chapter 3: "Oo. Fiancée ko siya at malapit na kaming ikakasal."

23 1 0

CHAPTER 3

Ipinaliwanag ni Mrs. Barbara Chavez kung paano at bakit siya nandoon sa kanilang mansyon. Nakatulog pala siya sa bench doon sa harden ng restaurant na kinakainan nila. Dinala nalang nila ito sa mansyon dahil nakatulog na siya ng mahimbing at ayaw nila siya maistorbo.

"Eh mommy, bakit ho doon ako ninyo nilagay sa kwarto ni Kenji? Pwede naman sa Guest Room niyo ako ilagay." Tanong niya sa Donya.

"Para masanay ka my dear. Dapat kang masanay na kasama siya matulog dahil malapit na kayong ikasal." Masayang sinabi ito sa kanya.

"Anong malapit na kaming ikasal?" singit ni Kenji habang tumuloy sa Dining Room para kumain ng agahan.

"Ah eh anak maupo ka muna. Tatawagin ko si Manang Rosie para pagtimplahan ka ng kape." Parang nanerbyos ito ng makita si Kenji at tinawag niya si Manang Rosie.

"Ma! Answer my question, please? Anong malapit na kami ni Anna ikasal? Anong ibig sabihin non?" Pasabog na tanong nito sa kanyang ina.

Nagulat na parang naintriga si Anna sa sinasabi ni Kenji na may kasama pang pangngalan niya. Nakatayo na sana siya pero umupo siya ulit dahil gusto niyang marinig ang sagot ng kanyang Mommy Barbara sa tanong ni Kenji.

Pumasok si Manang Rosie sa Dining Room. "Senyora, ano po ang maipaglingkod ko?"

"Ikuha mo ako ng tubig at timplahan mo si Kenji ng kape." Di tumigil ang kaba nito.

"Opo Senyora." Tuluyan itong umalis papuntang kusina.

"Ma, please?." He continuously insist his mom to answer his question.

Napalunok-laway lang si Anna at parang handang-handa itong makikinig kung ano ang maisagot ni Mrs. Chavez.

"I give up. Sorperesa ko sana ito sa inyo pero Jin-jin really insisted me. So, ito na. ehem, dapat bakantehin ninyo ang linggo niyo kasi importanteng araw niyo na ang linggong iyon. Okay?" parang nawawala ang tinik nito sa dibdib ng masabi niya iyon.

"Kasal po nila ngayong linggo Senyora?" singit na basag-kwento ni Manang Rosie at inaabot ang dinala nitong kape at tubig sa loob ng Dining Room.

Tumayo si Anna na gulat na gulat sa narinig. "K-kasal? Di po ba kayo nagbibiro?"

"Yes my dear! Kasal ninyong dalawa ngayong linggo." Kinikilig na sagot ni Mrs. Barbara Chavez.

Biglang tumayo si Kenji. Di nito nagalaw ang pagkain sa harap. Hawak nito ang kape at kinuha ang dyaryo sa may gilid ng mesa. Tuluyan itong lumabas at pumunta sa kwarto.

"Mukhang galit si Senyorito Kenji, Senyora." Paghuhusga ni Manang Rosie nang umalis si Kenji sa kinaroroonan nila.

Ngumiti lang si Mrs. Barbara Chavez na tuluyang kinikilig habang hawak ang balikat ni Anna. "Hindi manang! Kinikilig lang yon." Tumawa lang siya ng mahina.


SABAY ng pumasok sina Anna at Kenji sa paaralan. Huminto si Kenji sa may gate.

"Tandaan mo Anna, wag kang lumapit o makipag-usap sa akin dito." Banta niya.

"B-bakit naman? Maging asawa naman kita ah! Dapat bang di ako lalapit sa'yo? Ipinagkahiya mo ba ako? Gusto mo bang ipa-alam sa mga babae mo na single ka pa?" diritsahang tanong na napataasan ang boses nit okay Kenji.

"Shsh! Wag ka ngang maingay." Kinamot nito ang ulo. "Bahala ka nga diyan. Sige ipagkalat mo!" Iniwan na niya si Anna sa gate patungo sa classroom.

"Sungit naman nito! Pinabayaan pa niya ako dito!" Sabay simangot ni Anna at nagmartsa na din patungo sa classroom nila.

Childhood ComplexBasahin ang storyang ito ng LIBRE!