Hidden Feelings

296 4 6

Ang story na to ay hindi nalalayo sa ibang kwento. try lang kung magugustuhan niyo. :)

"LATE NA AKO!!"

Pasigaw na sinabi ni cassy habang nag-aayos pa din ng gamit niya papunta sa isang party ng bago niyang kaibigan.

" Bakit kasi ang chill ko lang kanina pag gising ko e!"

Ang dami ng missed calls at text ng mga kaibigan niya sa kanya.

Marie: " Cassy saan ka na?"

Basha: "Anong petsa na teh?! san ka na?!"

Josette: "ikaw na lang kulang!"

Cassy: "OTW na ako!!" send to many ..... message sent.

Nang masend ang message ni cassy sa mga kaibigan nito agad agad nitong kinuha ang bag at tumakbo palabas ng bahay nila.

"Mommy alis na po ako! byee!"

"Oh mag-ingat ha! huwag magpapagabi!"

"opo!!"

alas kwatro na ng hapon ng umalis si cassy sa bahay nila at ang usapan ay ala una. pagkasakay na pagkasakay niya sa jeep agad itong nagbayad papuntang caloocan. siksikan na sa jeep napasabay na kasi siya sa mga umuuwi galing opisina at school. wala na siyang magagawa kundi magtiis sa matagal na byahe galing commonwealth.

Habang nasa byahe panay pa din ang tawag at text ng mga kaibigan niya sakanya.

"ang atat aahhh grabe" yun na lang ang nasabi niya habang tinititigan ang kanyang cellphone.

matapos ang halos isang oras na byahe dahil sa traffic nakarating din siya sa bahay ng kaibigan niya na si Veronica. Nang makita niya si veronica agad siyang tumakbo at nagpacute ng konti para hindi magalit sakanya ang kaibigan.

"happy birthday veronica!! sorry late ako!"

"anong late ang aga mo nga ee! ang aga mo para bukas!"

"sorry naman teh! ang traffic kasi ee!"

"traffic! idadahilan mo pa yun ee ayos na ayos ka nga! nagpakulay ka pa ng buhok at nagpastraight! yung totoo birthday mo teh?!"

sabay tawa nilang dalawa at nag-apir na lang at nagyakap ng akala mo ay hindi nagkita ng ilang taon.

apat na lang ang mga bisita ni veronica ng dumating si cassy, sina Karen, Dave, Dylan, at Marco na lang ang natira. Sa tatlong lalaking natira si Marco ang bukod tangi niyang napansin. unang pagkikita palang nila ay para bang na love at first sight siya kay Marco at naimagine na ang kanilang future: magpapakasal, magkakaroon ng anak, at tatandang magkasama. Pano ba naman hindi niya mapapansin e matangkad, medyo maputi, at higit sa lahat gwapo. halos malaglag siya sa kinauupuan niya ng makita niya si marco.

"Hi i'm Marco."

"Cassandra. Cassy na lang para hindi masyadong tunog kontrabida" (ang lambot ng kamay! halatang walang ginagawa sa bahay!!)

napangiti lang si marco sabay sabi " Cassandra. cassy. nice meeting you"

nakangiti lang si cassy habang sinasabi sa sarili "(ay lord! ito na ba yun? siya na ba? ang pogi pogi naman talaga!!)"

after magkakilala, tinabihan na siya ni marco at nakipagkwentuhan na ito sakanya hanggang sa umuwi na sila at hingin ni marco ang cellphone number niya.

"text text na lang cassy ah!"

"oo naman basta ba may load ee" pabiro pa niyang sinabi.

Hidden FeelingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!