75: Brother Dearest

8.8K 161 21

"Eggs?" Nagbugtong hininga nalang si Raven sa nakitang laman ng ref.

Jugs ng water at limang pirasong itlog lang ang laman noon. May isang bote din ng concentrated juiced pero di siya sigurado kung ok pa.

Weird. Bakit gumagana ang refrigerator dito? May laman pa. Mga ilang linggo na rin siguro itong naiwang naka-on. Buti nalang at may karga ang generator.

Kinuha nalang niya ang mga itlog sa ref at inilagay sa kaldero. Nilagyan ng tubig at isinalang sa stove. Di siya marunong magluto. Bahala na.

Nag alala lang naman siya kay Kiel, kagabi pa ito di nakakain.

Iba ang kinain nya kagabi.

Sh*t. Ano bang pumapasok pa sa utak ko ngayon.

Inilibot niya ang paningin sa kitchen. Ito ang pinakamalaking lugar sa bahay nila dati. Nagbago na ang hitsura. Napuno na ng mga bagong gamit pero andun parin ang lumang oven nilang gawa sa bato. Wala na ang mga tapayan dati na lalagyanan nila ng tubig.

Nakakamiss din pala.

"Raven!"

Nagulat nalang siya ng marinig niya ang sigaw nito galing sa taas.

"Rave!"

Dinig niya ang mga mabibilis na yabag nito pababa sa kusina.

"Kiel?"

Lumitaw ito sa pinto. Nakaboxer pero may hawak na itong baril. Tumitig ito at parang natulala sa ayos niya.

Naalala niyang naka maluwag na tshirt lang siya at undies. Di pa tuyo ang pants niya kaya di niya muna sinuot.

"Bakit?"

"Putsa naman Raven!" sigaw nito ng lumapit na. Niyakap siya nito ng mahigpit. "Kinabahan ako. Wala ka sa tabi paggising ko."

"T-teka Kiel." Ang higpit. Naiipit na siya. Tinulak niya ito para makahinga.

"T*ngna. Sapakin mo nga ako," sabi pa nito paglayo. "Nanaginip pa ba ako? Panaginip din ba yung kagabi? Yung ginawa natin kagabi?"

"Ha?"

"Sa panaginip ko lang nakikita tong eksenang to. Sh*t." Hinapit nito ang bewang niya at pina-upo lamesa. Nilapag nito ang baril sa tabi niya. "Totoo na ba to? Baka nagdedeliryo lang ako."

Kinurot niya ang tagiliran nito at tumawa. "Adik!"

"Aray!" Bumitaw ito. "Masakit nga. Bakit mo ginawa yun?"

"Ganiyan ka ba talaga pag bagong gising, Kiel? Lika nga dito." Nakangisi niyang sabi. Kumapit ang isang braso niya sa batok nito at hinila papalapit.

"So now what, my princess?" tanong nito.

Kinagat nalang niya ang labi ng unti-unti niyang pinadaan ang daliri sa markang ginawa ng pangil niya sa leeg nito. "You're mine now, Kiel," sabi niya. "And I am yours."

Alam niyang marami pang sugat ito sa likod. Mga marka ng kalmot ng mga kuko niya kagabi. Mukhang di naman nito iniinda.

"I know, you marked me," bumaba ang labi nito sa tenga niya, "Akala mo ba hindi ko napansin?" bulong nito. "Kinagat mo ako kagabi."

Umiinit na naman ang pisngi niya.

"Kahit hunter ako, kahit na tao lang ako. Ako parin ang pinili mo.” Naramdaman niya ang mga kamay nito sa laylayan ng tshirt at unti-unti na itong naitataas. 

"We only love once, Kiel," nararamdaman na niya ang init kamay nito sa bewang paakyat sa rib cage niya. "I don't care kung--"

Sh*t.

Requiem: Eternal (Book 1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!