chapter 4: Ano ba naman tong taong to! Pinaramdaman mo naman ako ng kakaiba.

28 1 0

CHAPTER 4

“Good morning my dear”

Nakagising si Anna sa bati ni Mommy Barbara.

“Anong oras na po?” aniya.

“8:30 na ng umaga my dear. Mag-agahan ka muna. Teka, tawagin  ko muna si Manang Rosie.” Sagot niya kay Anna at lumakad patungong pintuan para papasukin si Manang Rosie.

“ANO?! 8:30 na?! naku, late na ako sa school. Patay ako sa homeroom teacher naming dahil late na late na ako.” Dali-daling tumayo si Anna at sa paggalaw niya sa kanyang katawan ay naramdaman niya ang matinding sakit sa may bugbog na parte sa katawan niya.

“Teka muna my dear, huminahon ka at umupo ka muna. Sandali lang at kukunin ko muna ang pain reliever mo at tatawagin ko ang private nurse mo para palitan ang gauze pad mo.” Binaba ni Mommy Barbara ang hawak niyang tray na may pagkain sa lamesa at lumabas sa kwarto para tawagin ang private nurse.

Sinunod nalang ni Anna ang sinabi ni Mommy Barbara at nag-iisip siya kung saan niya nakuha ang mga pasa at bugbog sa katawan niya.

“Mommy Barbara, saan ko ba ito nakuha ang mga pasang ito?” tanong niya nang bumalik na si Mrs. Barbara sa kinaroroonan niya.

“Eh my dear sabi ng kaibigan mo na sinasabunutan ka at sinnuntok ng mga kaklase ni Jin-jin.” Sagot ni Mrs. Barbara sa tanong ni Anna.

Biglang tumulo ang luha ni Anna mula sa mga mata niya nong naalala niya ang pangyayari at dahilan kung bakit nagkaganyan siya ngayon.

“Sorry my dear kung bakit nagkaganyan ka dahil ni Jinjin. Sorry talaga my dear. Sana mapatawad mo kami.” Malungkot na halos maiyak si Mrs. Barbara sa nasabi niya.

“Naku po mommy, dip o kasalanan ni Jinjin ang ito at lalo na sa iyo mommy. Ako nga talaga ang dapat humingi ng tawad sa inyo dahil nadamay po kayong lahat sa gulong ito.” Aniya sabay yuko ng ulo niya at patuloy lumuluha ang mga mata.

“O sya sya. Tigilan na natin to. Wala tayong kasalanan lahat para di ka na iiyak diyan. Papangit lalo ang sitwasyon. Sige kumain ka na diyan para mainom mo na ang gamot mo, okay?” sabi ni Mrs. Barbara sa kanya sabay punas niya sa mga luha ni Anna.

“Okay po mommy.” Kinuha ni Anna ang tray na nasa mesa at dahan-dahang ipinatong to sa kanyang hita.

“Good morning Ma’am Barbara.” Bati sa bagong pasok ng kinaroroonan nilang kwarto.

“Oh nandito ka nap ala Ms. Piana. Ahh.. Anna my dear, siya pala ang private nurse mo. Si Piana Shereq. Ms. Piana, siya ang private patient mo si Anna.” Pakilala niya kay Anna at Piana sa kanilang isa’t isa.

“Diba ikaw ang atekuya ni Melody? Ba’t babaeng-babae ka na umayos?” hagikhik niyang tanong sa nurse.

“Ano ka ba Aning, nurse na ako kaya dapat ganito na ang bihis ko. Wala akong magagawa kaya wag mo akong pagtawanan diyan.” Aniya.

Tumawa ng malakas si Anna sa sagot ni Piana sa kanya. Si Piana ay tinawag na “atekuya” ni Anna dahil tomboy ito at napilitang mag-nurse kasi yon ang kurso na gusto ng nanay ni Piana na kunin niya. Siya din ang naging private nurse ngayon ni Anna dahil kapatid siya ng bestfriend ni Anna na si Melody at para di ma-pressure si Anna sa pagharap ng private nurse niya.

ALAS sais na dumating si Kenji sa bahay nila at dumiritso ito sa kwarto niya para tingnan si Anna kung okay na ba ang kalagayan nito. Pero sa pagpasok niya ay wala si Anna kaya lumabas siya at tinanong si Manang Rosie kung saan si Anna.

“Senyorito, nandoon po siya sa guest room kasama ang senyora at ang private nurse.” Sagot ni Manang Rosie.

“O sige salamat po manang at ipaghanda mo ako ng mainit na kape.”

Childhood ComplexBasahin ang storyang ito ng LIBRE!