CHAPTER 1

15 0 0

CHAPTER 1

(Chelsea Mellarck’s POV)

 

“ May buto ka ba talaga diyan sa katawan mo? Harder!”

Diniinan ni Poothie ang pisil sa paa ni Skylar.

“Poothie! Ano ba!? Ang sakit sakit nitong paa ko, ako muna unahin mo.”, lumipat naman siya sa paa ni Kace.

Nasa swimming pool area kami ngayon at nagpapamasahe ng paa kay Poothie. Dito kami madalas tumambay kapag wala kaming klase. I guess I can say that this is our territory because no one dares to go here.

Well, who are we?

Kami lang naman ang tatlong babae na hindi mo gugustuhing makabangga. It’s either we make you suffer or the whole campus of Davis University.

I looked at my right and I saw my girl friend pouting at me. Agh, one thing that I hate the most about her. Her pouting powers.

She’s Kace Tithe. Read as keys and Tithe read as tayt. Hindi tulad ng iniisip niyong talagang basa sa apelyido niya. Don’t worry I used to pronounce her surname just the way you first say it. At kahit na alam ko na ang tamang basa don, yun pa rin tinatawag ko sa kanya. It’s funny to have a friend who has a surname of a genital. (Rated SPG haha)

She’s our baby. I mean the youngest among us. Same age lang naman kami pero siya yung pinakahuling magbirthday.

“Hey Chels …” napatingin ako kay Kace tapos ginuhitan niya yung leeg niya, yung sign kapag gigilitan ng leeg o patay ka sa taong yun. “Game over.”

Three down.

“Aw, break na kayo ni Jeff? Makakamove-on ka ba? Do you need a hug? ” Sumilip si Sky na nasa kaliwa ko. Yung mukha niya kunyari concern na concern siya kay Kace. Kung alam nyo lang.

“Sa tingin mo kaya ko?” Inosenteng tanong ni Kace sabay pout. Seriously, gusto ko na gupitin lips niya.

Tapos hinawi niya buhok niya with all confidence, “Of course I can! Duh. It’s just a silly game. He fall, I win. ” Siya rin sumagot sarili niyang tanong. Hay Kace.

I told you, bata pa siya. Mahilig siya maglaro but her favorite is the game of the stupid concept of love.

As for this week, tatlong lalaki na ang brineak niya to think na Thursday palang ngayon. Napailing nalang ako kay Kace. Ganyan na siya eh, we cannot change her.

Napatingin naman ako sa kaliwa ko. Meet Skylar Zevenbergen, my nerdy and clingy friend. Tingnan mo naman oh, nandito kami para mag-enjoy pero ito siya kaharap ang libro niya. Kaunti nalang pwede niya ng halikan yun eh.

Sa una aakalain mong mahinhin siya at suplada pero it’s a BIG NO. Medyo boyish siya in terms of actions at clothing. Hindi niya trip yung nakadress kasi feeling niya hubo daw siya. Ewan ko don, nasobrahan ata sa pag-aaral kaya iba na ang takbo ng pag-iisip.

Three out of Seven: Book of ChelseaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!