HD # 1

21 1 0

Chapter 1

Jam’s POV

“ Ate. Please naman. Wag ka nang umails.  Malulungkot ako dito. Wala na akong kasama. Please Ate.”

Tuloy-tuloy ang mga luha ko. Umupo sya na kapantay ko at pinunasan ang mga luha ko.

“Ssh. Tahan na. Jam, di naman mawawala si Ate eh. Tsaka diba nandito naman si Lola para bantayan ka.  Sa ngayon, sya muna ang kasama mo. Mabait naman si Lola eh.”

Kahit anong gawin kong pigil sa mga hikbi at luha ko, hindi ko makontrol. Para silang may sariling isip. Nagpunas din ng luha ang taong naging kakampi ko mula ng mawala si Mama at Papa -- Si Ate Jemie.

Walong taon na ako at si Ate naman ay 12 years old na. Namatay sina Mama at Papa dahil sa isang aksidente. Nung mga panahon na yon ay kami lang ni Ate ang magkaramay kasi di namin kilala yung iba naming kamag-anak.

Hindi ko nakikitang umiiyak si Ate kapag magkasama kami pero alam kong nalulungkot din sya sa pagkawala ng mga magulang namin. Sa tuwing akala niya natutulog na ako, dun sya umiiyak. Naririnig ko sa tuwing hihikbi sya. Siguro dahil ayaw niyang ipakita sakin na mahina din ang loob niya.

“Hanggang kelan ka dun?”

“Madali lang ako dun. Kapag nakaipon na ako ng maraming pera, babalikan kita dito at di na tayo magkakahiwalay. Malay mo, paggising mo, nandito na ulit ako. Basta hihintayin mo ako ha, Jam.”

“ Opo, ate. Mamimiss kita.”

“Mamimiss din kita. Tatawagan kita araw-araw. Gusto mo oras-oras pa. Promise ko yan sayo.”

“Promise?” Then inabot ko sa kanya ang hinliliit ko.

“Promise.” Inikot niya naman ang hinliliit niya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Mahal na mahal kita, Jam.”

“Mahal na mahal din kita, ate.”

Pinunasan niya ang mga luha ko at tumayo. Dirediretso syang sumakay sa taxi at umalis na.

“Ate..” At unti – unti na nga silang nawawala sa paningin ko habang inaakay ako ni Lola na pumasok ng bahay.

After  10 years..

“Jam!!!”

Aynako! Sino bang hinayupak na yon ang sumisigaw sa labas ng bahay namin. Nakakainis. Bahala sya dyan. Ang aga-aga pa.

*pak*

Hala! At binabato pa talaga niya ang bintana ko ah.

Kahit ayaw kong tumayo ay napilitan ako kasi baka ano pang gawin ng siraulong tumatawag sakin at mapagalitan pa ako ni Lola kapag nabasag yon. Pumunta ako sa bintana at binuksan ito.

Sabi na nga ba eh. Sya lang naman ang may lakas ng loob na mambato ng bintana ng may bintana.

“Ano ba yan, Alden! Aga-aga! Bakit ka ba nandito ha at nambubulahaw ka ng natutulog?! At namababato ka pa talaga. Umuwi ka na nga at matutulog pa ako. Hmp!” At sinara ko na ulit yung bintana at bumalik sa kama. Haay. Ang sarap talagang matulog pag walang iniintinding pasok.

P-pasok?? Teka, ano na ba ngayon? Gosh! First day of school!!! Huhuhu. Napabalikwas ako sa kama at tiningnan ang oras. 7:30?!! 8 ang pasok ko eh. Huhuhu. Bakit di man lang tumunog yung alarm clock. Kasalanan talaga ng alarm clock kapag nalate ako.

Dumiretso agad ako sa banyo at syempre, ano pa bang ginagawa sa banyo kundi ang maligo. Hahaha. Talagang nagjoke pa eh no kahit late na ako. Nakakabaliw pa lang malate ng gising.

You're my Heart's DesireBasahin ang storyang ito ng LIBRE!