WISYS-3

19 1 0

College Year-End Party 2014.

Theme: Royals of the 19th Century

Tonight's the most awaited party of the year lalo para sa mga seniors tulad ko. Last time na para maka-party ang mga classmates and friends ko. Woooo! Iyak na. HAHAHA Medyo bakla.

Ang theme pala ng party na eto ay "Royal". Mukha lang akong tanga sa suot kong mala pang prince charming noong 19th century. Bakit ba royals ekek pinili nila? Pwede naman kasing masquerade kaso common nga lang.

Medyo busy-busyhan ako. Kinikumusta ko lahat ng co-organizers ko kung okay ba ang lahat para walang maging aberya. I'll make sure that this party will be the best night of their lives more than their proms. 

Since all is well naman, hinihintay ko na lang si Belle. Remember isasayaw ko pa siya. Kaso kanina pa nagstart yung program ng party di ko pa sya nakikita. Hayyys. Baka di na yun makakapunta ah. :((

 Pero maya maya lang, narinig kong nag- wow yung mga tao. Tapos naririnig kong binabanggit nila yung name ni Belle. Ako naman sobrang excited na makita sya so nilapitan ko agad. Nakita naman nya ako.

"Kuya! Ang gwapo natin ngayon ah." *smile*

"Bakit? Ngayon lang ba ako gwapo? HAHAHAHA."

"Syempre araw araw!"

"Yan ang gusto ko sayo eh. Nagsasabi ka ng totoo. HAHAHA" sabi ko sabay apir

"Halika ka na. I'm sure gutom ka na. Punta na tayo dun sa buffet table."

"Tara!"

Pumunta na kami dun sa buffet table at kumuha ng pagkain. After eating, nagpahinga lang kami saglit then nakiparty na kami. 

Suddenly, nagsalita yung emcee.

"Guys, it's time for the sweet dance. Enjoy everyone."

Nagchange yung music from pang party to a sweet song.

Inilahad ko ang aking kamay kay Belle.

"Your Majesty, can I have this dance?" sabi ko. Your majesty kasi mukha syang reyna sa paningin ko. Reyna ng puso ko.  ^_^ ang cheesy!

"Sure." *smile* 

Can I Have This Dance playing on background

Nagsayaw kami ng slow dance. God! I've waited this party just to dance with her. I feel so complete tonight. Kung alam lang niya the way I feel. Ayoko muna kasing sabihin. Feeling ko kasi masyado pa siyang bata para sa akin. Ang pangit kasi tignan kung first year pa lang sya tapos ako graduating na. Mami-miss ko siya kapag grumaduate na ako. I will miss her. Definitely her smile that captivated my heart.

Napansin kong may lungkot sa mata niya. Feeling ko tuloy ayaw niya akong kasayaw.

"Bakit parang malungkot ka?"

"Huh? Di naman eh"

"Wag ka na magdeny. Kita kaya sa mata mo"

Suddenly  tears fell from her eyes.

"Nagbreak na kami ni Drake, kuya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ba lagi nya akong kinokontra sa mga ginagawa ko."

"Wag ka na umiyak. Lalaki lang yan. Wag mong iikot ang mundo mo sa isang lalaking di ka maintindihan at ayaw kang suportahan."

If I could just take away all her pain that fucking guy have caused, I will. Kung ako lang ang boyfriend mo di kita paiiyakin.

"HAHAHAHA. You're right kuya! Hindi ko dapat iniiyakan ang lalaking yun." 

Alam kong nagpapanggap lang siyang masaya sa harap ko pero deep inside there's the pain.

Di ko na napigilang yakapin sya habang sumasayaw kami. Di naman siya pumalag. Binalik pa nga niya yung yakap ko. Hindi ako pumaparaan ngayon. Gusto ko lang icomfort siya. Nagtagal kami sa ganoong posisyon hanggang matapos ang kanta. Nung matapos na yung kanta, may sinabi si Belle na hindi ko narinig. Yung huling sinabi na lang niya yung narinig ko.

"Sana ikaw na lang yung minahal ko. Salamat kuya sa pag comfort sa akin"

"Basta ikaw! Pag grumaduate ako, wala ka ng kuya dito. Alagaan mo ang sarili mo ha. Wag kang papaloko sa mga gago dyan"

"Oo kuya. I'll take that advice of yours. Mamimiss kita ng sobra kuya."

"Mamimiss din kita lalo na yung kakulitan mo!"sabay pingot sa ilong niya.

Nagtawanan na lang kami. Nagkwentuhan kami ng mga masasayang bagay na hindi magpapaalala sa kanya ng nangyari sa kanila ng ex niya.

I will treasure this night. Di ko na papansinin yung ginawa ni Drake kay Belle. Basta ang alam ko, masaya ako. Napakasaya ko. 

Graduation na namin next week. Sana makita ko man lang si Belle that day. Because that day will be the last time I will see her. Papakabusy kasi ako. Hihintayin ko siya. Hihintayin ko siyang maging handa. I'm willing to wait. Sabi nga di ba, anything worth having is worth waiting for.

___

Vote. Comment. Thanks for reading ^_^

When I See You SmileBasahin ang storyang ito ng LIBRE!