OPERATION 2: GIVING THE BADBOY A NICKNAME

100 5 3

Naiwang mag - isa sa loob ng classroom si Jenna. Nakangiti pa rin ito dahil sa nangyari kanina. Pumasok sa classroom si Rafael, na kanina pa nakasilip sa kanila. Hindi napansin ni Jenna si Rafael dahil lutang pa rin siya.

"Saya mo ah." Sabi ni Rafael, tumabi siya kay Jenna.

"Nandyan ka  na pala. Hahaha. Tara na?" Alok ni Jenna.

"Ge." Tipid na sagot ni Rafael.

Tahimik na naglakad sa hallway sila Jenna at Rafael papunta sa kanilang pangalawang klase. Biglang hinawakan ni Rafael ang kamay ni Jenna, na kinagulat naman ng dalaga. Matagal na itong ginagawa ni Rafael kay Jenna, bigla biglang mang - yayakap, biglang manghahawak ng kamay. Pero hindi pa rin alam ni Jenna kung bakit sa twing ginagawa ni Rafael yun sakanya, ay may kakaiba siyang nararamdaman. Alam niyang may gusto sa kanya si Rafael, dumating din naman yung mga oras na nagkagusto din siya dito. Pero, hindi na niya sinabi iyon kay Rafael dahil alam niyang Rafael deserves someone better. Malayo ang agwat nila. Mayaman si Rafael, mahirap siya. Rafael is a somebody, while she was a nobody. Madaming nagpapantasya kay Rafael kaya naisip niya na napakaswerte niya na naging bestfriend niya si Rafael. At ayaw niyang sirain yung pagkakaibigan nila.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Jenna, hinayaan lang niyang magkahawak ang kamay nila habang naglalakad.

"Nakita ko kayo kanina nung lalaking kasama nila Shaina ah." Sagot ni Rafael.

"Ahh. Wala lang yun. Kami kasi dapat yung magkapartner sa Filipino. Pero wala lang talaga yun. Nagpakilala lang siya sa akin." 

"May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ni Rafael, diniinan niya ang paghawak sa kamay ni Jenna.

"Ano ka ba? Wala. Hahaha. Kakakilala ko pa lang sa tao e. Tsaka alam mo naman na focus lang ako sa studies ko eh." Paliwanag ni Jenna.

"Nagseselos ako sa kanya." 

"Bakit naman? Wala kang dapat ipagselos sa kanya kasi wala nam --"

"Yung ngiti mo kanina. Ayun yung ngiting kahit kelan hindi mo nabigay sakin." Mahinang sabi ni Rafael.

"Raf.." Mahinang sabi ni Jenna.

"Tara na! Haha." Sabi ni Rafael, binitawan nito ang kamay ni Jenna at naglakad ng mabilis palayo sa dalaga.

Napabuntong hininga na lang si Jenna, sinubukan niyang habulin si Rafael pero mabilis ito maglakad.

Nang makarating sila sa classroom, nakita nila sila Crisha at Rolica. Gaya kanina sa Filipino, may bakanteng upuan sa tabi nila. May mga bag lang sa tabi ng mga bakanteng upuan, kaya dun na sila dumeretso.

"Ba't ngayon lang kayo?" Tanong ni Rolica, na kumakain ng dirty ice cream.

"Kani-kanila lang kasi dumating si Rafael eh. Hahaha." Sabi ni Jenna.

"Ah. Oh, anu nangyare sayo Raf? Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Crisha.

"Ah. Wala, pagod lang ako." Sabi ni Rafael.

"Sorry naaaaaaaaaaaaa." Lambing ni Jenna kay Rafael.

"Oo na! Hahah. Alam mo namang hindi kita kayang tiisin eh. Basta ha." Sabi ni Rafael, kinurot niya ang pisngi ni Jenna.

"Yieee. Landi talaga oh!" Asar ni Crisha.

Bigla silang natahimik nang biglang dumating ang grupo nila Shaina. Sila pala ang nagmamay - ari ng mga bags sa tabi nila Jenna. 

BREAKING THE BAD BOY'S HEARTBasahin ang storyang ito ng LIBRE!