*Ting!*

Napalingon ako sa kusina dahil sa akala ko'y luto na yung bini-bake ni mama. Pero na-disappoint lang ako kasi phone ko lang pala yung tumunog :3 Anlakas naman maka-bell neto. Nakaka-gutom :D 

Binuklat ko na agad at tinignan kung sino yung nagpadala ng mensahe. 

From: Hannah

Miel, simba ka? Andito na 'ko sa church.

Ay? Nagyaya yung halimaw? Wala sana akong plano sumama dito eh :3 Kaso nagyaya. Pagbigyaaaaan. Pasko naman eh at nakabihis na rin ako xD 

To: Hannah 

Oo. Ge, punta na 'ko

Haha! Tipid ko sumagot :D Eh kasi naman eh, may galit pa ako dyan sa taong yan :3 

At dahil walking distance lang yung simbahan, extend 5 mins. muna ako dito sa bahay at lalaruin ko muna ang alaga ko sa phone ko. Si pou! :D *After 1234567890 secs* Nang magsawa na 'ko, nagpa-alam na'ko kay mama at lumayas na 'ko sa bahay namin at nagsimula nang lumakad papuntang simbahan. Pagdating ko dun, saktong nagsimula agad yung mass. Parang ako lang yung inanatay! Haha xD

Pagdating na pagdating ko dun sa harap niya, tumambad sa'kin ang mga kaibigan niyang hindi ko ka-close! Walanju tong babaeng to. Hindi sinabi sa'kin na may sinama pala siyang kawal niya :3 Akala ko kami lang dalawa yung magsisimba. Hindi ko trip kasama tong mga alien na 'to no kasi napaka-maingay nila. Parang wala nang bukas kung maka-daldal. Pati simbahan, hindi pinapalampas! -_- Eh, sa wala na akong nagawa, lumapit nalang ako sa kanila at ginreet ko sila isa-isa ng merry christmas :3 Dalawa lang naman yung kawal ni Hannah eh kaya okay lang naman. Hindi masyadong sayang yung laway XD

Nakita nanlilisik ang mata at kunot ang noo ni Hannah na nakatingin sa'kin sabay sabing, 'Ba't antagal mo?' After a few secs., sinagot ko siya na naligo pa ako at sinabihan ako na 'Naligo?! MyGahd, Miel! Tuyo pa sa lupa yung buhok mo tas naligo?!'

'Automatic na natuyo papunta dito'

'Ewan ko sayong babae ka!' -_-

Anlakas maka-menopause ng babaeng to ah. Parang walang nagawang kasalanan sa'kin yung bruha kung makapag-salita :3 Hindi ko nalang siya inimikan hanggang sa matapos yung misa.

Natapos nga yung mass pero niyaya na naman ako sa dalawang kawal ni Hannah na pumunta sa bahay nila para samahan silang magpa-alam sa kanilang mga DearParents na pupunta sa bahay ng "bestfriend" ko dahil may blablablaewanko daw sila doon :3 At dahil sa mabait akong bata, sinamahan ko sila pero tipid na tipid yung pakikisama ko sa kanila dahil ayokong makasama ang mga taong sobrang maingay kapag nasa public place. Hello??! Dyes oras na kaya ng gabi at ang ingay-ingay nilang tatlo. Tas take note: Naglalakad kami sa kalye, at ang ingay-ingay nila! :3 Hindi ba uso ang manners sa tatlong to? Prang naka-angkin ng kalsada -_-

At sa wakas! Merry Christmas to me! Nakauwi ako sa bahay na kumpleto pa naman yung parte ng tenga ko. Nakakarinig pa ng maayos :D Buti at hindi nalaglag eardrums ko sa kaingayan nila :3 

Christmas is in the air! :D Andaming pagkain! Haha >:D Wala na 'kong pakialam sa mga presents under the christmas tree kundi yung mga pagkain nalang ang nasa isip ko. Nyahaha! Antakaw ko :D 

At bigla ko nalang naalala yung kabalastugang ginawa sa'kin ng "bestfriend" ko. Oo. May galit pa rin ako pero konti nalang. Keri na siguro kung patatawarin ko siya. 

Tinext ko yung "bestfriend" ko.

To: Hannah

Heeeya Hannah! Haha :D Yung gunawa mo sa'kin? Okay na yun. Wag na natin isipin. Pinapatawad na kita. Merry Christmas :) 

Ganon lang. Tapos kinalimutan ko na yung ginawa niya sa'kin. Hindi naman ako mahilig magtanim ng galit. Masama kaya yon! :3 Pero hindi na ako masyado nagtitiwala sa kanya. Yung bang bawat palpak niya sa mga pangko niya, nawawala yung tingin ko sa kanya bilang "bestfriend" ko kasi pinagkakatiwalaan ko siya eh. At hindi ako yung taong mahilig bumiyak ng pangako. At sana, ganun din yung gawin nila sa'kin in return. Hindi sila bibitaw ng pangko na hinid nila kayang gawin. Mga peke! 

*Ting!* Bumalik ako sa realidad nang biglang may nag texxxxt :D 

From: Hannah

Talaga?! Nako! Salamat Miel ^___^ Merry Christmas din! I love you! Hehe :* 

Aba! At may nalalaman pang 'i love you' yung bruha :3 Maliban sa christmas gift ko sa kanya yun, ayoko rin naman lumipas ang paskona galit ako sa kanya kasi lagi akong natatamaan sa t.v na ang pasko daw ay panhon ng pagpapatawad. (Ahh so kung hindi pasko, hindi ka rin magpapatawad ganon? Haha xD) Masyado na akong nabubugbog sa sinasabi ng mga nilalang sa t.v at mga alien sa facebook. Ginawa ko yun at sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magtitiwala ulit.

Narrator: Hmm? Hindi na daw magtitiwala ulit? Big word, Miel! Haha xD Eh, paano kung dumating si Mr. Qwertyuiop? Magtitiwala pa kaya ulit si Bianca? Ano kayang kasalanan ang nagawa ng 'bestfriend' niya? (Bianca itawag mo kasi tinotopak yan pag tinatawag mong Miel o di kaya'y napipikon. Pikonin yan eh. Ansarap asarin nyang babaeng yan. Pramis! Sshhh ka lang ah? :D)

From A DistanceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!