chapter 2: "K-Ke-Kenji?"

38 1 0

CHAPTER 2

Araw ng lingo ay gumising si Anna ng may tumawag sa telepono ng kanilang bahay.

“Hello good morning. Sangre residence”

“Anna my dear ikaw ba’to?”

“Opo. Tita Barbara ikaw ba’to?”

“Yes my dear. Libre ka ba ngayong araw?”

“Ngayon? Hmm.. Opo. Bakit po tita?”

“Sige pupuntahan kita diyan before 12’oclock noon. Dapat nakahanda ka na ha kapag nandiyan na kami. May pinapadala ako diyang magandang dress. Iyan ang isuot mo hija, okay?”

“Huh? Saan ba tayo pupunta tita?”

“Basta. Tandaan mo ang sinasabi ko ha? Sige see you later my dear.” Putol na sabi nito.

“Pero ti-“ nadinig na lang niya na binaba na ng Tita Barbara niya ang telepono.

Napabuntong-hininga siya pagkatapos siyang tinawagan ng Tita Barbara niya. Iniisip niya kung ano ang gagawin nila mamaya. Siguro magkikita sila ng magiging asawa niya at magdi-date sila.

Humahagikhik naman siya kapag ma-imagine niya na meron siyang ka-date na singgwapo ng mga artista na makikita niya sa telebisyon.

Haayyy.. Sana magkatutuo ang mga pangarap ko.

MALAPIT ng mag 12 noon at kanina pang tapos sa pagsuot ng damit si Anna sa dress na pinadala ni Tita Barbara niya.

Di niya ito nagustuhan kasi masikip ito atsaka neon colors ang kulay ng tela nito. Pangit kasi tingnan ang mga light colors sa kanya kasi tanned ang skin niya.

Halos iiyak nalang siya dahil di niya gustong pagtawanan sa ibang tao. Buhaghag pa ang hair niya tapos oily pa ng mukha. Ito kasi ang nakikita niya sa kanyang sarili sa harap ng salamin.

“Anna anak? Lumabas ka na diyan sa kwarto mo. Nandito na si Tita Barbara mo.” Sigaw ng tatay niya mula sa kusina.

Naku po! Nandito na si Tita Barbara.

Iiyak na sana siya ng may bumukas sa pintuan ng kwarto niya.

“O my dear Anna, bakit ka malungkot?” Alalang sabi ng Tita Barbara niya.

“Ayoko pong sumama tita.” Tuluyang umiyak ito.

“Bakit naman my dear?”

“Napakapangit ko. Ayokong lumabas na ganito tapos kasama ka. Masisira ang image mo.”

Biglang tumawa si Tita Barbara niya at hinawakan ang braso ni Anna.

“Ano ka ba? Perfect yan sa pupuntahan natin. Halikana’t wala na tayong oras para sa ganituhan, okay?”

Sumama nalang si Anna sa kanyang Tita Barbara na naka-dress at tsinelas lang.

“SALON?! Bakit dito tayo pumunta? Akala ko ba ay magkikita na kami ng anak mo tita?” gulat na may halong takot na sabi niya ni Tita Barbara niya sa pagpasok nila sa isang pangmayaman na salon.

“You’re so silly my dear. Syempre namang di kita ipapakita sa kanya na di ka pa ready. So, ipa-ready muna kita dito.” Excited na sabi ng tita niya.

“Huh? Eh wala akong pera para sa ganito tita paa-“

“Sshsh! Wag ka na ngang malikot. Sagot ko na ang lahat. So just sit back, relax dahil papunta na dito  ang mga professionals para sayo.”

Nanginginig ang buong katawan nito dahil first time pa niyang maka-experience ng ganito.

Diyos ko po, Lord! Patibayin niyo po ang loob ko ng malampasan ko ‘tong hamon na’to.

Childhood ComplexBasahin ang storyang ito ng LIBRE!