Chapter 1

70 5 1

A real woman is not impressed by money because she knows her Love is PRICELESS.

"Gago! Takbo!!"

Sigaw ng mga lalaki sa kasamahan nila na naiwan sa harap ni Jung Ho Seok or well known as J-Hope bago sila nagsitakbo.

"Bakit di ka pa tumatakbo?" pang-aasar ni J-hope sa lalaki.

Tumawa ng mahina ang lalaki sa sinabi ni J-Hope.

"Bakit naman ako tatakbo? Hoy bata... Di mo ata ako kilala?"

ngumiti si J-Hope.

"Natanong mo rin ba yan sa sarili mo? Ikaw? Di mo ba ako kilala?"

Nagbago ang aura ng lalaki. napalitan ito ng inis sa sinagot ni J-Hope.

"Hoy ikaw! Huwag mo akong tanungin sa sarili kong tanong! Sino ka ba ha?!!"

Inayos ni J-hope ang sarili at seryosong sinabi sa lalaki na...

"Baguhan ka nga sa mundo na pinasok mo. Di mo kilala kung sino ang dapat mong iwasan at kung sino ang dapat katakutan. Ako? Jung Ho Seok. Yan ang pangalan ko."

Natameme ang lalaki at binalot ng takot sa narinig niya. 

"J-Jung H-Ho S-S-Seok?? Magkapangalan lang kayo diba?? Hindi ikaw yun?"

Bakas sa lalaki na pinipilit niyang paniwalain ang sarili na hindi ang taong nasa harap niya ang iniisip niya ngayon. Na mali ang kutob niya. 

"Sa tingin mo? Nagbibiro ako? Sa pagkakaalam ko walang sino man ang pwedeng magsuot sa singsing na toh maliban sa Mafia Prince diba?" sabay taas sa kanang kamay niya kung saan nakasuot ang isang gintong singsing na may itim na bato.

Ang singsing na iyon ay sumisimbolo sa kapangyarihan at taas ng position ng isang Mafia Prince. Kaakibat nito ang mabigat na responsibilidad sa organisasyon ng Yakuza.

Dahil sa nalaman ng lalaki na ang Mafia Prince nga ang nasa harap niya. Napaluhod ito at takot na takot.

"Patawad po boss. Pasensya na po. wala pang isang buwan ako sa trabaho ko. Sorry po talaga."

Bumunot ng baril si J-Hope at itinutok ito sa lalaki.

"I'll give you 10 seconds to run or else... Bangkay kang uuwi sa inyo. ONE! TWO!"

hindi pa umabot sa tatlo ay kumaripas na ng takbo ang lalaki. Habang si J-Hope ay tumatawa.

"Sa gwapo kong toh?? Takot sila?? Tsk!"

at sumakay na siya sa kotse niya at umalis.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Prinsipe Jin? Handa na po ang pagkain" tawag ni Butler Lee.

Tumayo si Jin mula sa inuupuan niya sa terrace.

"Susunod po ako." at bumaba na si Jin sa Dining Hall.

Mag-isa lng lagi si Jin sapagkat laging wala sa bansa ang mga magulang niya dahil sa meeting at conference na dinadaluhan nito.Mahirap maging isang Prinsipe at maging Anak ng isang Reyna at Hari. Mabigat ang nakapatong na responsibilidad sa balikat niya lalo na't siya ang ipapakilala na susunod sa pagiging Hari. Siya ang Crown Prince. Lumipas ang ilang minuto at dumating si Butler Lee.

A LOVE WORTH FIGHTING FORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!