Crushmate (She's one of the boys)

442 9 0

" Hindi ka man 'yung babaeng perpekto,para sa akin ikaw pa din ang mundo ko..wala man sa iyo ang lahat ng katangiang hinahanap ko para sa akin ikaw pa din ang buhay ko,dahil ang mabuo mo lang ang mundo ko dahil sayo ay sapat na para masabi kong perpekto at kompleto na ang pagkatao ko ."

Lee-Zoey

PROLOGUE

Naniniwala ka ba sa salitang Crush at first sight?(para maiba naman)

Ano nga ba ang salitang CRUSH ?

Ito ba yung sinasabi nilang paghanga ? totoo naman yun,may mga katangian kang nakita mo sa kanya kung bakit mo siya nagustuhan.Pwede kasing maganda siya,seksi,matalino,mabait,cute,gwapo,macho,matangkad,etc.

Iba-iba ang perception ng bawat tao sa salitang Crush,tulad ko si Crush ang dahilan ko kung bakit ako pumapasok sa school (aminin mo ganun ka rin) syempre bukod sa gusto kung makatapos at may maipagmalaki sa aking magulang,sabihin na nating inspirasyon mo siya lagi,si Crush ang nagbibigay sayo ng kasiyahan,ng kilig at pagkabaliw.Sa isang ngiti at sulyap niya palang sayo pakiramdam mo nag-iislomo ang paligid mo,pakiramdam mo may mga petals ng flower na nahuhulog sa bawat sulok ng room niyo at iniisip mong kayo lang ang tao sa mundo.( Awkward !! )

Pero ganun naman talaga kapag may nagugustuhan ka,minsan nga makita mo lang siya buo na ang araw mo kahit half day ka lang sa school,minsan pa nga bumibilis ang tibok ng puso mo pag andyan na siya,batiin ka nga lang niya ng "Hi" feeling mo nag ILOVEYOU siya sayo,pero feeling mo lang yun.Pero ang tanong hanggang kelan mo masasabing Crush mo lang siya? O baka naman Love mo na siya kasi kung di mo love si crush di sana di ka sana nagseselos sa iba at nasasaktan diba?

Bukod sa pera aminin mo man o hindi pinoproblema mo din ang crush mo.Lalo na kapag kasama niya din crush niya (awtsuuu!!) tapos sabay aya ng mga tropa mong supurtado sayo" tara inum mo na lang yan" hahaha lang hiya good influence eh =)) tapos diyan na kayo magkakantahan,magoopen forum hanggang sa may mapikon dahil pinaglalaban mo ang nararamdaman mo sa taong gusto mo.

Dahil sa lumalalang pag ibig mo sa crush mo,diyan na pumapasok ang insecurities mo sa mga manliligaw niya o kaya sa taong crush niya,lalaitin mo na ito ng bongga,sisiraan mo pero hanggang sa isip mo lang,kase kahit ayaw mo mang aminin deep inside masakit sayo ang mga nakikita at nalalaman mo.At dahil dyan,matuto ka ng humarap sa salamin,pag aaralan mong maggitara dahil yun yung isa sa gusto niya,magpapraktis ka sa banyo kumanta,puporma ka kahit nakauniform ka naman,maliligo ka na araw araw kahit malamig para makalamang ka sa Crush niya kahit papano,magsisipilyo lagi kahit dati isang beses lang sa isang araw mo lang ito ginagawa,magwawax ka na rin ng buhok at gagayahin si Daniel Padilla para NA SAYO NA ANG LAHAT,maggigym ka na para lumaki katawan mo at least mapapansin niyang tumataba ka at magpapabango ka na halos amoy na ng buong campus niyo ang afecionadong gamit mo pero paano kung sinisipon si Crush? Hahaha useless din pero ok lang yan at least nag eefort ka para mapansin ka niya.Basta ako mapansin lang ako ni crush sapat na,hindi man niya ako gusto basta ako gusto ko pa din siya at mananatiling inspirasyon ko ang isang katulad niya. =)

chapter 1

"ang sakit ng ulo ko! dapat pala di na ako uminom kagabi eh!"

Uminom lang naman ako dahil sa isang babae eh,ewan ko ba tinamaan ata talaga ako sa kanya ng todo. Ako si Lee 1st year college,di naman kaila sa iba na certified gwapo talaga ako,chickboy,playboy,chicser,womanizer,headturner,whatever! yun ang tingin sa akin ng iba at di na maalis sa kanila yun,well tanggap ko naman kasi may halong katotohanan din. Hanggang sa makilala ko si Zoey,classmate kung babae na kilos lalaki di naman sa tomboy siya pero mas daig pa niya ang lalaki kung umasta,siya ang nagpabago sa lahat ng pananaw ko tungkol sa mga kababaihan,oo maganda naman siya,pero grabe naman kung magmura,mabait din pag walang topak at higit sa lahat masarap kasama huwag lang sosobra.Ewan ko ba ano bang nagustuhan ko sa kanya,siguro dahil sa pagiging totoo niya,nabihag niya puso ko pati buong pagkatao ko,hindi man siya yung tipo ng babaeng mairarampa mo sa mga mall,ang mahalaga siya yung tipo ng babaeng pwede mong ipakilala sa pamilya mo at balang araw sasabihan mo ng i do.

Crushmate (She's one of the boys)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!