Tips On Writing In Wattpad

1.6K 49 17

Tips On Writing In Wattpad

Naisip ko lang gumawa nito dahil trip ko. Hindi po ako expert pero gusto kong ibigay 'yung mga ginagawa ko sa inyo para magkaroon kayo ng maraming readers. :) saka maikli lamang ito. Kasi base lang naman 'to sa isip ko. Haha!

First, you need to think more with your title. Kung capable ba siya sa isusulat mong story. Walang baguhan. Kung babaguhin mo 'yung title mo, maaaring mawalan ka ng readers. 'Yung title mo dapat may connect sa story. Kung mapa-general fiction man 'yan o mystery. Pero 'yung maganda, babasahin mo palang 'yung title interesado na sila.

Second, the prologue. Ang pinaka-nakakaakit sa lahat ay ang prologue. Kailangan pag-isipan mong mabuti bago mo i-post. Kung wala ka mang prologue at chapter 1 agad, mas maganda kung mahaba 'yung chapter 1 para kahit papa'no magkaroon sila ng interes sa babasahin nila.

Third, the book cover. Mas maganda sana kung nakakaakit sa mata ng tao 'yung cover mo para magkaroon sila ng ideyang basahin 'yon o di kaya'y ilagay sa readin list o library nila. Sa paraan na 'to makaka-gain ka ng maraming readers. Ako, nagpapagawa lang ako kay @dizcutecrazygirl saka @ByuntaeIsTheName_ maganda sila gumawa! :) I adore their covers! <3 wala kasi akong alam sa art. Haha!

Fourth, kung paano ka magsulat ng story at kung paano ka magnarrate. Ang maganda kasi dito sa pag-nanarrate o pagsusulat ng pov ng mga characters mo e 'yung detailed talaga. Para ma-imagine nila 'yung nangyayari sa story mo. Saka 'yung kung magsusulat kayo ng story, do not put many smileys. 'Yung konting sulat lang may smiley na. Mas maganda 'yung sasabihin niyo. Ganito:

Do:
"Huwag mo sabi akong tawaging 'babe' hindi naman ako baboy!" Sumimangot ako ng sinabi ko 'yun.

Don't:
"Wag mo sabi akong tawaging babe hindi naman ako baboy :( :/"
'Diba? Maganda kapag detailed. Saka maganda rin kung hindi kayo jejemon. That's the good tip.

Fifth, 'wag sana kayo maging jejemon. Mahirap kasi umintindi kapag jejemon 'yung author. Saka matuto kayong gumamit ng punctuation marks. This will help us!
Like, "are u sure about this ??" "wag kng gnyan. bka mfall aqo ...." " bitch !!! how dare you !!!!!?"

Ang panget diba? Kaya po sana iwasan natin 'yung mga ganitong bagay! :)

Sixth, update atleast 3-4 pages. Kapag kasi marami lalong magugustuhan ng mga readers. Pero ako minsan, 2 pages lang pero worth it naman. Hahaha! For me syempre. Eh kung kaya niyo 5 pages. Pero bilang author, mahirap kumuha ng ideas and thoughts. Katulad ngayon, nagkaroon ng ako ng writer's block -___-t shutangama kapag ganun. 'Yung tipong gusto mo na mag-update pero walang nalabas na idea sa utak mo. @z@r kapag ganun ano.

Seventh, be friendly with your readers. Nakakatulong 'to makakuha ng maraming readers. Ako kasi friendly ako kaya siguro God blessed me. o:)

Lastly, take note: hindi ko 'to ginagawa. Haha! So ang last, magdala kayo ng pencil or ballpen saka papel. Kase hindi niyo naman forever kasama 'yung laptop or desktop niyo. Para kung magkaroon man kayo ng thoughts, gora na! Wag nang magpatumpiktumpik pa isulat na! Para hindi mawala sa isip! Ito ang magandang paraan kaya naglalabas ng magandang imahinasyon ang ating mga utak. ;) may idadagdag pa pala ako...hmm, for beginners or newbies? Mag-update kayo ng hindi lalagpas sa tatlo o apat na araw 'yung pagitan. Para kapag nagbasa sila ng update mo, ma-recap sa utak nila 'yung nangyari at maipagpatuloy! :)

Again, I am not expert writer nor amateur. I'm just frustrated and feelingera writer.

Kayo na ang bahala kung susundin niyo tips ko. :)

Sana po makatulong 'to sa mga beginner or newbies dyan na balak maging writer online here in Wattpad!

You can visit my watty account and read my stories there! Follow me on twitter! @queenofgoddess3 thankies! <3

Tips On Writing In WattpadBasahin ang storyang ito ng LIBRE!