang hawak hawak sa labis na kaba. Mabilis nitong ikinandado ang pintuan ng storage room kahit na hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit ipinapakandado ito ng amo.

Bago ko ituloy ang nangyari, nais kong malaman mo na sa mga oras na iyon ay wala ang amo at ang katulong sa isang malaking mansyon. Nais kong malaman mo  na sila ay nasa Paaralang Elementarya ng Sto. Domingo. Nais ko ring malaman mo na si Mayumi ay hindi isang tipikal na katulong tulad ng napapanuod mo sa telebisyon na matanda at nakadamit pangkatulong. Siya ay isang bata rin na kaedaran ng kanyang malupit na Amo. Siya ay mag-aaral rin ng Paaralang Elementarya ng Sto. Domingo at bilang mag-aaral siya ay nakauniporme rin, ngunit sa kanyang uniporme ay may nakaburdang isang malaking kataga na kulay pulang "KATULONG". Ang lahat ng iyon ay pakana ng kanyang malditang amo na si Amira upang malaman ng lahat na siya ay isang katulong.

Sa mga oras na iyon ay naatasang kumuha ng walis tambo at mga basahan ang ating bida na si Kard sa storage room. At TAMA! Hindi ka nagkakamali sa iniisip mo ngayon na sa mga oras na iyon ay walang kamalay-malay si Kard na hindi na siya makakalabas sa silid na iyon. 

Narinig ni Kard na lumangit-ngit pasara ang pinto ng silid ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin sapagkat abala ito sa paghahanap ng walis sa loob ng dumilim na storage room. Nang maaninag niya ang walis tambo agad niya itong dinampot at kumuha ng mga basahang nakasabit sa bintana ng silid at agad na tumungo sa pinto upang lumabas. Ngunit ng buksan na niya ang pinto siya ay labis na nahirapan at ibinaba ang hawak na walis at mga basahan. Muli niya itong binuksan gamit ang dalawang kamay ngunit wala pa ring nangyari. Sinipa niya ang pinto ngunit ang pinto ay sadyang hindi mabukas at maya-maya lamang ay may narinig itong isang matinis na halak-hak ng isang batang babae.

"Hahahahahaha! Hahahahahahahaha! Kawawang bata na anak ng isang baliw!" Nangungutyang halakhak ni Amira.

"Amira! alam kong ikaw iyan! Buksan mo ang pintuan!" Kinalabog ni Kard ang pintuan, ngunit ang mga kalabog na iyon ay labis na nagpapasaya kay Amira.

"Nais kong magmakaawa ka sa akin, at nais kong ipangako mo na isisigaw mo sa harap ng ating silid aralan na ikaw ay anak ng isang baliw.. Maliwanag ba iyon?" Sa likuran ni Amira ay isang batang babaeng takot na takot at hindi makapaniwala sa nangyayari. Naisip ni Mayumi na kasalanan niya kung bakit nakakulong ngayon ang kaibigan sa storage room sapagkat siya mismo ang nagkandado ng pinto.

"Maam Amira, maawa po kayo kay Kard......, buksan na po natin ang pintuan, at hinahantay na rin po ni Ginang Amparo si Kard sa ating silid upang maglinis, tayo po ay makakagalitan kapag ito po ay kanyang malalaman"

Hiwaga't BahaghariBasahin ang storyang ito ng LIBRE!